EPILOGUE

16.6K 352 31
                                    


GWYN

     MAY mga bagay na binabawi at may mga bagay na dumarating. Sa kalagayan ko, may binawi man na buhay sa'kin, may anghel namang dumating.

Napahawak ako sa walong buwan kong tiyan. Mabigat-bigat na siya–sila. Oo, sila. Nagpa-ultrasound ako at kambal ang anak namin ni Treyton.

"Baby!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin. "You're walking again without me. Hindi ba at sabi ng doktor ay dapat lagi kang may kasama sa paglalakad? Paano na lang kung bigla kang mapaanak?"

Natawa ako. "Dala ko naman yung phone ko, matatawagan agad kita."

"Kahit na," ngumuso ito. "Dapat ginising mo ako. Wala na nagtatampo na ako."

Imbis na sagutin siya, yumakap ako sa beywang niya at isinandal ang aking ulo sa dibdib niya.

"Dito ka lang ah?"

"Are you still thinking of that dream?" Tumango ako. "Gwyn, panaginip lang yun. Hindi naman ako mawawala."

I suddenly remembered that dream again. Parang totoong pangyayari ang bagay na yun, pakiramdam ko ay naurat ako nang magising ako. Ilang balde ang niluha ko matapos ang panaginip na yun, akala ko ay wala na talaga si Treyton.

Hindi ako humiwalay sa kaniya noong nagising ako, para akong lintang nakakapit sa kaniya kahit pa kaharap ang Kuya at Daddy niya. Hindi totoong sa puso at ulo ang tama niya, sa balikat lang pala. Hayop na panaginip yun, pinahirapan ako ng todo.

"Ilang buwan na, Treyton, pero yung panaginip na yun ay nakatatak pa rin sa isipan ko." Tiningala ko siya. "Grabe ang takot ko noon, sana pala hindi na lang ako natulog."

Natawa ito bago ako halikan sa noo. "It's just a dream, Gwyn. Ako? Iiwan ka? Malabong mangyari yun."

"Pumasok na nga tayo sa loob, baka mabuhusan pa tayo ng tubig dito dahil sa kalandian natin."

Natawa ito bago ako akbayan. Naglakad kami pabalik sa aming bahay. . . Sabi kasi ng doctor, anumang oras ay pwedeng lumabas ang kambal kaya kailangan kong maglakad lakad para hindi ako mahirapan sa panganganak.

Nang makapasok kami sa bahay, pareho kaming natigilan ni Treyton nang bumungad sa'min si Lucky. Ibang iba ang itsura nito, kaysa dati. Namayat siya at halatang stress. Matapos makulang ng mga magulang niya, bigla siyang naglaho at ngayon na lang ulit siya nagparamdam.

"Pasensiya na ngayon lang ako," sabi nito. "Dala kona ang divorce paper natin, Treyton." dumako ang tingin nito sa'kin. "It was nice meeting you again, Gwyn."

Kiming ngiti lamang ang isinagot ko sa kaniya. Tahimik kaming umupo ni Treyton sa kaharap niyang sofa. Kinuha ni Treyton ang folder na nasa harapan niya at binuksan iyon. Binasa niya iyon saglit, bago pirmahan.

"I will send the money to your bank account later," malamig na sabi dito ni Treyton.

"Salamat, Treyton, salamat, Gwyn." Ngumiti ito. Isang ngiting totoo. "Malaya na ako, malaya na ako sa lahat. Magagawa kona ang gusto ko ng walang mga kumokontrol. Salamat."

Ha?

Umiling ito. "It's just nothing." Tumayo ito. "Mauna na ako, salamat sa inyo at patawad. Treyton, hintayin kona lang ang pera ko ah? Kailangan ko yun ngayon, gusto kong magsimula muli."

"I will send it," sa wakas ngumiti rin si Treyton. "Thank you, Lucky. I'm sorry too for hurting you."

Ngumiti lang si Lucky at dire diretsong lumabas ng bahay.

"HELL YEAH!" Gulat akong napalingon kay Treyton na nakatayo na at masayang masaya ang mukha. "I'm fvcking free with that marriage! I can marry you now, baby."

Natawa ako. "Treyton, mukhang may problema si Lucky."

"Are you worried about her?" tanong nito.

Tumango ako. Totoong nag aalala ako, kay Lucky. Mukha kasi siyang hindi okay.

"I will call her later for you," sambit nito. "Kumustahin natin siya."

Tumango lang ako. "So, kasal na? Ibig sabihin ipaalam na natin sa kanila."

"Even to my mom?" Tumango ako. "Gwyn, you know how much I hate her..."

"Treyton, mommy mo pa rin siya. Kailangan niyang malaman ang mga tungkol sa'yo," mahinahong sambit ko. "Sige na."

"She's the reason why I almost lose you," mapait nitong sabi. "I can't still forgive her."

"Hindi kona sinasabing patawarin mo agad, ang akin lang ay unti untiin mo. Kahit ako, galit pa rin ako sa mommy mo."

Lumapit ito sa'kin at niyakap ako. "Why you're so kind?"

"Hindi ba at mas mabuting magpatawad kaysa magtanim ng galit? At saka ano bang mapapala natin kung magtatanim tayo ng galit sa isang tao? Dagdag sama lang ng loob yun."

"I love you, Gwyn."

"Mahal din kita, Treyton.."

Kinabukasan nga ay agad kaming umalis. Una naming pinuntahan sila Tatay, masayang masaya si Tatay para sa'kin. Si Nanay, ay hindi namin gaanong nakausap dahil sinumpong siya ng sakit niya. Saglit lang kaming naglagi kila Nanay, bago kami dumiretso sa bahay ng mga magulang ni Treyton.

Mahigpit akong napahawak sa kamay ni Treyton, habang palakad kami papasok.

"Welcome here," salubong sa'min ng daddy niya. "Dumiretso na tayo sa loob para naman makaupo na agad si Gwyn."

Dumiretso kami sa loob. Nadatnan namin sa loob ang ina ni Treyton na umiinom ng tsaa. Hindi ito tumayo nang makita kami, nanatili lamang itong nakaupo.

Umupo kami ni Treyton sa kaharap nitong upuan. Yung daddy naman ni Treyton ay umupo sa tabi nito.

"What's bring you here, Treyton?" walang emosyong tanong sa kaniya ng ina.

"Magpapakasal na kami ni Gwyn." Pinagsiklop nito ang kamay namin. "Since you're my mother, I just wanted to share that news."

"Is that all?" Tumayo ito. "You may go now."

Naglakad ito palayo, pero agad itong napahinto nang magsalita si Treyton.

"I'm still mad at you, mom. But I'm slowly trying to forgive you." Tumayo rin si Treyton. "I miss our bonding, mom."

Hindi nagsalita ang ina ni Treyton at dire diretso lamang na umalis.

"Matigas na talaga ang puso ng mommy mo, siya na nga ang may kasalanan, siya pa ang mataas ang pride." Napailing ang daddy ni Treyton. "Hayaan mo, Treyton. Lalambot din yan, kulang lang sa lambing yun."

Natawa si Treyton. "I'm looking forward for that, Dad."

Tumayo ako. "Mauna na po kami, may pupuntahan pa po kasi kami."

"Mag iingat kayong dalawa."

Lumabas kami ng bahay nila at dumiretso sa sasakyan. Next destination namin ni Treyton ay sementeryo. Pupuntahan namin ang importanteng tao sa buhay ko.

Nang makarating doon ay agad kaming bumaba. Kinuha muna ni Treyton ang mga bulaklak sa likod ng kotse, bago kami maglakad palapit kay Dray.

Inilapag ni Treyton ang bulaklak sa gilid ng lapida nito. Nagtirik din siya ng kandila bago ako tabihan.

"Dray, ikakasal na si Ate." Sumandal ako sa balikat ni Treyton. "Malapit na ring lumabas ang pamangkin mo. Sayang, kung nandito ka sana ikaw ang gagawin kong babysitter."

"Hey, bro. I'm Treyton," bati dito ni Treyton. "Ako ang future husband ng Ate mo. I promise that I will treat her like a Queen and I will love her until my last breath."

"Dray, gabayan mo kami lagi ah? Mahal na mahal kita..."

Sa buhay ng tao, hindi talaga natin inaasahan na may mawawala. Hindi natin inaasahan ang mga susunod na mangyayari. Kailangan talagang matatag ka sa buhay, dahil kung hindi, talo ka. Wag mong problemahin ang problema mo, hayaan mong problema ang mamroblema sa'yo.

May mga pagsubok akong halos sukuan kona, pero may mga maganda namang resulta iyon. I'm happy now with my life at sana magtuloy tuloy na.

I'm the Congressman mistress, but not now. My child was also known as The Congressman Bastard, but now they are know as treasure.....

The Congressman Bastard [COMPLETED]Where stories live. Discover now