the hope in living

101 5 8
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER THIRTY
the hope in living
━━━━━━━━━━━━━━━━

As I adjusted my sight and senses, I felt Novan's warmth enveloped me. Nakapalibot sa bewang ko ang braso niya habang pareho kaming nakahiga. Katapat ko ang dibdib niya. Both of us are under the same sheet, and we're also wearing the same clothes from yesterday.

I woke up with an unbelievably stinging eyes. Mabigat din ang ulo ko gawa ng walang tigil ko 'atang pag-iyak. Ni hindi ko nga namalayang nakatulog ako nang hindi kumakain kagabi.

I blinked as I looked up to Novan who's still peacefully sleeping. His hands are around me as he clasped me tightly inside his chest. Gaya ko ay halata ring mugto ang mata niya kahit nakapikit, pero hindi nu'n nabawasan ang kagwapuhang taglay.

Napangiti ako bago dahan-dahang siniksik ang sarili sa dibdib niya. Isang malalim na buntong-hininga ang nailabas pagkatapos dahil sa kaginhawaang naramdaman.

Somehow, I feel carefree and peaceful. Unlike the chaos I felt last night, I feel the opposite now. Para akong dinala sa alipaap, marahil dahil nilabas ko lahat ng bagabag na naramdaman ko kagabi.

Nakakahiya nga kasi hindi ko alam bakit bigla akong naiyak. Siguro'y naipon lang 'yung mga emosyong inignora ko nitong nakaraan kaya bigla na lang akong sumabog nang malaman ano ang nangyari kay Novan habang wala ako.

Nakakapanghinayang na nagawa niyang gawin 'yun makalimutan lang ako. Na parang binagabag ko ang mundo niya nang sandaling mapahamak ako.

Napatingin ulit ako sakanya, hindi ko alam kung anong iisipin ko sa sinabi niya kagabi. Kung dapat ko bang bigyang kilala ang nararamdaman niya o tama bang maramdaman namin 'to sa isa't-isa.

A psychotherapist fell in love with her patient. I've only known Harley Quinn and Joker as the perfect example, but we're saner than them. I don't even know if it's right or alright to feel like this... but it's unstoppable. It's either I'm too weak to let it bloom or I'm watering it myself.

Sa naisip ay napabuntong-hininga ako bago ko naramdaman ang pagkulo ng tiyan. Napabalak akong gisingin si Novan dahil paniguradong pareho kaming hindi pa kumakain mula kagabi, pero nang mapatingin ulit ako sakanya ay naisip ko na lang na hayaan muna siyang magpahinga kaysa gisingin.

Dahan-dahan ay tinanggal ko ang braso niyang nakapalibot sa'kin bago ako bumangon, pero sa gulat ko ay humigpit lang ang yakap nu'n. Then I heard somebody chuckled, before I got pulled back on the bed!

"Novan!" Gulat kong sambit sakanya nang bumagsak ako pabalik sa tabi niya.

But he just chuckled! His embrace even tightened as he pulled me closer to him! Tipong wala ng space sa pagitan namin!

"Good morning, Doc..." He asked, his voice was raspy, "Did you sleep well?"

I felt tingles all around my stomach upon hearing what he just called me. I don't even know if it's hunger or something beyond, so I just bit my lip before nodding silently. Hindi ko inangat ang tingin sakanya. Pinili kong itago ang mukha sa dibdib niya gawa ng hiya at pag-iinit ng pisngi.

"Are you hungry?" He asked again.

Mahina akong tumango at siniksik muli ang sarili sa dibdib niya. Nakakaginhawa kasi sa pakiramdam ng dibdib niya sa hindi malamang dahilan.

Over Each Ruins (Virago Series #2)On viuen les histories. Descobreix ara