Chapter 23

78 12 0
                                    

"Ma gabi na, sinong kaaway mo riyan?"

Natigil si mama sa pagsasalita ng magsalita ako, humarap siya sa akin na para bang nakakita ng isang multo! Ganoon parin naman ang ayos ko sa kanina hindi pa nga ako nag bibihis kasi feel na feel ko iyong dress na pinahiram sa akin.

"Kanina kapa ba riyan?" tanong niya sa akin at pinatay ang tawag.

"Okay ka lang ba ma? Pinagpapawisan ka mama, may sakit ka ba? Ano, kakarating ko lang naman bakit?"

Tumayo siya at lumayo sa akin, napakunot nag noo ko sa kinikilos ni mama, para siyang aligaga na natatae na hindi niya maintindihan kung anong gagawin niya.

"Naku wala 'to! Doon tayo sa sala mag kwento ka ng nangyari sa date ng Anet ko" naramdaman ko ang init ng pisngi ko sa sinabi ni mama.

Isang oras yata kaming nag usap sa sala hanggang sa bumaba na iyong dalawa kong kapatid dahil kakain na sila, busog pa ako kaya naman ay bumalik nalang ako sa kwarto.

Hindi pa kay mama nag tapos dahil tamang tama kakahiga ko sa kama dahil tapos na akong naligo ay tumawag naman si Lotte na nanghihingi ng detailed details.

["Ano ka ba! Bakit parang ikaw pa ang kinikilig"]

["Duh?! The date was romantic I can imagine it, the butterflies, food, champagne and the location!"]

Nang mabanggit niya iyong tungkol sa champagne ay hindi ko napihilang ikwento sakanya ang nangyari kanina! Isa pang nakakahiyang nangyari sa first date ko maliban sa tinikman ko iyong sauce gamit and daliri ko!

["Ganito kasi iyon. First time ko pa nga lang iinom ng champagne kanina kaya hindi ko naiwasang ibuga! And guess what, sa mismong mukha pa ni Gavin!... Friendship hindi ko ba alam kung malas ako ngayong araw o sadyang clumsy lang ako!"]

Nakakahiya iyon! Kailangan pa tuloy niyang magpabili ng bagong polo dahil nga naibuga ko mismo sakanya iyong champagne, akala ko juice lang kaya tinuloy tuloy ko ang pag inom. Hindi naman siya mapait pero hindi ko gusto ang lasa niya.

Sa mga napapanood ko kasing movie nasa table na nakalagay iyong champagne tapos pupunta lang iyong waiter para lagyan 'yong baso namin kaso hindi eh! Hindi ko alam kung saan galing iyong binigay sa amin dahil ni-serve ng nakalagay sa glass.

["Omg! That was epic!"] sigaw niya sa phone at narinig ko na ang sunod sunod niyang pagtawa.

Sana pala ay hindi ko nalang sakanya ikinwento iyong mga katangahan na nagawa ko at mga nakakahiyang nangyari sa akin kanina.

"Bye, see you tomorrow"

One month. One month ng nanliligaw si Gavin sa akin, hindi ko nga alam pero pakiramdam ko ay alam na ng buong university na nililigawan niya ako. Hindi naman kasi kami showy sa mga kinikilos namin kapag nasa school kami, but there's this day na may nakasalubong kaming ka batch mate namin habang pauwi na kami galing sa hindi ko alam kung pang ilang date na namin.

Sa tuwing tinotopak kasi siya ay bigla bigla nalang mag aaya ng date, meron nga noong naka uniform pa kami ng p.e katatapos lang namin mag jogging ewan ko kung anong pumasok sa kokote niya at nag aya ng date.

"Ma, ako na mag luluto ano po bang gusto niyo?"

"Ako na Anet ko mag aral ka nalang doon sa kwarto mo o kaya ay manood ka, sige na ako na rito"

"O..okay ma"

Simula noong narinig kong parang may kaaway si mama sa cellphone ay lagi nalang niya akong parang bini-baby, halos hindi na nga ako makagalaw dito sa bahay kasi laging siya ang umaako! Naiinis na nga ako pero ayoko namang sumama ang loob ni mama kaya hinayaan ko nalang.

Sweet ReturnTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang