Chapter 9

88 18 18
                                    

Cry

One week had passed and finally pumasok na rin si Lotte, she explained to me kung bakit siya hindi nakapasok dahil daw sa nagkaproblema sa agency nila. Hindi ko alam kung anong agency.

Hindi naman ako chismosa para itanong pa 'yon at tsaka personal na nilang problema 'yon but if ever naman na iopen niya, why not? I will grab that opportunity para mag tanong.

"Kita us later friendship"

I replied okay to her. Naghiwalay na kami ng daan dahil sa kabila pa nga ang classroom nila.

Sa nakalipas na mga araw na hindi pumasok si Lotte at mag isa lang ako wala ring mintis ang pambubully nila sa akin.

Tinitiis ko nalang kahit na minsan ay sumusobra na sila.

Buti nga ay hindi pa nalalaman ni mama ang mga pambubully nila sa akin kung hindi ay baka sumugod na 'yon dito at nag iskandalo. Mas okay na rin na hindi niya nalaman kaysa naman sa malaman nito ay talagang matutuloy na ang plano niya.

Ayaw pa naman akong nakikita ni mama na umiiyak o nasasaktan ng ibang tao.

As expected, when I enter the room all eyes are on me. Mga tinging mapanghusga at mapang-uyam. Nagkatinginan pa kami ni Gavin but I just ignored him.

Anong oras na pero wala parin ang first subject teacher namin, baka nilamon na 'yon sa office nila.

Napatingin ako sa harap ng makita ang lalaking kakapasok lang at may dalang container pero hindi makita ang laman at iniabot ito kay... Gavin.

Anong laman naman kaya nun?

"Goodmorning class"

Isa't kalahating oras lang nag discuss na dapat ay two hours, nag mamadali na ito dahil may meeting pa raw lahat ng mga teachers. Because of that ay nag bunyi ang mga kaklase kong tinakas sa mental.

Lumabas na muna ako sa room at nagtext na rin ako kay Lotte na mag kita kami sa garden. Nauna na akong pumunta roon at hinintay nalang siya.

Maganda ang garden dito maluwag at pwedeng pag-picnic-an kung gusto. May mga pumupunta na rin dito dumadami na ang tumatambay.

"Friendship!!"

Kahit hindi ko na tignan ay kilala ko na ang lakas ng boses nito at sa pagtawag palang sa akin.

"Saan tayo Lotte?"

"Picnic! Wait, I will order food online. Padeliver nalang tayo, the food in the cafeteria is nakakaumay na"

Napatingin naman ako sa bitbit nitong...basket? Shutik saan niya nakuha 'yan?

"Hoy saan mo nakuha yan? Anong laman niyan?" sabay nguso ko sa basket na hawak niya.

"Oh!" napahawak naman ako sa dibdib ko ng sumigaw ito! "Tada! Blanket I'm super duper ready right?"

Tumango nalang ako at kinuha ang basket na dala niya. Ako na ang naglatag nito habang siya ay pumunta na sa gate para hintayin ang deliver.

Bawal kasing pumasok ang mga delivery man sa loob ng university, pero hindi naman pinagbabawal ang om-order outside.

"Let's take a picture friendship"

Nagpose kami ng kung ano ano bago namin inumpisahang kumain ng mga order ni Lotte sa isang fast food chain na sikat.

"Hey, do you have social media friendship?"

"Wala" sagot ko at sumubo na ng chicken.

"What?!"

Nanglalaking mata akong napatingin sakanya dahil sa pagsigaa nito, may mga dumadaang napatingin din sa amin. Shutik na bunganga 'yan ang lakas ng boses.

Sweet ReturnWhere stories live. Discover now