Chapter 34

10 4 2
                                    

HAPPY GRADUATION TO ME!! 🎓
————————————————

Packing my things early in the morning because Gavin and I decided to go to Batanes to watch the sunset tomorrow, hindi kami natuloy noong isang araw dahil hinintay pa namin ang dating nila daddy . Gavin is waiting outside kasama sina daddy, kuya, Lotte, mama at dalawa ko pang kapatid.

Kagabi pa namin ito napag-usapan pero nakalimutan kong mag pack ng gamit ko sa kakakausap sa kanila mama na pupunta kaming batanes, pati ang pag book ng ticket at room namin roon ay inako ko na sa sobrang excited ko. Ang labas eh hindi ako nakapag ayos ng mga dadalhin kong gamit.

"Ate dalian mo!" sigaw ni Jobelle mula sa labas ng kwarto ko.

"A minute!"

Pinili ko talaga ng mabuti ang mga dadalhin ko lalo na ang isusuot ko, ngayon ay marunong na akong mag ayos at manamit ng naaayon ay sumugi na rin ang kaartehan ko sa mga sinusuot ko. It's not bad to wear sexy clothes as long as you are comfortable with those. Sa bawat buwan na dumaraan ay tumataas ang kumpiyansa ko sa sarili na sa tingin ko ay magandang pangitain.

Paglabas ko sa kwarto ay wala na sila maliban nalang kay Gavin na naka upo at sinalubong ako ng ngiti at sinuklian ko rin ng marahang ngiti.

"You look gorgeous"

"Bola bola!"

I blushed with what he said kaya ay nagpatiuna na akong naglakad palabas para hindi niya mapansin ang mukha ko na paniguradong namumula dahil sa compliment niya.

Sabay kaming naglakad pasakay ng elevator habang bitbit niya ang dalawang bagahe ko at ako ay ang sling bag na nakasuot sa akin. Kinukuha ko na ang isa dahil hindi naman iyon mabigat kasi puro swimsuits at mga undergarments lang naman ang laman pero mapilit siya kaya hinayaan ko na lang.

"Good morning" kuha ko sa atensyon nilang lahat.

"Ang tagal mo ate kanina pa excited itong si Jobelle"

"Hoy anong ako?! Ikaw kaya ang excited riyan kasi makakasama mo si ate—"

"Ingay mo"

Natawa ako sa bangayan nilang dalawang mag kuya. Inalalayan ako ni Gavin pasakay sa van at sa unang upuan kami katabi namin si Lotte na katabi ni Jayson na para ng tuod dahil hindi gumagalaw.

"Hoy okay lang?" tanong ko sabay tapik sa tuhod niya ng madaanan ko siya.

"Oo humihilab lang tiyan ko"

"Natatae ka?" I asked and laugh nakita ko pa siyang sumulyap kay Lotte bago ako samaan ng tingin kaya mas lalo akong natawa.

Ilang minuto lang ang binyahe namin at nakarating na agad kami sa airport. Sabay sabay kaming nag lakad at pinapagitnaan nila ako dahil unti unti na naming nakukuha ang atensyon ng iba.

Malapit na kaming makarating sa loob dahil wala naman ganoong pila ng biglang may tumatakbong babae ang lumapit sa akin at nag sisisigaw na tuluyan ng nakakuha ng atensyon nila.

"Kyaaaaaah Miss Jean!"

"Ang ganda ganda niyo po papicture po Miss Jean!" at itinapat sa akin ang phone niya kaya ngumiti nalang ako.

Dinumog kami at tamang tama naman na nag sidatingan ang mga guard to help us escape this scene. Matiwasay kaming nakapasok at ngayon ay hinahanap ba ang seat number na nakalagay sa ticket namin. Hindi na kami nahirapan mag hanap dahil sunod sunod naman ang number namin.

"Ah I'm sleepy" Gavin said ang shut his eyes closed.

"Sleep medyo matagal pa tayo, I'll wake you up for the breakfast" sagot ko at nag pipindot sa screen na nasa harap ko to watch a movie.

Sweet ReturnKde žijí příběhy. Začni objevovat