after a sweet please

104 4 0
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER THIRTY-FIVE
after a sweet please
━━━━━━━━━━━━━━━━

Our flight to Cebu is quite early kaya maaga akong nagising at maaga ring nagligpit ng sarili. Pagkatapos kong i-text si Aster kung kamusta na ba siya ay nagpatuloy ako sa paglalagay ng kolorete sa mukha.

Wearing my spaghetti sundress, I smiled at the mirror after putting on a light touch of those. Tapos na rin ko sa pagligpit ng bagahe. Nasa tabi ko na ang malaking maletang dala lalo na't magtatagal talaga kami ni Novan sa Cebu.

And although, I'm excited, there's still this slight hesitation inside me. Winawagli ko 'yun lagi kasi ayokong maging negatibo lalo na't plinano ko na rin naman ang pupuntahan namin. Mula sa resort, vacation house, at sa mga farms plus resto? I planned it all.

I want to use my remaining time with Novan. I wanted to make memories. I want to cherish every moment with him lalo na't sigurado akong mag-aaral na ako sa labas ng bansa pagkatapos nito. Hindi niya pa 'yun alam at ayaw ko munang ipaalam lalo na't hindi pa naman konkreto ang enrollment ko.

I just planned it. For the next few months, I have already set myself up to study and earn another degree so I can be a Medical Doctor of IMI. It was a long dream. Mahirap ngang talaga ang tatahakin kong daan pero pangarap ko 'to at hindi ako susuko ngayong abot-kamay ko na.

I just wonder if Novan will support me through it. Pero knowing him, I'm sure he will allow me. And if he won't then... then I won't let him become a "hindrance". My dream might goes first in line just like before.

Pinilig ko ang ulo atsaka tinignang muli ang sarili. Nang makuntento ako ay tsaka ako bumaba para makaalis na kami.

Just like I expected, Novan went ahead of me. Nasa ibaba na siya't may kausap sa telepono.

As usual, kulay blue nanaman ulit ang suot niyang polo t-shirt. A white sweater was tied loosely on his neck. At pinares niya 'yun sa puti ring chino pedal shorts. He's wearing a flat vans but he still looked so tall, at nadagdagan lang ang karismang taglay niya nang makita ko kung paanong salubong ang kilay niya habang nakikipag-usap sa aparato.

Hindi ko maiwasang hindi pag-initan ng mukha. He's really good-looking! Parang fresh pa rin kahit madalas siyang magpuyat dahil may kinakausap siya sa telepono.

Nang sandaling makarating ako sa staircase ay saktong lumingon siya. Ngumiti ako at akmang ibababa na ang maletang dala kung hindi niya lang ako tinawag.

Mabilis niyang tinapos ang usapan niya sa aparato. He then walked towards me. Siya na ang kumuha ng maleta ko at nagdala nu'n sa ibaba. Napakurap na lang ako.

"Why did you end the call?" Tanong ko, "You don't need to do that."

"My beautiful Solace. The call doesn't matter." He whispered. Isang maliit na halik sa labi ang iginawad niya sa'kin bago niya ako hinawakan sa kamay.

I chuckled bago lumipat ang mata ko sa isang maleta niyang dala, "Are you ready to go?"

"Hm-m. I'll drive us there since unfortunately, hindi na raw makakarating sina Mama to see our flight. Your parents are the same. They called just now." Aniya.

Ngumuso ako, "Bakit daw?"

Panandaliang nawala ang ngiti niya, "Just some important matters regarding their leave soon. While your Mom called to inform na may importante silang pag-uusapan ni Mama."

Over Each Ruins (Virago Series #2)Where stories live. Discover now