Pag atras

7 0 0
                                    

KABANATA 2

Kung hindi lang kasi naglahong parang bula ang lalaking 'yon siguro hindi hahantong sa ganitong sitwasyon. Sila ang nagpapatakbo dati. Si Mama ang may-ari ng negosyo nila pero ka-akibat niya si Papa sa lahat.

Oo si papa...

Umalis siya...

Umalis na parang bula makalipas lang ang ilang araw na libing ni Mama. Walang paalam.

He vanished!

Andoon pa siya sa araw na 'yon eh. Sabay pa kaming nagdudurusa sa puntod ni Mama. Nasa piling pa namin siya! Nagtaka nalang talaga ang lahat sa sumunod na araw. Walang na iwan na explanation, walang iniwan na bagay na magpapaliwag sa lahat. Iniwan kami at walang makaka-pagsabi kung nasaan siya hanggang ngayon. Nakaramdam ako ng galit. Sixteen pa ako. Tatlong taon na ang lumipas sa mga nangyari. Tatlong taon na din ang pagkawala ni Mama at ang paglaho ni Papa. Wala na kaming nakuhang information sa paghahanap kay Papa. Oo, pinahanap rin naman siya nina Lola pero hanggang ngayon wala talaga. They just accepted the fact na ang mga magulang namin ni Jacob wala na sila, na pati ang paglalaho ni Papa ay para na din siyang namatay.

Nagfocus sila Lola at Lolo na ipatakbo ng maayos ang negosyo. Years past by umasa pa rin ako, pero wala. Walang ama na sumulpot sa 18th birthday ko na last year lang nangyari. The fact that I was exactly expecting na susulpot siya. Andoon ang pagkabigo ko. Then rumors came out, ang sabi nila minahal lang ni Papa si Mama dahil sa karangyaan nito. Mahirap daw si Papa na taga bukid lang at ginamit lang daw si Mama para umangat sa kahirapan. Hindi ako naniwala kasi alam ko. Alam kong mahal ni Papa si Mama at ganoon na rin si Mama kahit magkaiba man ang estado nila sa buhay! Nabuo nga kami dahil sa pagmamahalan nila. Alam ko... nakita at naramdaman ko mismo ang pagmamahalan na meron sila. Pero bakit? Bakit nangyari pa? 

Ngayon, hindi ko ma-itatanggi na may galit at inis ako kay Papa dahil sa biglaan niyang pag-alis. Gusto kong malaman ang lahat kung sakaling bumalik siya. Babalik pa kaya siya? May mga baka sakali pa rin ako... na balang araw susulpot siya sa harapan ko at... ipapaliwanag lahat... devastated lang ba siya sa pagkawala ni Mama? Kaya siya umalis? o intention niya talagang umalis? 

Magulo ang takbo ng isip ko at mas gumulo nang isang araw nagulantang nalang kami ni Jacob sa nalaman. Successful naman ang takbo ng negosyo ni Mama the past years sa kasagsagan nila ni Papa but in just one blinked of my eyes mas-nagulantang nalang talaga kami ni Jacob sa binalita nila Lola na humina ang negosyo this year.

Nagsi-alisan ang investors nila. Bumaba rin ang ratings sa pagpapatakbo. Isa pa mas-ikinagulat pa namin na umutang sila upang mapagana at maipatuloy lang ang takbo ng negosyo. Sinong hindi magugulat? Paano umabot sa ganito? Kahit naman balasogan si Jacob sa pera hindi naman aabot sa puntong ganito. Kasi maayos naman talaga dati ang pag-aasikaso at pagpapatakbo sa negosyo ng mga magulang namin. Minana ni Mama ang negosyo sa kanila ni Lola at Lolo. Marangya ang estado ng pamilya ni Mama kaya ikinataka namin na magkapatid na umabot sa ganito. Paliwanag pa nila Lola umaabot talaga sa puntong pagnegosyo na ang pag-uusapan hindi pwedeng walang aberya na magaganap. Dadating at dadating talaga ang takdang panahon... at ito na 'yon.

Oo, pwedeng humantong na malugi ang kompanya namin at itong mga taong nasa harapan namin ang makakapagbigay ng solusyon. Ito yung sinasabi ni Jacob kanina na kung pwede siya nalang.

Napakagat labi ako.

Si Jacob may alam na siya sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa maagang panahon na training niya maaga rin siyang natuto. Si Lolo stricto pagdating sa pagpapa-alala kay Jacob na siya ang magsisilbing gabay ko dahil siya ang mas-nakakatanda.

UnintentionalΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα