Chapter 15

82 12 7
                                    

School Festival (ld)

I woke up so early, it's just five thirty in the morning. Hindi naman ako gigising ng ganito kaaga kung hindi lang dahil sa antipatikong lalaking kasama ko kahapon pauwi.

Kahit antok na antok pa ako at pupungas pungas ay bumangon na ako para maligo. I will take a bath so that my body will be fully awake.

Nang matapos ay nagbihis na ako ng isang mom jeans and maroon plain t-shirt and tucked it. I wear my black converse shoes, sulitin na dahil last day na ito next week balik uniform na naman.

I took my sling bag and went downstairs, patay pa ang mga ilaw sa sala kaya paniguradong tulog pa si mama. Ibinaba ko muna ang dala kong bag sa dinning table at pumunta sa refrigerator para kumuha ng lulutuing breakfast.

Apat na boiled egg at isang pack ng chicken nuggets, natawa pa ako ng letter shape ang mga ito.

I'm done cooking and I'm about to eat ng makarinig ako ng yabag galing sa hagdan. Hinanda ko na ang sarili ko na batiin si mama dahil ang akala ko ay siya ang pababa pero nagulat ako ng si Jobelle ang bumaba.

Tinignan ko ang orasan at six twenty palang, ang aga naman gumising ng batang 'to lagi nalang inuunahan si mama na gumising.

"Atse milk ni Jobelle"

Tumayo ako at kumuha ng fresh milk na bigay ni Lotte last week. Ang babaeng iyon nagbigay ba naman ng isang box ng fresh milk, hindi lang twelve pieces kundi twenty four pieces pa. Pinadala daw ng mommy niya para talaga sa amin.

"Thank you atse"

"Gusto mo na bang kumain?"

"No, hintay ko na si mama at kuya doon muna ako play sa kwarro"

Nangmakaalis ito ay kumain na ako, tinignan ko ang oras malapit ng mag seven. Dapat before seven at makaalis na ako para hindi sayang ang gising ko ng sobrang aga.

Halos palakpakan ko ang sarili ko ng within fifteen minutes ay tapos na ako at ready to go na. Palabas na sana ako sa gate ng mapahinto dahil sa sasakyang huminto sa mismong harapan ko.

My jaw dropped when the window of the white car infront of me open and the grinning face of Gavin welcome me!

What the heck?!

I looked at my wristwatch at napamaang ng six forty palang, nagising pa ako ng maaga kung maaabutan lang din pala niya ako!

"Hop in" wika niya ng makababa ito mula sa driver seat.

Tinignan ko muna ang bahay namin at ibinalik sakanya ang paningin bago siya salubungan ng kilay at samahan ng tingin.

"Anong ginagawa mo rito?! Ang aga aga pa ah!"

"Ang aga aga pa nga pero papasok kana?"

Oo dahil ayaw kitang makasabay!

"Wala kana roon! Atsaka bakit ka ba nandito, for your information hindi ko kailangan ng driver"

Hindi naman talaga siya nagmumukhang driver dahil sa pustura niya, I look at him from head to toe. He's wearing his basketball jersey while his hair is neatly fixed. Pogi.

"Come on, bakit ba ayaw mo pang sumakay didn't I told you yesterday that I'll fetch you? Kung hindi ko inagahan ay baka wala kana rito ngayon"

Dapat pala mas inagahan ko na or sa school na dapat ako natulog.

"Eh sa ayaw ko ngang sumakay riyan, may tricycle naman"

I rolled my eyes when he pick his phone on his pocket and type something.

Sweet ReturnWhere stories live. Discover now