Chapter 19

80 11 0
                                    

"Chismoso!" sigaw ko at inikutan siya ng mata bago iniwan sa pintuan.

Nakita ko pa itong binuksan ang pintuan at tinignan ang paligid bago tumingin sa akin at benelatan! Isusumbong ko siya kay mama!

"Ma alam ko na kung saan pumunta si Jayson kanina!"

Sigaw ko sabay takbo paakyat ng kwarto ko at i-ni-lock iyon. Ibinaba ko na nag bag ko at dumeretso ng c.r para magdimpo nagsuot na ako ng pantulog at tumalon sa higaan ko bago sumigaw sigaw sa unan.

"Wahhh"

"Shuta ka! Hindi ako kinikilig medyo lang! Wahhhhhh"

"Nababaliw kana ba Anet ko?! Bumaba kana at maluluto na ang hapunan"

Hindi ako sumagot at napatulala nalang sa kisame ng kwarto ko at hinawakn ang sintido kung saan ako hinalikan ni Gavin kanina. Nagpapadyak ang mga paa ko at biglang tumayo para ipadyak ulit ang paa sa sahig.

Nababaliw na ako! Iniwasan ko na ngang isipin iyon nang nasa bahay ako nila Lotte pero ngayon namang nasa bahay na ako naalala ko pa! Bakit niya ginawa iyon? Alam niyang may mga tao sa paligid! Ano nalang ang sasabihin nila sa akin kapag pumasok ako bukas?

Bwisit na lalaking iyon! Kapag talaga may sumugod sa akin bukas siya ang sisisihin ko!

"Ahhh bwisit hindi ko siya gusto!"

Napatigil ako dahil sa sinabi ko. Gusto? Talagang hindi ko siya gusto! Pinaglalaruan niya lang ako.

Bago ako natulog ay tinawagan ko pa si Lotte pero hindi sumasagot, may kausap yatang iba! Huwag niyang sabihin sa akin na may bago na siyang kaibigan dahil isusumbong ko siya kay Tita Christal!

Maaga akong nagising at ipinagpasalamat ko nang wala akong makita na sasakyang nakahinto sa tapat ng bahay namin. Siguro nauntog ang ulo niya at natauhan na siya na hindi talaga niya ako gusto, tatahimik na ulit ang buhay.

Kaya naman pagsakay hanggang sa makarating ako ng university ay masaya at walang gumugulo sa isip ko.

Napahinto lang ako sa paglalakad ng mapansin kong bawat madaanan ko ay lumilingon sa gawi ko. Bakit? Anong meron? Naalala pa ba nila iyong ginawa ni Gavin kahapon?

Iniling ko ang ulo ko at inilibot ang paningin, naninigurado kung may susulpot bigla para buhusan ako ng itlog at harina o bigla nalang may humila sa buhok ko at sabunutan ako.

Alam ko na iyang mga galawan nilang ganyan, halos ilang linggo ko rin naranasan ang pam-bu-bully nila sa akin noon. Tinitigan ko ang mga kaibigan ni Gavin na papunta sa kinaroroonan ko.

"Hello Jeanette

"Hi Ms. Ugly" bati ni cristopher kaya napaigik ito ng sikuhin siya ni Alexander.

"Good morning Jeanette"

"G-good morning sainyo" bati ko at nang sabihin ko iyon ay inilibot ko ang tingin wala si Gavin?

Kumunot ang noo ko ng nagsilapitan sila at pinalibutan ako. Problema ng mga lalaking 'to.

"One" wika ni Joenner.

"Two" bilang nila.

"Three!" Sabay sabay nilang sigaw at piniringan ang mata ko gamit ang panyo.

Ang bango, amoy na amoy ko dahil medyo natatakpan ang ilong ko pero nakakahinga parin naman. Amoy palang ng panyo alam ko na kung kanino.

"Assholes, be careful!"

Wala akong makita pero paniguradong si Alexander ang nagsalita.

"Yes boss!" natawa ako dahil sabay sabay pa sila.

Sweet ReturnWhere stories live. Discover now