after the bliss

99 7 36
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━ 
CHAPTER FOURTEEN 
after the bliss
━━━━━━━━━━━━━━━━

"Look at this seashell." Excited kong pinakita kay Novan ang namataan kong kabibe habang naglalakad kami.

It was a light color blue one, the type of seashell na parang may naninirahang snail sa loob pero itong nakita ko ay walang laman. It's color is just glimmering through the sun, catching my attention as we were walking along the coast. Matingkad pa sa matingkad ang kulay niya kaya hindi ko naiwasang hindi maengganyo.

"That's the ninth seashell you picked up." Novan glanced at the seashell once. 

"Twelfth, actually," Puna ko bago nilahad sakanya ang kabibe, "Gusto mo sa'yo na lang? You look good in blue. Itago mo 'yan." 

He glanced at my hand for seconds. Doon ko napagtanto na hindi pala siya masyadong nakakaintindi ng Tagalog pero bago pa man ako magsalita ulit ay kinuha niya rin naman ang binigay ko't binulsa. 

Napakurap ako bago bumalik sa pagliwaliw sa dalampasigan kasi bukod sa ang mahangin ang paligid ay hindi rin masyadong maaraw. Ang tangi ko nga lang ginawa ay pumulot nang pumulot ng kabibeng naisip kong madadala ko pabalik sa syudad.

Kanina ko pa ginagawa 'to tapos nakasunod lang si Novan sa'kin at tumatango tuwing magtatanong ako kung maganda ba ang kabibe.

Sabi ko pa kanina sakanya ay ililibre ko siya pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay abala pa ang mga trabahador sa pagbubukas. Malay ko bang alas dyes pala ng umaga sila nagbubukas sa tuwinang malapit ang pyesta? Hindi naman kasi pinaalam ni Nigel o nitong ni Novan. 

"Do you have any favorite foods besides sweet and sour tilapia?" Baling ko sakanya nang mamataan ko ang restaurant ng seafoods sa 'di kalayuan. Kita hanggang dito na nagsisimula na silang bumukas.

"Seafoods." Maikli niyang sagot. 

"Sure ka? Baka mamaya allergic ka pala sa alimango." Sagot ko. Common kasi 'yun sa iba lalo na sa pamilya namin. Liban nga lang sa'kin na sa kamatis talaga may allergy. 

Hindi siya sumagot, tanging isang baling lang ang ginawa niya bago niya iginiya ang ulo sa direksyon ng restaurant ng seafood, "I'll order so you won't have a hard time guessing my favorite foods," He said. 

Lumapad ang ngiti ko, "Sure! As long as I can treat you!"

He didn't answer again, nagsimula lang siyang maglakad sa direksyon ng resto. Sumunod naman ako sakanya't hindi pinansin ang tingin ng mga turista sa'ming dalawa. Kanina pa kasi 'yan simula nang maglakad kami sa dalampasigan. Kahit 'yung nasa cottage at chair lounges ay napapasunod ang tingin sa'min. Parang hindi nila matanggal ang tingin sa'kin... or particularly at Novan. 

I thinned my lip. I admit, Novan is really good-looking and charismatic. His features are sharp, halatang hindi siya Pinoy. His body's build is carving alive through the fabric of his clothes, humuhulma 'yun. His hooded eyes and tall nose is what I find attractive the most, too, lalong-lalo na ang labi niyang sakto lang ang kapal. Ang bagay pa na dumagdag sa karisma niya ay ang magulo niyang buhok. Para talaga siyang modelo at hindi sundalo. 

"Oh my, Sir Antonov...?"

Napatingin ako sa lalaking staff na nakatayo sa may bungad ng restaurant na pinuntahan namin. Gulat na gulat siya habang nakatingin kay Novan pero mas lumaki 'ata ang mata niya nang dumako 'yun sa'kin. 

Muntikan na ako magtaas ng kilay. May problema ba sa mukha ko? 

"Prepare a table for two." Novan calmly ordered. Nagkumahog naman 'yung staff na sumunod at agad na bumalik para sabihin ano table number namin. 

Over Each Ruins (Virago Series #2)Where stories live. Discover now