Chapter 11

86 15 6
                                    

Revenge

Ihahatid ko na si Lotte sa sasakyan niya pero hindi parin siya maka-get-over sa spicy cookies kanina.

"That kid! Once I see him ipapakain ko sakanya ang one sack of chili!"

"Kalma ka lang bata 'yon ang dapat ginagawa binibigyan ng chocolate na may sili sa loob!" sabi ko habang tinatapik ang likod niya ng mahina.

At dahil sa sinabi ko ay para akong may nakitang bumbilya na umiilaw sa tuktok ng ulo ni Lotte.

"You're so genius talaga friendship!"

"H-hoy joke lang yung sinabi ko, h'wag mong totohanin gaga 'to bata 'yon oy" tinuturo ko pa siya habang sinasabi ko 'yon.

"And so?! Don't worry ako ang bahala. Just go to school as early as you can okay? Let's meet where were a while ago"

I replied her by nodding my head at sumakay na ito, kumaway pa siya sa bukas na bintana bago nito 'yon isarado at tuluyan ng umalis.

"Ate bakit ngayon mo lang sinabi na may maganda ka palang kaibigan"

Nagulat ako at napahinto sa pagpasok dahil sa pagsasalita ng kapatid ko na nasa pinto! Shuta! Balak pa yata akong bigyan ng sakit sa puso!

"Ha? Bakit ko naman sasabihin sayo aber?! Hoy Jay umayos ka kebata bata mo pa ha. Puro basketball pa nga ang alam mo bagsak ka pa sa mga subjects mo tapos kung ano ano na 'yang pumapasok sa utak mo. H'wag si Charlotte, Jayson Barrientos baka ulo mo ang gawin kong bola ng basketball.

"Nagtatanong lang naman ang haba haba na nang sinasabi mo ate"

Inikutan ko lang ito ng mata na siyang ginawa rin niya! Ampucha bakla!

Five a.m. ng tumunog ang cellphone ko na nasa bed side table dahil sa tumatawag! Ang aga pa ha!

Hindi ko na tinignan ang caller dahil nakakasilaw sa mata ang liwanag kaya sinagot ko nalang kaagad.

["Hello po?! Sobrang aga pa po! Sino po ba kayo? Matutulog pa po ako!"]

["Hey friendship! It's me Charlo-"]

["Lotte susmaryosep kang bata ka ang aga pa!"] sigaw ko pero mahina lang.

["Get up, I'll fetch you around six a.m. love yah!"] sabay patay niya sa tawag.

Hindi pa ako bumangon pero nag alarm ako ng five minutes para magising ako, dahil inaantok pa talaga ako! Mamayang eight pa kaya ang pasok namin and for heaven sake five a.m. palang!

Wala pa yatang limang minuto pero tumunog na naman ang cellphone ko.

["Friendship sorry to interrupt your precious sleep but I'm here outside your house, come down here. Omg!"]

Halos manlaki naman ang mata ko dahil sa narinig. Akala ko ba ay six a.m.?! Pucha! Tinignan ko ang oras pero halos tatlong minuto palang ang nakalipas ng patayan niya ako ng tawag ah!

["Hello~?"]

["Oo na, oo na pababa na"]

Nayayamot at gulo gulo ang buhok ko na bumaba at pinagbuksan ng pinto si Lotte. Pumasok na siya mag isa sa gate namin! Aba!

"O.M.G what's with the face friendship?!"

I'm didn't answer her instead ay ginaya ko ang sinabi nito.

"O-oh oh! Ano at may mga plastic bags kang dala?"

"We will make chocolate with chili!" masayang saad nito na nagniningning pa ang mga mata!

Joke lang naman ang sinabi ko kagabi, sineryoso na niya agad.

"Ayoko oy! Papagalitan ako ni mama"

"Relax friendship. Just go to your room and fix yourself" wala na akong nagawa at pumanhik na paakyat ng kwarto.

Sweet ReturnWhere stories live. Discover now