Chapter 18

86 10 0
                                    

Hanggang sa matapos kaming kumain ay ginugulo ko sila sa kakatanong kung ano ano pa ang ibang punishment na gagawin nila.

Para if ever na tanungin ako ni mama ay alam ko ang sasabihin ko.

"Ah Gav" tawag ko sa atensiyon niya dahil nangunguna siya sa paglalakad ako naman ay nasa likod niya kasabay si Alexander.

"Yeah?"

"Hindi ako makakasabay sayo mamaya pauwi"

"And why?"

"Pupuntahan ko si Lotte sa bahay nila, may sakit kasi siya kaya hindi nakapasok ngayon"

"Okay, but Xander will accompany you"

"Huh?! Hoy para kang sira kaya ko naman ang sarili ko akala mo naman bata ako"

"Yeah, it's fine with me sasamahan kita mamaya. What time?"

Noong una ay napatanga pa ako sakanya, bakit naman siya papayag na samahan ako? Hindi ba siya busy? Wala ba siyang gagawing importante? Tsaka bakit nga niya ako sasamahan?!

"Hindi na! Kaya ko na!"

Tumakbo na ako para pumasok sa room at iniwan sila doong naglalakad. Nakakahiya kaya! Hindi naman kami ganon ka-close para samahan niya ako, mas okay pa kung si Joenner dahil kayang kaya ko siyang sagot-sagutin ng pabalang.

Baka kapag ginanon ko si Alexander eh bigla niya nalang akong ipakulong, mayaman pa naman ang pamilya niya sabi sabi ng mga estudyante rito.

Ilang minuto bago dumating ang guro ay dumating sila Joenner at Gavin na nagtatawanan pa. Ang ibang kaibigan kasi nila ay mas ahead pa sa amin parang si Alexander, Charles, Kian at iba pa mas matanda sila.

"Jeanette, Xander will accompany you today okay? I can't because mom wants me to go early sorry"

"A-ah ano.. ayos lang naman tsaka kahit hindi na ako samahan ni Alexander isasama ko nalang si Jayson"

"You can't stop Alexander"

Ewan ko ha pero parang may laman 'yung sinabi niya, oh baka kulang lang ako sa pagkain kaya kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.

"Bahalaka tatakbuhan ko siya!"

Inismiran lang niya ako at ginulo ang buhok ko sakto namang dumating na ang teacher namin. Kinurot ko sa tagiliran si Gavin dahil ginugulo niya ako habang busy na nakikinig sa discussion. Interesting kasi tungkol sa kita ng mga modelo. Para tuloy gusto ko nalang mag model ng mga brands.

"I'm really sorry Jeanette but mom is calling me for the nth time.." naiinis at hindi alam ang gagawin niya.

Para bang ayaw niyang puntahan ang mama niya at samahan nalang ako pero parang takot siya sa mamaya niya dahil kahit ilang tawag ay sinasagot niya ito ng mahinahon at mapag-intinding boses.

"I will call Alexander I'm sure he's just waiting to us to finished our class"

Napahinto ito sa tangkang pagpindot sa cellphone ng tumunog na naman hudyat na may tumatawag.

"Just go! Kaya ko ang sarili ko hihintayin ko nalang dito si Alexander. Baka palayasin kana sa inyo kapag hindi kapa nakarating"

Napipilitang naglakad ito papalayo, pero bago pa siya makalayo ay bumalik siya sa akin ang hinalikan ang noo ko. Halos matumba ang buong pagkatao ko dahil sa ginawa niya.

Nababaliw na ba siya?!

Ang daming tao na nakatingin sa akin masama na ulit ang tingin nila dahil mag isa nalang ako, ganyan sila palagi kapag wala ni isa sa mga phoenix ang kasama ko ay halos saksakin nila ako ng mga tingin nilang pamatay.

Sweet ReturnWhere stories live. Discover now