Chapter 26

32 11 0
                                    

I gulp. Ilang beses akong napalunok bago natakpan ang bibig ko dahil sa gulat at panghihina. Naririnig ko ang puso ko kung gaano kalakas ang tambol nito.

Humawak ako sa pader patalikod sakanya na kausap parin ang kung sino man ang kausap niya sa ganitong oras. Dahan dahan akong naglakad pabalik sa kama at naupo sa dulong bahagi nito at hinayaan ang sariling tumulo ang mga luha.

Ano iyong narinig ko?

I love you?

Baby?

Narinig ko ang mga hakbang niya, tapos na sigurong makipag usap. I heard the sliding door make a sound at ng bumukas at nahinto ang mga hakbang na naririnig ko ay napaangat ang tingin ko sakanya.

"Baby? I love you?" I ask him at tumitig sa mga mata niyang nababahiran na ngayon ng pangamba. What's with the emotion Gavin?

"J-jeanatte... L-let me explain, mali ang narinig mo"

Anong tingin niya sa akin tanga?

Talaga ba? Mali, eh kung sabihin kong mali na umamin siyang gusto ako tapos may nobya na pala siya!

"Talaga ba? Saan sa mga sinabi mo ang mali" Huminga ako ng malalim at pinipigilan ang mga luha na tumulo muli, ewan ko ba at gusto nilang mahulog. Ngunit pinatatag ko ang sarili ko para hindi niya ako makitang nahihirapan dahil sa kanya.

"Umamin ka nga sa akin Gavin. May girlfriend ka na ba?" I bit my inside lips to stop my tears from falling again dahil sa oras na sumagot siya paniguradong mahuhulog na ang luha ko na pinipigilan.

No please.

I'm praying na sana mali ang inaakusa ko sakanya but then of course my prayers broke when he starts saying those words.

"I have g-girlfriend.... We're almost o-one year"

Wow?! Wow talaga! May jowa, may girlfriend! At ang matindi mahigit isang taon na silang mag jowa!

"S-so ano a-ako? Pantapal? Rebound habang w-wala siya?"

I wipe my tears na hindi ko namalayan na tumulo na pala dahil sa bigat ng damdamin ko. Parang ang saya lang namin kagabi tapos ngayon ganito? Ano 'to prank ba 'to? Anak ng teteng naman ngayon na nga lang ako nag papasok ng tao sa buhay ko tapos ganito pa?

"No Anette! I told you I'm falling for you! L-let me explain please Jeanette"

Tinangka niyang hawakan ang kamay ko pero winaksi ko ito at tumayo papalayo sakanya. Iniisip ko palang yung mga ginawa namin sa mga nakaraang buwan ay naaawa at hinuhusgahan ko ang sarili ko! Pumatol ako sa may nobya na! Tapos, tapos t-tabi pa kaming natulog!

"Anette please listen to me. I don't love her, maniwala ka. Nai–"

"Shhhhhh! Shut up. Uuwi na ako"

"Jeanette! please"

Patakbo akong tumalikod sakanya at pumunta ng pintuan para buksan iyon at nagtatakbo akong nagtungo sa kwartong inuukupa ko. Yung mga gamit ko na nakasampay ay basta basta ko nalang kinuha at isiniksik sa bag na dala ko.

Napaupo ako sa lapag ng lumakas ang iyak ko, hindi ko pa naman siya mahal pero bakit ganito?! Parang binibiyak ang puso ko sa tuwing sumasagi sa utak ko na may girlfriend na siya at hindi ako iyon. Na... na niloloko niya lang ako!

"Jeanette! Jeanette please. Please listen to me, mag papaliwanag ako. I like you, don't do this to me.."

Hindi ko pinatapos ang iba pa niyang sinasabi at lumabas na ako sa inuukupa naming kwarto habang naglalakad pasakay ng elevator ay pinupunasan ko ang mga luha kong kanina pa hindi tumitigil.

Sweet ReturnOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz