ignite the flames

110 7 0
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER THREE
ignite the flames
━━━━━━━━━━━━━━━━

Sa sobrang sama ng tingin ko kay Nigel nitong umaga ay parang ayaw niya na 'ata akong dalhan ng pagkain sa kwarto.

Paano ba naman 'e pagkatapos na pagkatapos kong kumain kahapon ay dumating siya at humingi ng paumanhin bakit hindi niya ako nalutuan. Tuloy ay binalik ako ni Novan sa kwarto at iginapos ulit kasi nagbalik naman na 'yung magdadala ng pagkain ko.

Nakakainis! And here I was hoping that Nigel would just busy himself in tending to the island! Akala ko pa ay tour guide siya sa isla!

I never expected him to do personal things related to Novan, one of them is cooking for me three times a day and making sure that I'm well here despite being chained.

Gigil kong pinunit ang sinulat ko sa kwaderno bago salubong ang kilay na tinignan ang nakabukas na bintana.

Nasa labas nu'n ang view ng pool sa ilalim at sa malayo naman ay nando'n ang asul na dagat ng Glee Sands, ang puting buhangin, ang pine trees sa palibot na hinahangin, at ang kalangitan na halos singkulay lang ng tubig.

Hindi gaya noong isang araw ay wala pa masyadong tao. Alas onse na kasi at medyo mainit pa, marahil ay nagpapahinga pa ang mga turista sa kung saan.

"How's your hand?"

Napapitlag ako at agad na napalingon sa pintuan kung sa'n nakatayo nanaman si Novan. Gano'n pa rin ang ayos niya. Magulo ang buhok, walang pang-itaas, at walang-emosyon na nakatingin sa'kin.

"Hobby mo ba manggulat?" Inis kong tanong bago inayos ang pagkakaupo sa kama.

Rinig sa buong kwarto ang pagkalansing ng kadena kaya nalipat do'n ang tingin ko at sa kamay kong napaso kahapon nang nilipat ko ang niluto sa bowl.

"It's fine." Sagot ko. Medyo mahapdi pa siya sa ilalim ng balat ko pero ayos naman na.

Mukhang naisip niya ring puntahan ako dahil wala nanaman si Nigel. Alas onse na nga kasi. Ganitong oras madalas ay naririnig kong nagluluto na si Nigel pero wala akong may naririnig na nagluluto sa ilalim o kahit halimuyak man lang ng niluluto niya ay wala akong maamoy.

"Good." Aniya bago pumasok. Gaya ng ginawa niya kahapon ay lumuhod ulit siya sa ilalim ng kama ko bago may kung anong ginawa ro'n. Nang tumayo siya ay saktong bumukas ang metal na nakakandado sa kamay at paa ko.

Umawang ang labi ko. Sa kabila ng panandaliang kasiyahan ay napatingin ako sakanya, nagtataka.

"Hands." Nilahad niya ang isang kamay.

I blinked and raised my hand to accept his hand ngunit sa gulat ko ay pinosasan niya ulit ang kamay na 'yun bago kinuha ang isa kong kamay at pinosasan din 'yun.

Halos masipa ko siya sa inis na bumalatay sa buong kalamnan ko pero pilit kong kinalma ang sarili at mas piniling ngumiti na lang. I shouldn't get mad, I have to understand him. He's sick.

"Magluluto ba ulit ako?" I asked.

He looked at me coldly, just like always.

"Clean the house. Nigel is busy.... again." Aniya bago tumalikod.

Muntikan na malaglag ang panga ko sa narinig. Isang tiim-bagang nga lang ang naisagot ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Ako? Maglilinis ng bahay niya? Hindi naman ako pumunta para maging katulong niya rito, ah?! I'm his therapist for goddamn sake!

Over Each Ruins (Virago Series #2)Where stories live. Discover now