Panimula

16 0 0
                                    

"Hija, you won't regret this." napatingin ako sa reflection ng salamin sa taong nakatayo sa likuran ko.

Umiling ako.

Anong I won't?! Nakaupo palang ako rito pero gusto ko nalang kumirapas sa takbo at magwala!

Binaling ko ang tingin sa sarili.

Nakawhite dress ako na hanggang paanan simple lang ang design nito na floral. Nakasilver high heels rin ako at headdress na may design na sunflower sa left side. This is not my style sa pananamit but I need to wear it para ika-nga formal ang hitsura ko. Hindi ko kailangan ng makapal na make up. Alam ko sa sariling may itsura ako dahil ganoon ang pamilya namin.

Nananalantay sa dugo namin ang pagiging mestisa. Marami na ang pumuri sa akin na magkamukha talaga kami ni Mama. She's a model. Sikat siya sa Industry ng modeling.

Noon...

Umiling ako.

Naalala ko na naman ang gabing 'yon. Lahat ng pangyayari. Kung naririto lang sana 'yon ano kaya ang magiging desisyon niya? Payag rin kaya siya? Hahayaan niya lang kaya ako?

If nabuhay ba si Mama sa car accident na yon---

"Alam mo naman na masasalba---" agad akong tumayo para maputol ang sasabihin niya.

Ayokong marinig pa ang susunod niyang sasabihin. Humarap ako sa kanya na ngayon ay malaki ang ngiting nakatingin sa akin. I shrugged. Nakikita niya si Mama sa akin.

Huminga ako ng malalim.

Gusto kong matapos agad ang gabing ito. Na kahit hindi pa kami nakakaalis gusto ko ng umuwi dito sa bahay. Magmukmok ulit dito sa kwarto ko.

"Lo, let's go. Baka magbago pa ang desisyon ko." nawala ang ngiti niya at napalitan ng matabang na expression.

Nauna akong humakbang patungong pintuan at pinihit ang doorknob. Unang lumabas si Lolo bago ako.

Mariin akong pumikit at naglakad na din pababa ng hagdanan.  "This is for you Mom, I will do this for you."

"She's here and she's ready." aniya habang pababa kami.

Sa baba tanaw ko ang tingin sa akin ng nag-iisa kong kapatid, si Jacob. Napatayo ito sa kinauupuan nang makita ako. Kita sa mukha niya ang pagtataka. Ang pogi pag formal din ang suot.

Ang kapatid ko ay kinikilalang sikat na vocalist ng banda sa University. Incoming 3rd year na siya at ako naman 1st year at bukas ang pagbabalik-aral.

Natigilan si Lola sa pabalik-balik niyang lakad nang mapagtantong nasa likuran niya na ako. Alam kong natataranta na siya sa pwedeng mangyari if nagback out ako.

"Sabrina you're making me nervous." lumapit siya sa akin at inayos ang suot ko kahit nakaayos na naman.

Umiling-iling ako.

Pansin ko ang suot niya na dress maroon which is very matchy sa suot ni Lolo. She's also wearing what I'm wearing na headdress. Fashion ba talaga ito ng mga mayaman! Nakaabang naman sa likuran namin ang dalawang maids sa pintuan para pagbuksan kami.

Nabaling ang tingin ko sa kapatid na may pag-aalala sa mukha.

Oh right! Siya lang naman ang kapareho ko ng desisyon na umayaw, but guess what? wala na kaming magagawa pang dalawa.

"Let's go." cold na awra ang nakita ko sa mukha ni Lolo.

Tango lang ang isinagot naming tatlo.

Sumunod kami sa kanya sa front door which is pinagbuksan kami ng maid.

"Kay kuya na sasakyan ako sasakay." matabang na sabi ko.

Nagdalawang isip pa sila bago tumango.

Sa kotse ni Lolo ay doon si Lola sumakay. Kita ko pa ang worry face niya bago tuluyang pumasok.

Haist! Don't worry La! Baliw lang ang taong tatalon sa kotse para lang makatakas!

"Are you really okay with this? I'm sorry---"

I tap his shoulder.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat.

"Of course not, kung hindi lang itinago ni Lolo ang susi ng kotse ko tumakas na ako eh."

Tuluyan akong pumasok sa loob siya naman umikot pagkatapos maisara ang pintuan ng kotse.

"Kung pwede lang, ako nalang." aniya bago pinaandar ang sasakyan.

Hindi na ako umimik.

Binaling ko ang tingin sa gate na binubuksan ng maid namin. Oo, kung pwede lang si Kuya Jacob pero hindi eh.

Pumikit ako.

Nakalabas na ang mga sasakyan namin.

Ito lang nga ba ang practicalan na desisyon na dapat kong gawin? Ito lang ba ang tanging solusyon? 

O... baka pwede pang umatras?








UnintentionalWhere stories live. Discover now