Chapter 24

54 11 0
                                    

"Sa'n tayo?" tanong ko.

Napakunot ang noo ko ng huminto kami sa tapat ng mismong paaralan ni Jayson. Binalingan ko ng tingin si Lotte pero nakaharap siya sa cellphone niya, busy na nag titipa.

"Hoy anong ginagawa natin dito?"

"Jayson texted me, he said he wants to join us while we're reviewing"

"Nasakanya number mo?" I ask her and she smiled.

Ilang minuto lang ang hinintay namin ay nakita namin ang kapatid ko kasama ang mga kaibigan niya, patungo rito sa kinaroroonan namin.

Nginingiti ngiti mo riyan lalaki ka.

"Baby"

My eyes grew big when Jayson said that habang nakatingin kay Lotte! Baby?! Tinignan ko si Lotte at binigyan niya ako ng hilaw na ngiti.

"Ah, HAHA. You and your mouth Jayson, anyways hop in let's go to the cafe" wika ni Lotte at hindi mapakali sa kinauupuan niya.

"Bakit ka sasama?" biglang salita ko.

Nakita ko iyong kapatid ko na napatalon sa gulat habang inaayos ang upo niya.

"A-ate?!"

"Bakit ka sasama?" ulit kong tanong.

Nginitian muna niya ako ng ngiting parang natatae bago sumagot. "Ililibre raw ako ni b—Charlotte.. oo ililibre raw ako"

Siningkitan ko muna siya ng mata bago inayos ang pagkakaupo ko at humarap sa dinaraanan. Ilang saglit lang ay huminto na kami sa cafe na paborito raw ni Lotte, ang malagintong mga kape.

Halos dalawang oras ang ginugol namin sa pagrereview partida isang subject palang iyon, paano pa kaya iyong ibang subject.

"Hoy bakit 'yan!" singhal ko ng makita kong uminom si Jayson ng latte sa mismong mug ni Lotte.

"Hala gago, akala ko sa akin ate hehe"

Inikutan ko siya ng mata at nag focus na ulit sa pagrereview, isang attempt nalang at mamememorize ko na iyong isang subject. Tumingin ako ng palihim sa dalawang kaharap ko na nag k-kwentuhan, close na close ah.

"Bye Lotte, ingat sa pagdrive"

"Bye friendship"

Nakahiga na ako rito sa kama ko ng sumagi na naman sa isipan ko si Alexander, iyong itsura niya kanina hindi naman talaga siya mukhang nakalaklak ng lambanog sa totoo nga ay ang lakas parin ng dating niya kahit mukha siyang problemado. Hinahanap kaya niya mga kaibigan niya kaya siya nandoon?

Kinagabihan ay bumaba na ako para sa hapunan, kung gaano hindi mapakali si mama ng mga nakaraang araw ay para bang mas dumoble ito ngayon.

"Ma, ayos lang po ba kayo?"

Hindi agad siya nakasagot dahil para bang malalim ang iniisip nito habang nakatuon ang atensyon niya sa kinakain.

"Ma"

"H-ha? Ano iyon?"

"Ayos lang po ba kayo tanong ko"

"Ayos lang ako, sige na kumain na kayo"

Habang naglalakad paakyat ay kausap ko si Gavin sa cellphone.

G— I didn't know.

J— Ganoon ba? Akala ko kasi ay hinahanap niya kayo kaya siya lumapit sa akin.

G— I'll hang up na, I have something to do Jeanette.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay namatay na ang tawag, ipinagkibit balikat ko nalang at nagtuloy na sa pag-akyat.

Sweet ReturnWhere stories live. Discover now