Bakit nga ba?

5 0 0
                                    

KABANATA 6

Siya yon. Nasa likuran ko na ba siya all the time? At ano naman? Ba't nababalisa ako tuwing nararamdaman ko ang presensya niya? Dahil na naman ba don? Oh dahil yon sa katanongan na bakit siya pumirma? Ang daming katanongan! Naramdaman ko na naman ang kabog ng puso ko. Bakit niya ako nabibigyan ng ganitong kaba! Sino ba siya? At bakit mapaglaro ang tadhana? Bakit niya kami pinagtagpo ulit!

"Ano pa? Magkaklase pa nga kami..." parang baliw kong bulong sa sarili.

Nakadating kami ng cafeteria ng hindi maalis-alis ang isip ko sa field. Akala ko mawawala na sa kukuti ko ang taong yon. Tuwing kasama ko kasi si Abby puro tawa lang kami tapos ngayon bigla nalang pumapasok sa utak ko ang mukha niya. Nagvoluntaryo si Abby na siya nalang ang pipila. Ililibre niya raw ako. Blue lemonade, burger, at fries lang ang sinabi kong orderin niya. Nakaupo ako dito sa dulo sa may bintanang pwesto. Kita rin dito ang view ng field at ang bawat studyante. May ibang andon sa mga damohan nakatambay. Karamihan kumakain iba naman nagkwekwentohan. Mabilis kong binaling ang tingin ulit sa loob. Dumaan si Jacob at mukhang di niya ako nakita dahil kung oo, nako baka magtungo pa siya sa kinauupuan ko. Isa sa dapat kong iwasan dito sa school ay dapat wala kaming interaction. Sabi ko nga ayoko ng issue. Ayokong malaman nilang kapatid ko siya dahil panigurado maraming lalapit sa akin para gawin na way ito para makalapit sa kanya. Kanina nga habang papunta kami ni Abby dito narinig ko pang pinag-uusapan siya. Malamang fans niya yon.

"Omg, sila yan."

"Pa picture tayo beh." kinikilig ang mga babaeng studyante.

"Ang gwa-gwapo nila." tumaas ang kilay ko. Nila?

"Si, Jacob ang pinakagwapo at crush ko siya." puri nila sa pagpasok ni Jacob.

Halos babae ang ma-iingayan ka sa bawat papuring sinasabi pero pansin ko rin ang ibang lalaking studyante na namangha. Siguradong sikat ang banda ni Jacob dito o mapalabas. Napuno sa tilian ang cafeteria. May biglaan nagsulpotan na tatlong lalaki. Di ko kilala ang mga ka banda ni Jacob at di naman ako curious para kilalanin pa pero parang ito na ata ang mga ka membro niya. Apat sila at masasabi kong si Jacob ang pinakamatangkad.

Umiling ako.

Talagang titili sila. Hindi ko naman akalain na may malalakas na charisma ang mga kasamahan ni Jacob. Nagpartways ang mga studyante. Aba kulang nalang red carpet at mga trumpeta kasi kahit sa counter pa nga lang ang punta nila OA na ang paghati ng mga studyante makadaan lang ang apat. Isa sa kanila ay makapal ang salamin na suot, chinito ito at may kaputian. May isa namang naka bonet bitbit nito ang gitara sa likuran mahaba ang kanyang buhok na hanggang balikat, malamang siya ang guitarist.

Ang isa naman ay--- "Di mo sinabing pupunta sila rito." inilapag ni Abby ang tray na may pagkain sa table namin. Nilagay niya yung akin sa tapat ko. Nagkibit balikat ako.

"Di naman ako pinunta niyan. Malamang kakain yan kita mong pumila." sagot ko na agad sinunggaban ang fries.

Kanina pa ako gutom. Kanina pa ng umaga nang sinabi ni Jacob na care to eat Sabrina.
Hindi nga talaga ako robot.

"May drummer ba jan mukhang wala naman---" nilagay ko ang kamay ko sa chin ni Abby at marahan na pinalingon sa likoran.

Natigil tuloy siya sa akmang pagsubo ng burger niya. Nakita niya naman agad ang pinakita ko. Nakapila na silang apat. Ang oa naman. Sila nalang kasi talaga ang natitirang nakapila, grabeng paubaya para sa mga idols nila. Kung ako andon di ko gagawin yun. Pare-pareho lang kaming studyante. Isang lalaking nasa dulo sa pila nila ang pinapaikot ang drum sticks sa kamay nito.Nakatalikod sila sa amin kaya sigurado akong di ako mapapansin ni Jacob at kung mangyari man kakaladkarin ko palabas 'tong kasama ko. Ayokong mang-agaw ng atensyon lalo na ang atensyon ng mga studyanteng babae na panay click sa camera nila. Kahit nakatalikod pipicturan. Ibang klase.

"Baka nilalaro lang naman ang stick?" inalis ko ang kamay sa chin niya at binaling ang atensyon sa pagkain ulit.

Dahan dahan siyang lumingon sa akin at tuluyang sinubo ang burger sa bibig niya. "Pilosopo." aniya.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Nakita ko ang paglabas at pagdaan ni Jacob kasama ang kabanda niya. Nakakabanas na pakinggan ang mga papuri. Studyante pa rin ang mga yon. Pareho lang kaming lahat nagbabayad ng tuition.

"Ang seryoso mo naman dyan, so ba't di mo ako nasundo?" ininom niya ang lemonade ko.

Kupal talaga. Yon nga akala ko na masusundo ko siya. Kasi akala kong magagamit kuna ang kotse.

"Late nagising tas walang sasakyan." nagtaka siya sa sagot ko.

Naubos niya na ang pagkain niya. Vacuum talaga bibig nito. "Teka kagabi yon diba? Kamusta? Wag mong sabihin na kasa---"

Mabilis kong dinampot ang tissue paper at binato sa kanya na tumama mismo sa mukha niya.

"Hindi ba?" mahina niyang tanong.

Tumayo ako at dinampot ang bag. Sumunod agad siya. Nakalabas kami pero hindi ko alam saan ang sunod naming punta. Nasa gilid ko lang siya kinakain ang burger ko. Natawa ako. Libre niya kinain niya.

"Maging si Dora muna tayo Abby." ngumiti ang mata niya sa sinabi ko.

Yon nalang talaga ang sinabi ko. Boset nawala na sa utak sana, lahat. Na-erase na sana siya sa isip ko. Hindi ko maiwasan mamangha habang palakad-lakad kami. Malaki nga ang University at soccer field pala yung kinatatayuan namin kanina. May malaking gymnasium may malaking library. May pool area kung saan pwede ka mag swimming lesson. Dalawa ang cafeteria may malapit sa gym at yung kanina na tinambayan namin ang main. Each department building nakadepende ang palapag. Itong kasama ko sinabi pa na anim daw sa kanila. Marami sila sa course na HM. Naririto kami ngayon sa isang bench sa field. Ngayon ko lang nakita 'to.

Benches at mini tables. Each side may bench. May malalaking punong magsisilbing shadow para hindi ka mabilad sa init kaya sigurado hindi ko ito napansin kanina. Natatabunan ito kung ang seeings mo ay nasa building ka or room.

"May di pa tayo napuntahan." ngumuso-nguso siya sa hingal. Ang oa nito. Kumunot ang noo ko. Saying ano ang ibig niyang sabihin.

"Clubs stations. Meron daw eh." tumango ako.

Agad siyang sumunod sa akin ng mauna naman akong naglakad. Gusto kong malaman kung anong club meron sila. Sana merong Pistol Firing. Nakarating kami sa isang building na may apat na palapag. Kalapit na ito sa main gate. Na-aalala ko kasi ang hallway na dinaanan ko at ito yun. Sa main gate ako dumaan nang nagpa enroll ako. Umiling-iling ako. 

Tsk. Ang laking University nga naman pero naging classmate ko pa siya. Ginagago ba ako ng sanlibutan?








UnintentionalWo Geschichten leben. Entdecke jetzt