through gentle caresses

76 6 5
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER THIRTY-THREE
through gentle caresses
━━━━━━━━━━━━━━━━

The event flowed smoothly. May iilang palarong ginanap para sa mga batang dumalo at mayroon ding para sa matatanda. Mabilis din natapos ang kainan at kung ano-ano pang side activities na ginawa ng buong pamilya liban na lang kina Sweven at Novan.

Everyone enjoyed the moment spent regardless, gano'n din ako kahit na hindi ko man lang nakuhang tumayo mula sa kinauupuan mula pa kanina. Simpleng pagtawa, pagmasid, at panonood lang ang ginawa ko.

Sa pagmamasid ko pa ay napag-alaman ko rin na Austria-based pala ang mga reporter at camera na nandito. Naka-reserve raw 'yun para sa isahang announcement ni Tita Selene mamaya. It was sent by IMI's main quarters from Austria kaya ganu'n na lang ang gulat ko mula pa kanina.

Perhaps, Tita Selene will announce something about our institution?

"Hey," Somebody gently pinched my hand, "You're extremely quiet. Is something wrong?"

Nilingon ko si Novan na mula kanina ay pinaglalaruan lang ang kamay ko. He's nibbling it with one hand since the event started. He never once let go kahit noong kumakain kami.

Ang mata niya ay namumungay din na nakatingin sa'kin. Looks like the event is making him bored. Sa pagkakaalam ko rin ay ngayon ko lang siya nakitang dumalo sa ganito. Malamang ay hindi siya sanay.

I smiled at him, "I'm good. I just have nothing to say, Nov."

"Even to me?"

Natawa ako, "Novan, you clingy jerk. We're in a public event."

"Does it matter? I want my Solace to talk to me." Aniya bago nilapit ang bangko sa'kin.

Humilig siya sa lamesa nang hindi binibitawan ang kamay ko kaya mas lalo akong natawa. Ramdam kong napatingin sa'min si Sir Monova pero agad din niyang binalik ang ulo sa harap habang umiiling-iling.

I chuckled at Novan then, "What do you want to talk about? Hm? Do people here make you uneasy?" Bulong ko.

"No..." He murmured, "I just want you to talk to me. We can leave for a moment, you know? So it won't bother you that we're in public. Mama got us a room in Takara Hotel near here. We can go ahead."

"How about the event?"

"It can end for all I care, Solace. I want to ask you something. It's... it's important." His eyebrows met.

"We can't take that, Nov. This is your family's event!"

"Then, shall we wait until it's done? I'm not used to this..."

Napuno agad ako ng pag-aalala, "Unfortunately, we have to stay. Let's wait until this will end, okay? Then, we'll rest together after this. Sounds well?"

He momentarily stared at me before he nodded. I heard him groan but he didn't protest. Hinigpitan niya lang ang hawak sa kamay ko. Tumawa naman ako at binigyan siya ng maliit na halik sa pisngi na nakita kong tahimik na ikinatiim ng bagang niya.

I almost smirked as I stared upfront. Alam ko kasing hindi na siya makakasagot kapag binigyan ko siya ng munting halik.

Sa kabila nu'n ay hindi ko maiwasang mapuno ng kuryosidad sa sasabihin niyang importante. Mukha kasing mahalaga 'yun lalo na't seryoso ang tono niya't mukhang gusto niyang ako lang ang makakalaam.

"Nag-enjoy ba ang lahat?!" Sigaw ng emcee. Angkla-angkla niya sa braso si Tita Selene na malaki rin ang ngiti. Naputol ang pag-iisip ko dahil do'n.

Everybody said 'yes', then. Especially the kids na ngayon ay may dala-dalang malalaking bags ng tsokolate.

Over Each Ruins (Virago Series #2)Where stories live. Discover now