last for eternity

85 3 0
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER THIRTY-EIGHT
last for eternity

━━━━━━━━━━━━━━━━

"Bakla ka. Sure ka ba riyan? Parang kagabi lang parang ayaw mo siyang lubayan ng tingin, ah?" Zahara asked for the nth while we're sipping coffees sa isang cafe malapit sa Temple of Leah.

Sumimsim ako sa kape. Seryoso ang mukha ko siyang tinignan pagkatapos, "Novan can't get out of the country. I told you so. Wala akong choice kung hindi lumuwas mag-isa kasi una sa lahat, ayokong mapahamak siya."

We decided to hang out for a while. Double date nga raw sabi ni Zara. And while Calvin and Novan are playing chess on the porch sa labas ng kapehan, kami naman ni Zara ay nasa loob at masinsinang nag-uusap. Medyo malayo kami sakanila kaya kampante akong wala silang may maririnig.

"Long distance is no joke," ani Zahara, "Mahihirapan kayo ro'n pero malalaki naman na kayo. I believe kaya niyo na 'yan! Bonak ako mag-advice kaya go!"

I chuckled. Of course, kaya talaga namin 'to. Kakayanin kumbaga kasi tama nga naman si Novan kahapon.

I have dreams way before I met him and I myself won't let anything become a hindrance to reach it. That's what Novan said. Kaya ko naisip na maigi rin siguro ang LDR sa'min. Ang hindi ko kasi alam ay kung alam ba niya ang sitwastyon niya pero kakausapin ko rin siya pagkatapos ng bakasyon namin.

Napatingin ako sa table nila ni Calvin at nakitang may babaeng lumapit sakanila. Both him and Calvin looked up to the ladies na naglahad ng aparato sakanila.

Zahara and I unconciously shared glances. Pareho pala naming pinapanood kung papaanong pinakita ni Calvin ang necklace niya habang si Novan naman ay walang-emosyong umiling bago ako tinuro.

I blinked simultaneously when he smirked in my direction. His grin looked boastful! Ang dalawang babae naman ay mukhang nadismaya't parehong umalis na lang.

Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring hindi 'yun nakita. I pretended that I was talking to Zahara pero napaigik din agad nang maramdamang may tumabi at humalik sa pisngi ko!

"Novan..." Nahihiya kong saway sakanya.

"What?" Maang-maangan niya bago naupo sa tabi ko, "Those girls wanted my number so I told them that you're my girlfriend. And I'm yours already."

Lumabi ako, "I know right."

He chuckled before holding my waist. Nagpatuloy naman sila ni Calvin sa paglalaro ng chess sa tabi namin hanggang sa nagpasya kaming bumukod dahil may appointment pa raw si Zahara na kailangang puntahan.

As we left then, nagsisimula nanaman akong bundulin ng pag-aalala kung paano ko sasabihin kay Novan o kung alam na ba niya ang sitwasyon at mas pinili niyang pakampantehin lang ako.

"Nov?" I called for him bago humilig sa balikat niya.

"Hm? What does my love need?" He sweetly called.

"Kakayanin mo bang malayo sa'kin ng ilang taon?" Mahina kong tanong.

Ramdam kong natigilan siya, but I didn't bother taking back my question. Ilang minuto pa siyang hindi nakasagot bago ko naramdamang pinagsalikop niya ang kamay namin.

Over Each Ruins (Virago Series #2)Where stories live. Discover now