Makapanindig balahibo

3 0 0
                                    

KABANATA 11

Nagsimula agad ang discussion ni Mrs. Bakya sa amin. Kalahating oras ng discussion pagkatapos nagbigay rin ng quiz.

"So sino pala dito sa inyo ang nag-audition kahapon?" nag-situruan ang iba kung kaklase ang iba naman nag-taas ng kamay.

"Siya din po Ma'am." napalingon silang lahat sa likod.

Hindi... hindi sa likuran kundi sa taong katabi ko na itinuro ng kaklase kung babae.  Sino pa bang tahimik sa klase maliban sa akin? Tiningnan ko siya. Mr. Kunot noo. Nag-audition pala siya? Sa pagiging tahimik niya kumakanta pala siya? At ano kaya puro humming lang?

"That's good, I'll add 30 points."

"Yes!" masayang sabi ng kaklase kung nasa unahan.

Napuno ang silid ng puro reklamo ang iba naman labis ang tuwa. Nag-dismiss agad si Mrs. Bakya kaya balik ingay ulit ang classroom namin.

"Vice alam mo ba na makapanindig balahibo ang boses ni Pres?" natigil ako sa pagsusulat.

Nilingon ko saglit ang katabi ko. Syempre hindi! Kasi wala ako nang nag-audition siya kahapon! Parang wala siyang narinig. Binaling ko ulit ang tingin sa kumausap sa akin.

"Ahh." tanging lumabas sa bibig ko.

"Oo. Kapatid ka pala ng bokalistang si Jacob? Sabihin mo ang gwapo-gwapo niya." ngumiti pa ito bago tumalikod sa akin.

"Ibig sabihin close din siya sa mga membro ng banda? Sana ako nalang si Vice Pres!" sabi ng katabi niyang tumili pa.

Natigilan na talaga ako sa pagsusulat. Inuutusan ba nila ako! Talagang pwede siya nalang ang Vice Pres! Kasi ayoko naman talaga! Sayo na ang korona! Baka mas makatiis pa siya sa akin! Matiis niya kung gaano magbigay tingin ng masungit namin na President! Sana matiis niya! Padabog akong tumayo. Ito na nga ba ang sinasabi ko. May mag-aapproach sa akin dahil kapatid ko si Jacob. Napapamura na ako sa utak.

Nag-martsa nalang ako papuntang harap. "May anunsyo si Vice! Magsitahimik!" napaayos ang lahat ng upo sa pagsigaw ni James.

Ayos 'to ah hindi sasakit lalamunan ko. Itinaas ko ang dala-dalang papel at pinaliwanag lahat. Sinunod din naman nila ang sinabi ko. Naging maingay ulit ang classroom. Pinag-uusapan kung anong club ang papasukan nila. Bumalik rin agad ako sa upuan. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang matatalas na tingin na naman ng mokong.Ilang minuto din ng makita kung papalit ang isang classmate sa akin. Ilalahad niya na sana ang papel pero itinuro ko ang katabi ko.

"Sa PRESIDENT NATIN." mariin kung sabi.

Binalingan ko pa siya ng tingin.Pinanliliitan ko  talaga siya ng mata. Siya lang ba marunong! Nag-tataka pa ang kaklase ko pero agad niya din naman na nilapag ito sa armchair. Ayon, bumalik siya sa upuan na-nangisay sa kilig. Kasunod dumating si Sir Sanchez na may dalang mga handouts.








***
Maagang dismissal ang nangyari sa Major subject namin. Nagbigay lang ng essay na assessment. Palabas pa lang ako sa department building nang may bigla nalang humatak sa akin.

"Gago ina-ano ka ba?" napatikom ako ng bibig.

Siya na nga itong hinatak ako siya pa ang may ganang bigyan ako ng kunot noo. Kainis! Ang suplado! Pinakita niya sa akin ang papel kanina. Nasa kanya nga pala 'yon. Alam niya palang isasauli ibig sabihin nagpunta siya sa Dean namin?

"Pwedeng ikaw nalang?" plastic akong ngumiti.

Hindi siya umimik. Hindi naman kasing bigat ng dumbbell ang papel na hawak hawak niya para samahan ko pa. Tinalikoran niya lang ako. Aba Bastos! Wala na akong nagawa. Syempre hindi ako sumabay sa lakad niya nasa likuran lang ako. Ang bilis niya namang maglakad, ang hahaba ng bawat hakbang niya. Confirmed, 6 footer talaga siya. Halos madadaanan niyang studyante tinitingala siya. Umatras ako ng kunti sa kanya. Issue. Ayoko ng issue. Kilala kaya siya ng bawat studyante rito? Na kapatid siya ng may-ari ng University na 'to? Bahala siyang mauna doon pwede niya lang naman ibigay agad 'yon. Mas lalong bumagal ang lakad ko nang nasa field na kami. Halos ang atensyon ng mga studyante nakatuon na sa kanya. Mga babae na kahit mga Seniors nakatingin sa kanya. Siguro sa vision ng mga mata nila kumikinang ang buong kataohan niya. Umiling ako. Tsk. Kung sila kaya bigyan ng kasupladohang tingin niyan hindi kaya sila matu-turn off? O baka mas lalo pa silang maturn on. Napadaan kami sa mga Crim Students na nag-foform ng formation.

"Girls eyes straight!" command ng instructor nila.

Nag-silingonan kasi ang mga kababaehan. "Freshmen pa yan naka-civilian eh."

"Pero kahit simpleng white long sleeve polo lang ang suot bakas ang makisig na pangangatawan."

"Crim Student kaya yan?" madami pa akong mga narinig na puri sa kanya sa mga nadaanan namin sa field.

Ano tingin nila sa kanya. Walking goddess? Baka si Hades! Kasi sa akin isa lang siyang studyante na may maarteng ugali! Kahit ang daming nag-papansin sa kanyang babae kahit anong ganda nila hindi niya tinutuonan ng pansin para siyang bingi, at bulag. Dire-diresto lang ang lakad.

"Sabrina!" napahinto ako sa paglalakad nang madinig ang boses ng tumawag sa akin.

Lumingon ako sa likod at nakita ang kakalabas lang na si Abby sa cafeteria. Agad din itong lumapit sa kinatatayuan ko. Nakuha niya pa atensyon ng ibang studyante. Minsan naiisip ko. Nakalunok 'to ng mega phone sa kasagsagan nang pag-iri ng magulang niya.

"Kumain kana? Saan punta mo? Lagpas cafeteria kana." tinatap niya pa ang ulo ko.

Tinuro ng nguso ko ang katabing building ng cafeteria. "Andyan lang sa Dean building."

Tumango-tango siya bilang sagot. "Tapos naba kayo?" sabay kaming napalingon sa nagsalita.

Ang cold ng awra at boses niya. Masama ang tingin. Nakataas ang isang makapal niyang kilay. Nakatayo lang pala siya doon. Bakit di nalang siya nagpatuloy? Katapat na niya ang Dean Building. Si Abby naman tiningnan ako ng may pang-liliit sa mata. Iniisip ng kumag na 'to!

"Kasama mo pala yan? Alam mo ba?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang ano!?" iritado kong tanong. May pa trill pa sa mukha niya.

"Halos mapunit na kaya lalamunan ng mga babae kahapon kakatili sa pagkanta niya."

Tinap niya na naman ang balikat ko. "Mauuna na ko Sabrina, may assignment pa akong sasagotan. Ingat palagi aking Binibini."

Ngumiti siya bago tumalikod sa akin. Urgh, ang cringe mo Abby! May home assignment tapos sa school sasagotan. Sumunod nalang ako sa isa at tuluyang pumasok sa silid. Now I realized. Kaya pala!  Kaya pala exaggeratedly kung tingnan siya. Hindi lang pala walking goddess nakikita nila sa kanya. Asus! Sa pelikula lang yung mga lalaking bad guy kamo pero may tinatago na kabaitan at syempre wala sa kanya. Nakuha pa nilang kiligin. Kung alam lang nilang suplado 'to! Tinataponan ko na siya ng masamang tingin kahit nakatalikod siya sa akin.

"Slow head." agad akong nag-iwas ng tingin nang bigla itong lumingon sa akin.

Alam kong pabulong na 'yon pero narinig ko talaga. "Sinabi ko bang hintayin mo ako?" sarcastic kong sabi.

"Ingot." nilagpasan ko siya tsaka kumatok sa pintuan.

Kung andoon ako sa pagkanta niya sa audition automatic gong 'to.







UnintentionalOnde as histórias ganham vida. Descobre agora