until he weakens

108 6 6
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━ 
CHAPTER THIRTEEN 
until he weakens
━━━━━━━━━━━━━━━━

"May maliit na fiesta pala lagi rito sa Glee Sands sa susunod na linggo. Taon-taon 'yun ginaganap. Gusto mo sumama, Sol?" Bungad ni Nigel pagkatapos patayin ang rice cooker.

Napatigil ako sa pagbiyak ng itlog, "May ganu'n dito?"

Tumango siya, "Sinimulan 'yun ng mga naninirahan do'n sa likod tapos sinamahan na rin ng mga chattel owners hanggang sa naging patok na rin kahit sa mga turista."

"Sumasama ro'n si Novan?" Tanong ko ulit bago nagpatuloy sa ginagawa.

Nagluluto kasi ako ng pang-agahan naming tatlo. Omelette ang napili ko lalo na't parang paborito 'to ni Novan. Wala na rin dito sina Dahlia at ang iba pa. Mga apat na araw na simula nang umalis sila sa isla at bumalik sa syudad. Naiwan ulit tuloy kami rito.

"Nah. Hindi sumasama si Novan sa fiesta kahit anong aya ko." Bumusangot si Nigel, mukhang wala na ang enerhiya niyang ayain ang isa dahil lagi rin naman siyang tinatanggihan.

"Ayain natin ulit ngayon. Baka sumama siya," Ngumiti ako, "Malay natin 'di ba? Sayang at baka ro'n niya pa makita soulmate niya. Mukhang araw-araw siya may dalaw kasi wala siyang girlfriend 'e."

Kumuha ako ng kamatis habang tumatawa at akmang hihiwain 'yun nang bigla ulit akong tinawag ni Nigel.

"Huwag na raw lagyan ng kamatis sabi ni Novan. Paborito niya 'yun pero huwag daw lagyan." Aniya.

Nagtataka kong binalik ang kamatis sa lalagyan. Paano naman kasi magiging omelette 'to kung walang kamatis?

"At isa pa, Sol," Inakbayan niya ako, "Hindi interesado si Novan sa babae."

"Bading siya?" Gulantang kong tanong.

Agad akong nakatanggap ng batok, "Hindi! Ayaw niya lang sa relasyon. Ikaw talaga, 'yang logic mo 'e!"

Napangisi ako at hindi na lang sumagot. Nagugutom na kasi ako. Uunahin ko pa ba siyang aliwin gayong gutom na ko?

"Atsaka malay mo, Sol, baka ikaw talaga para kay Novan." Nigel smirked at me.

Inikutan ko siya ng mata at piniling huwag na pansinin. Nakasanayan niya na akong asarin nang ganyan simula nang kwinento sakanya ni Logan ang pagbabagong napansin niya kay Novan.

Nagpatuloy na lang ako sa pagluluto habang siya naman ay nagpaalam na may gagawin daw muna ulit sa isla. Saktong pag-alis niya ay narinig kong may sumaradong pintuan sa itaas. Mukhang gising na si Novan.

Nang nilapag ko ang omelette sa lamesa ay saktong pumasok si Novan na salubong ang kilay at magulo ang buhok. Basa rin ang mukha niya, parang kagagaling sa hilamos pero kahit ganu'n ay hindi nabawasan ang angking kagwapuhan niya.

"Good morning, Novan!" I smiled widely, "I cooked omelette. No tomatoes like what you wanted!"

Kunot-noo niya akong binalingan, "You cooked instead of Nigel?"

"Oo," Napakurap ako, "Hindi ba dapat?"

Tinignan niya lang ako at hindi sinagot. Napangiti na lang ako lalo ro'n. Kahit medyo tipid siya magsalita at 'di talaga nagsasalita minsan ay may napapansin na akong pagbabago niya nitong mga nakaraang araw.

He's smiling already! Malimit lang pero ngumingiti pa rin siya, 'di gaya ng dati na lagi siyang nakasimangot. His panic attack also subsided, it didn't happen anymore, and he didn't really show any passive aggressiveness or any manic behaviour to me like I expected.

It heightened my confusion about his state. The diagnosis must be faulty at some point or maybe... Novan's just really good at hiding it.

According to a certain mental health statistic, 40% of men are good at hiding their mental illnesses due to various reasons. First one is because they're men. Men shouldn't show weaknesses for they are viewed as human with stature strength, the kind of people who shouldn't show emotions because they're masculine.

Over Each Ruins (Virago Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora