Chapter 3

111 26 38
                                    

First Day

"Sukli ko 'nak?"

Hindi yata alam ni mama 'yong salitang katok mabibigla ka nalang may nagsasalita na sa kung saan.

"Sukli saan ma?" tanong ko habang nakaharap sa phone but I can still see her through my peripheral vision. Sige anet mag maang-maangan ka pa mahahambalos kana niyan eh.

"Anong sukli saan ma?! Sukli saan ma?! Napasobra ba ang singhot mo sa usok kanina at nakalimutan mo na?" she lashed out. Muntik ko ng mahulog sa mukha ko ang cellphone, nakakagulat naman!

"Ano..ano kasi ma.. nasinghot este nasimot eh"

Matapos kong sabihin 'yon ay mabilis akong umupo at mabilis na iniharang ang unan sa harap. Mahirap na baka tuluyan na niya akong mahampas. Kasalanan ng sketch pad 'to! Kung hindi ba naman ako inakit kanina hindi ko magagastos 'yung sukli. Mapanlinlang na sketch pad!

At nagpalinlang naman ako!

"Eh kung simutin ko kaya 'yang wallet mo ha?! Susmaryosep kang bata ka, matulog kana nga riyan!"

"Goodnight ma, labyah!" sigaw ko dahil naka labas na siya.

Mahal na mahal talaga ako ni mama, wala ng sermong parang speech sa haba.

"Ma, alis na 'ko"

Busangot na paalam ko kay mama. Ang aga-aga pa pero pinapapasok na ako, siya nga itong mukhang excited kaysa sa akin. Palit nalang kaya kami siya 'yong studyante tapos ako nalang ang magtitinda. Pwede, pwede tutal may mga suki naman na ako na mga construction workers.

First day of class today and I just wore a civilian, baggy pants at mint green mid-crop top with a print of tea sa upper part ng chest dahil wala pa ang uniforms ko maybe tomorrow meron na, sana, mas gusto ko kasing mag uniform kaysa civilian dahil mas comfortable pa para sa akin ang uniform basta ba sakto ang haba ng skirt.

"Osige nak, ingat ha. Galingan mo anet ko!"

"Opo ma"

Patakbo akong lumabas ng pinto kaya kung sineswerte ako ngayong umaga muntik na akong matalsikan ng tubig nang kapatid kong naglalaro ng hose. Hanep na 'yan muntikan na 'yon!

"Jobelleee!" Ano ba 'yan! Naligo na nga ako may balak pa 'ata siyang paliguan ako ulit, gusto ng take two.

Itong bubwit na ito ang sarap isako at isabit ng patiwarik!

"Sowy atse hihihi" pasalamat ka kyuti ka.

"Pumasok kana huwag kang mag laro ng tubig sayang" pangaral ko at hinalikan siya sa pisnge bago sumakay sa tricycle na nakahinto sa harap.

"Bye atse!" kumaway lang ako sakanya pabalik.

"Kuya San Antonio University po"

Wala pang kalahating oras ay nakarating na ako. Shemay pangalawang beses ko na itong punta rito pero naninibago parin ako dahil sa ganda at ang lawak. Nakapasok na ako sa gate kinapkapan pa nga ako, anong tingin niya sa akin magdadala ng kutsilyo at sasaksakin siya? Pwede rin.

Bumalik ang kabang nararamdaman ko ng makitang maraming students ang kasabay kong naglalakad at ang iba ay nakatambay sa mga corridors, dahil first day ko ito at transfer student pa grabe ang kaba ko. Wala kasing senior high sa dati kong school kaya nilipat ako ni mama.

Sana all sosyalin ang mga gamit. May nakita kasi akong group of girls na literal na may tatak ng mga famous brands ang gamit.

Mababait kaya sila?

"New student? Ugly"

Wow...Mababait nga...

Old student? What a trash attitude.

Sweet ReturnWhere stories live. Discover now