Friendly Treatment

5 0 0
                                    

KABANATA 15

Pasokan na naman. Hindi ako nagrereklamo dahil tamad akong mag-aral. Tinatamad akong magcommute. Inaantok ako sa byahe kahit walong oras naman ang tulog ko. Hindi ko lang talaga mapigilan ang antok kahit saan, sa taxi o kaya bus. Lalo na pagtraffic at hindi agaran ang pag-usad ng sasakyan. Talagang aantokin ako. Nilapag ko ang handouts sa armchair na binigay ni Sir Sanchez sa akin. Hindi siya makakapasok dahil may demo teaching ito. Palagi nalang ba ako ang sasalo ng lahat? Distribution ng handouts, announcement, pupunta sa office pag tinawag ng Dean, ng mga instructor. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Anong silbi ng President at Secretary!?

"Naglunch kana?" napatingin si Mirah sa akin.

Umiling ito. "Tara my treat."

Nagdalawang isip pa siya pero wala na siyang nagawa. Hinawakan ko siya at kinaladkad palabas ng building. Nakakabanas dahil may lumalapit talaga sa akin. Intentionally, their way na pipiliin  magpapansin sa akin para mapalapit sila kay Jacob. May gusto pang magbigay ng gifts kanina para sa buong banda. Aber! Hindi ako utusan. Pagpasok namin nang cafeteria ang dami ng studyante.

"Nahihiya ako dito." tiningnan ko si Mirah na may pagtataka.

"At bakit naman? Open ang cafeteria sa lahat." kita ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"Scholar lang ako Sabrina. Hindi ko afford mga pagkain dito." natigilan ako.

Ano naman? "Studyante ka dito. Tumambay ka sa lahat ng pwede mong puntahan sa kung saan mo gusto."

Umupo kami sa gitnang pwesto. Nagtext na si Abby sa akin na hindi siya makakasabay dahil may laboratory sila. Nag-order ako sa kahit anong pagkain ang gusto kong kainin. Sinabihin pa ako ni Mirah na ang takaw ko dahil sa dami. Which is totoo naman. Gutom din talaga ako.

"May freshmen acquaintance party ang Department natin this coming Friday dumalo ka ha." nanlaki ang mata ni Mirah sa gitna ng pagkain nito.

"Ako na ang bahala sayo Mirah. Tsaka wala akong ka close, maliban sayo." Walang  attendance na magaganap pagwala ako." natigilan ako sa pagsubo.

Si Mrs. Bakya minsan nagdududa talaga ako sa kanya. Paborito ba ako o nangtritrip lang.

"Anong dress code?"

"Formal attire. Business attire." sagot ko at kinagat ang fried chicken.

"Hala mapapabili pa ako---"

"Don't worry. Ako nga ang bahala sayo diba?" ngumiti siya sa sinabi ko.

She's so adorable. "Hey, girl!"

Parang nabutonan ng tinik sa likod si Mirah nang marinig ang boses ni Ava.

"Sabrina, yes you. Ikaw ang tinatawag ko." tinaasan niya  pa ng kilay si Mirah nang mapansin ito.

"What are you doing here?" mataray niyang sabi.

Ano naman ang sadya ng babaeng to kasama ang mga alipores niya? Alam ko naman na dito sila kumakain. At ano bang problema ng babaeng 'to kay Mirah?  Parang tanim na makahiya si Mirah at tahimik nalang na sumusubo.

"Whatever." nagroll eyes siya at binaling ang tingin sa akin.

"I'm here to say that I am thanking you for defending me that night! You're cool ha!" nag-apir pa sila ng mga alipores niya.

So kwenento niya pa sa mga haliparotin na kasama niya. Ano to? Friendly treatment? Kung ganoon di talaga bagay sa kanya. Tumango tango ako. Duda ako sa babaeng ito halatang hindi mapagkakatiwalaan.

"Wala yon. Bastos kasi."

"Yeah right. By the way may practice ba sila Jacob, the band?"

At bakit niya naman ako tinatanong about sa banda? Naririto lang ba siya para itanong ang bagay na hindi ko naman masagot-sagot. Kasali naman ang kapatid niya. Umiling ako.

UnintentionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon