a peaceful wave

99 5 4
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER SIX
a peaceful wave
━━━━━━━━━━━━━━━━

Dumating ang gabi na hindi gumigising si Novan. Mahimbing siya natutulog pero nanatili ako sa kwarto niya't mas pinili siyang obserbahan at bantayan pagkatapos ng nangyari. Hindi ko na rin ninais na balikan ang nangyari sakanya kaninang umaga. Ang alam ko lang ay hindi maganda ang naging epekto nu'n sa mga una kong naobserba.

He had a panic attack. When I arrived in his room, he was on the corner - cowering in fear like we will do something bad to him. Makalat sa paligid niya, may mga magulong unan at kung ano pa habang nasa gilid lang siya. 

He was heaving for air, his chest moved back and forth like he's losing it every second. He was trembling all over.

He didn't even seem to recognize me when I entered his room and tried to find his medicine. He was just sitting on the edge of the bed, trying to keep himself at bay.

"I know you know his condition! Why can't you tell me?!" Inis kong tanong kay Nigel nang mapatulog namin si Novan kanina. 

Wala siyang gamot, hindi namin nakita. Tanging pampatulog lang na wala akong choice kung hindi iturok sakanya kasi hindi maganda ang nagiging reaksyon niya sa'min. He gets violent as much as he's trying to keep himself calm.

He tried to throw a vase at Nigel pagkatapos ay hahawakan niya ang ulo na parang may kung ano siyang kinikimkim.

He even tried to stab me with a pen ngunit bumalik siya sa pwesto at tinapon 'yun. He's opposing himself. It looks like you're looking at someone who's trying to isolate the fire in him.

"Ayaw niyang ipasabi. Kahit ako ay hindi ko alam anong nararamdaman niya. Pinapadalhan lang siya ng gamot pero kahit na kailan ay hindi niya 'yun iniinom." Umiwas ng tingin ang isa, "Tumawag siya, hinihingal at hindi raw makahinga. Kaya ako nagmadali rito."

Hindi-makapaniwala akong napatingin sakanya, "What?! He's experiencing something far from normal! Bakit hindi niya 'yun pinapasabi?! He's what? Enduring all of this?! At sabi mo sa'kin noong isang araw ay iniinom niya ang gamot niya, ah?!"

"Hindi ko po talaga alam pero 'yun ang sabi niyang sabihin ko sa'yo." Napakamot siya ng ulo bago yumuko, "Sumusunod lang ako sa utos niya lagi. Pasensya na talaga. Ngayon lang kasi siya naging bayolente kaya hindi ko alam anong gagawin."

My mouth almost fell. This fellow just don't have his own choice! Lahat ng ginagawa niya ay base sa utos lang ni Novan.

Even the way he killed those men last night was out of Novan's commands! And I couldn't seem to alter that!

Napahilamos ako ng mukha atsaka tinignan ang natutulog niyang estado sa kama. Hindi ko siya iniwan kahit dumating ang gabi.

Inaya man ako ni Nigel na kumain ay halos hindi ko magawa dahil sa pag-aalalang baka ano ang nangyari sakanya o ano ang nangyayari sa pasyente ko.

I might lose him - something I can't afford to happen. 

Pinusod ko ang buhok atsaka mas piniling tumayo mula sa pagkakaupo sa couch niya. Pinasadahan ko rin ng tingin ang buong kwarto.

Malapad pa sa kwartong okupado ko ang kwarto niya. Gaya ng disenyo sa labas ay ganu'n din ang loob, 'di gaya sa'kin na old wood lang ang design. 

Red with a mixture of gold, kahit ang comforter at king-sized niya 'atang kama ay gano'n din ang kulay. There are multiple shelves on the side with different books. May isa ring pintuan sa tabi nu'n na hula ko ay para sa banyo. Maliban du'n ay isang cabinet at isang side cabinet lang ang nandito. 

Over Each Ruins (Virago Series #2)Where stories live. Discover now