Maghunosdili ka

5 0 0
                                    

KABANATA 22

Parang zombie akong naglalakad ngayon sa hallway. It's already 12:30 at wala na akong gana na maghabol pa sa oras ng class session ni Sir. Sanchez. Ano pang silbi? 15 minutes late promissory note na. Ano nalang 'tong 5 hours kong late? Ah, mali absent na pala ako ngayon. Pakiramdam ko magkaka-red notice ata ako kahit hindi pa tapos ang prelim namin. Buwisit kasi! Napasarap ang tulog ko na hindi ko namalayan ang oras. Buti nalang din talaga hindi ko na naabotan sila Jacob. Napacommute tuloy ako dahilan na mas lalo akong nalate dahil sa mabagal na usad ng bus ko na nasakyan. Kinapa ko ang cellphone ko nang magvibrate ito. Kanina pa ako tinetext ni Abby, ay mali kagabi pa. Hindi ko na rin chineck ang mga messages kagabi. Nawindang ako sa dami ng missed calls. At lahat ng 'yon galing sa kanilang dalawa ni Jacob.

*Abby

"Nasaan ka? Papunta ka naba dito? Magsosorry ako. Magreply ka naman."

Sa dami ng messages kagabi wala talaga akong nabasa kahit isa dahil nakatulog agad ako. Napadpad pa talaga ako ng cafeteria sa sobrang kalutangan. Nilapag ko ang bag sa table tsaka umupo. Naririto ulit ako sa spot namin ni Abby sa dulo. Umiling ako nang maramdaman ang pagtunog ng tiyan. Sakto pa talagang umabot ka rito Sabrina.

"Oo, table 19 po. Sa pinakadulo ate sa may bintana." nagpasalamat ako bago tuluyan na tumalikod.

Gumilid ako sa mga babaeng halos hindi ako padain. Ang laki ng cafeteria nagsisiksikan sila sa gitna. Anong bang pinagkaka-abalahan nila? Palapit pa lang ako sa table ko pero nagtaka ako nang maaninag ng mabuti ang pwesto. Kumunot ang noo ko. May nakaupo na pero nakatalikod siya sa akin. Hindi niya ba nakita na reserved na ang table at nakuha niya pang umagaw ng pwesto. I rolled my eyes.

"Excuse me? Ako ang nauna---" nanlaki ang mata ko nang makita ang mukha niya.

"Anong ginagawa mo dito?" direktang sabi ko.

Nag-iiwas akong lakasan ang boses kasi alam kong pinagtitinginan na kami ngayon. Mali hindi kami, siya langBagkus na sagotin niya ako hindi siya umimik. Saglit niya lang ako binalingan ng tingin. Umawang ang bibig ko. Wow ha, asar! Alam kong famous niya siya sa buong University kasi kinababaliwan siya ng marami pero dapat, ibahin niya ako sa kanila. Nakakarinig na agad ako na pinag-uusapan na siya ng ibang studyante. Of course! Maraming humahanga sa kanya! Bakit kasi dito pa siya naupo.

Kinuha ko ang bag ko. Ayoko sa atmosphere na nararamdaman. "Okay fine. Kung ayaw mo umalis, edi ako ang aalis."

Sinamaan ko pa siya ng tingin. Gutom na ako pero ayoko din naman kumain na nasa harap ko siya.

"Seriously? The way of sitting here is statutory?"  natigilan ako sa pagpaparinig niya.

Humarap ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Nanadya ba siya! Tama nga siya, hindi ko naman pagmamay-ari ang kina-uupuan niya para pagbawalan siya. Pwede naman talaga siyang umupo! Ang tanong ko lang naman ay bakit sa lahat ng upuan at pwesto dito pa siya na padpad. Ang rami namang bakanteng upuan bakit dito pa niya napiling umupo sa pwesto ko.

"Bahala ka." tinalikuran ko agad siya.

"Tsk. Normalize sitting with your classmate." napahinto ako sa sinabi niya.

Suminghap ako. Pakiramdam ko naging oa ako! Alam niya bang dito ako nakaupo kaya naririto siya para mang-asar lang?  Bumalik ako at padabog na umupo. Tinaasan ko siya ng kilay baka iniisip niya ini-ignore ko siya. Pinanliliitan ko siya ng tingin. Aish! Ini-ignore naman talaga kasi ayoko ng issue!  Dumating ang order ko kaya wala na akong dahilan pa para umalis. Sayang naman kung hindi ko kakainin dahil lang naririto siya. Idaan mo nalang sa kain ang lahat Sabrina. Tahimik akong kumain pero hindi ko mapigilan sumulyap ng tingin sa kanya. Hindi siya nag-order at talagang nakaupo lang siya sa harapan ko. Anong pang ginawa niya dito? Tambay? Akala ko ba sa sobrang mysterious niya ayaw niya sa mataong lugar? Ah, vocalist nga pala siya. Sanay na siya sa mataong lugar.

UnintentionalWhere stories live. Discover now