Aalis sa banda?

3 0 0
                                    

KABANATA 9

"Mas mabuti 'yon magwawala talaga ako pagkinasal ka sa iba." biglang naging seryoso ang tono ng boses niya.

"Seryoso ako!" aniya pero tumawa.

"Ingot---" natigilan ako.

Idinampi niya ang tissue paper sa gilid ng labi ko. "Bungi kaba?" sinamaan ko siya ng tingin.

Bully talaga! Na kwento ko nga yung nangyari sa gabing tinakbohan ko ang pamilya ko. Ang kulit ni Abby but I never mentioned sa family name or ni ano. Sabi ko confidential info na 'yon. He even forced me pero hindi ko talaga sinabi. Isa-isa naming nilagay ang plate sa tray. Siya na rin ang nag-offer na ibalik ito.

"Ang PDA niyo naman." kumunot ang noo ko.

Anak nang... bakit naririto siya?! Bigla nalang talaga tumahimik ang paligid. Parang may kung anong dumaan na ikinatigil ng lahat at nagbulong-bulongan nalang.

"Hala bakit siya nilalapitan ng membro ng banda?" 

"Who is she?"

"Girlfriend kaya siya ng isa sa membro nila?"

"Pero girl si Jacob lang ang nagsalita?"

Tumagos ang tingin ko sa likuran nila Jacob sa naririnig. Ang atensyon ng lahat nasa amin. Lahat nakatingin sa akin, lahat nagtataka, nagbulong-bulongan, may nakita pa akong kumukuha ng litrato. Mas lalong kumunot ang noo ko nang iniluwa ng pintuan sila Ava at ng alipores niya. What a tyming!

"Nagpunta ako sa classroom mo, but wala ka." bumalik ang tingin ko sa kanya.

Nilaki-lakihan ko siya ng mata. Nagets niya naman 'yon pero nanlaki lalo ang mata ko sa sunod niyang sinabi.

"Oh right. Hello everyone don't so be malicious, she's my sister!" binaling niya ulit ang tingin sa akin.

Anang nang! Masisipa ko talaga 'to! Kita ko ang gulat na reaksyon ng mga studyante sa cafeteria lalo na ang mga kababaehan. Nakakagulat ba talaga? First time ba nilang makakita ng lalaking sikat sa school na may katapid! 

"Kapatid lang pa. Kinabahan ako beh."

"Omg! may hawig nga siya kay Jacob."

"Akala ko ano na." I shuggered. Ano? Jowa? HAHAHA! Eh kung sabihin ko it's a prank? 

May iba pang malakas ang buntong hininga na pinakawalan. Ano 'yon? Sign of relief?! Haha! Akala siguro nila na girlfriend ako ng crushiecakes nilang bokalista. May iba naman na parang hindi makapaniwala. Natanaw ko din si Abby na nasa likuran lang nakatayo sa tatlong membro ni Jacob.

"May sasabihin lang ako." kumunot ang noo ko.

Sumensyas lang siya na lumabas ako kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo at sumunod. Gaano ba ka importante 'to at hindi nalang dinaan sa text o tawag!

"What sister?" huling narinig ko kay Ava nang lagpasan namin siya.

Sumunod din ang mga ka membro niya sa banda. Sign na tingin lang ang binigay ko kay Abby na antayin ako sa loob.

"You just exposed me." irita kong sabi sa kapatid ko.

"So what? Malalaman din naman nila dahil sa Surname natin." Binara niya pa talaga ako! Umiling ako. Sabagay may punto.

"One of your classmate said na ikaw ang Vice president sa classroom niyo. Nang nabanggit ko na ang pangalan mo."

Tumango ako. "Tapos?" Naging seryoso ang tingin niya sa akin sa sarcastic na tono ng pagsagot ko.

UnintentionalWhere stories live. Discover now