Party

4 0 0
                                    

KABANATA 14

"Where are you Sabrina?" napabuntong hininga ako. Pangatlong tawag na ito ni Jacob.

"Bakit kasi kailangan ko pang pumunta dyan? Di naman required ah!" narinig ko ang tawa niya.

"Bakit hindi ka pa din ba makaget over sa nakita kahapon?" ano daw? Mapang-asar talaga.

Nagbigay pa ako ng masamang tingin ko kahit hindi niya naman ito nakikita. Ngayon ay ang welcome party nila para kay Ezekiel.

"Come on, kung hindi ka bitter and why would you be---"

"Fine! I'll come. Saan bayan?" sinabi niya agad ang location bago ako binabaan.

Nagbihis agad ako. Denim jacket lang at white jeans ang suot ko. Gabi na at gusto ko nalang matulog. Ayoko ng mag-aayos dahil panigurado mayayamot rin ako doon. Hindi ko feel ang magparty ngayon. Bumaba ako at nadatnan si Lola sa sala.

"Joining?" matabang akong ngumiti.

Wala akong curfew hours kaya madalas na nakakagala ako paggabi. Kailan mo kasi uli mababawi ang kotse mo Sabrina! Kaninang umaga lang ulit kami nagkausap ni Jacob and guess what? Nang-asar pa. Bilog daw ang mundo, mapaglaro daw ang tadhana. Talaga lang! Pinaglalaroan ka nga ni tadhana Sabrina!

"Oy nauumay ako dito."

"Boring pala ng business trip. Wala akong mahanap na chicks." natawa ako sa text ni Abby.

Malamang negosyo ang pinuntahan niya at hindi girls hunting. May kalayuan din pala itong bar na pinapartyhan nila 30 minutes ang binyahe ko.

"2nd floor. VIP." umiling ako sa reply ni Jacob.








***
Pagkapasok ko sa bar nagulat ako sa lawak nito. Ang ingay. Nakaka-astigma ang mga decor-liriting lights. Natanaw ko si Jacob na nakatayo sa balcony. Ang daming tao. Millennials may adults and all. Nahiya naman ako sa suot ko. Halos hubo't hubad ang kasuoton ng mga kababaehan. Paakyat na sana ako pero bigla akong hinarangan ng isang bouncer.

"VIP pass Miss?" tiningala ko si Jacob.

Sinabi niya lang sa iri na sabihin ko ang pangalan sa taong nakaharang sa harap ko ngayon. Pambihira. Gaano nga ba kamahal ang bar na ito para magkaroon ng VIP pass.

"Madrigal Sabrina." bigla nalang siyang tumagilid at pinadaan ako.

Umakyat agad ako. Problema non?

"Welcome to Hideout Jacob's lil sis. I'm Tom." bati ng guitarista nila.

Malapad ang ngiti niyang nilahad ang kamay para makipagshakehands. Infairness, gwapo talaga siya. Pansin ko din na braided na ang hairstyle nito. May hawig ang side profile niya kay Tom Kaulitz  guitarist of Tokie Hotel pero mas pogi pa rin 'yon. Walang kupas. Napahinto ako nang mabaling ang tingin sa taong nasa edge ng solo sofa. Nakita ko na naman siya. Ayan na naman siya sa tingin niya! May sigarilyo itong hawak na umuusok pa. Na-aalala ko na naman... He kissed me! I hate smokers! Babatiin ko paba siya? Eh ano? Para saan pa at bakit pa hindi ko feel ang bumati. Welcome to the band Ezekiel! Ganon ba? Tsk. Kunot noo ko siyang tiningnan. Bahala siya. Bahala siyang umasa na babatiin ko siya. He should be sorry sa ginawang panghahalik! Ang kupal parang walang ginawa!

"Aish." naiinis akong nag-iwas tingin.

Nakatitig kasi ito sa akin. Bakit ba ang hilig niyang gawin sa akin ang tumitig? Nakakailang na. Na-aalala ko lang lahat.

UnintentionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon