Condominium

11 0 0
                                    

KABANATA 16

Napahawak ako sa dibdib. Hinahabol ko ang hininga nang makatungtong ako sa field. Wednesday ngayon ang bilis. Bumangon akong masakit pa ang ulo kanina. Napuyat ako sa pag-asikaso kay Jacob kagabi. Ang mokong umuwi siyang sobrang lasing na pati dalawang maids namin hindi kinaya ang bigat niya. Napasapo ako sa noo sa naramdaman na bigat sa ulo. Labag man sa looban ko pero kailangan parin na magpunta ako dito sa school may community service kami ngayon.

"Oy Vice late ka?!" napaayos ako ng tayo.

Sinigaw pa talaga ni James. Napansin tuloy ako ng coordinator namin. Promise sorry note talaga bagsak ko nito.

Nilahad ni Mirah ang water bottle sa akin. "Ayos kalang ba? Hingal na hingal ka?"

"1 hour late kana Sabrina. Kanina pa sinimulan ang orientation. Seaside daw tayo. Coastal clean up."

"Ha san?" nilagay ko ang tubig sa upuan na nasa tabi ko.

"East side Bay." natigilan ako.

Putek kakadaan ko lang doon habang papunta rito. "Minamalas ba ako sa araw nato!" irita kong sabi.

Tumawa si Mirah tsaka tinapik ang balikat ko.

"Tara na. May service naman." tango na lang ang isinagot ko. Nakakainis. Ang sama bumungad ni Wednesday sa akin! 

Quarter 10am din nasimulan namin ang activities ng makarating kami sa East side Bay. Mabilis naman ang oras kaya ngayon pabalik na kami sa University. Na sermonan pa ako ni Mrs. Bakya kanina. Talagang ako lang wala na naman kasing sumulpot na President namin. Asar talaga!

"Sabrina pinapatawag ka nga pala ng mga subject teachers natin." tiningnan ko si Mrah na may pagtatanong sa mukha.

Nagkibit-balikat lang siyang sumagot. "Hindi ko rin alam eh, yon lang ang sinabi."

Binalik niya ang atensyon ulit sa pag-sketch.

"Galing mo." namangha ako sa bawat shading niya.

"Turuan kita. Madali lang naman." bahagya akong natawa.

"Madali lang kasi ikaw ang nagsabi." tumawa siya sa pagbara ko.

"Pagbaril gusto mo turuan kita?" natigilan siya sa tanong ko.

"Joke lang. Pwede mo naman pang self defense ang lapis. Isaksak mo sa lahat ng mananakit sayo."

Tumawa siya na talaganf parang wala ng bukas. "Alam mo ba akala ko talaga ang maldita mo!" natahimik ako.

"Pero hindi naman pala. Kaya gusto kitang kaibiganin agad nang unang encounter palang natin eh. Kita ko na sa vision kong matapang ka."

Binalik niya ang tuon sa ginagawa. Hindi na bago. Ganoon talaga impression ng mga tao sa akin. Nagkwentohan lang kami ni Mirah buong byahe pabalik ng University. She's so chatty parang si Abby lang. 20 minutes din ang binyahe namin galing East Side, ma-traffic.







***

Nagpartways agad kami ni Mirah pagkababa sa van.

"Darn it." obligasyon ko nalang ba talaga lahat!

Bakit kasi absent yung Pres na yon? Sinabi niya pa nang nagdaang araw na pagpinatawag isama ko na siya. Oh asan siya? Tamad man ako sa paglalakad pero nakaabot pa din ako sa office.

UnintentionalWhere stories live. Discover now