Chapter 19

12.5K 351 10
                                    


TREYTON

    I ALWAYS check, Gwyn. Nakipag usap ako sa isa pang janitress para utusan itong bantayan si Gwyn at huwag gaanong bigyan ng trabaho.

"Tunay na mahal niyo si Gwyn, Congressman." The old lady smiled at me. "Yun nga lang ho ay magkasalungat ang mundo niyo."

"Yes, I love her so much." I smiled, sadly. "At handa akong gawin lahat para sa kaniya, kahit pa wala ng matira sa'kin. Magkasalungat ang mundo namin, at gagawin kong pantay iyon para sa kaniya."

Bawat hirap ni Gwyn ay mas doble ang balik sa'kin. Gusto ko nang sumuko, pero tuwing nakikita ko siya, laging nawawala ang pagod ko.

This battle getting more worst. Her brothed, died. Sinamahan ko siya sa mga panahong iyon, kahit pa binawalan ako. I can't leave her alone like that. Hindi ko kayang mag isa niyang harapin ang lahat.

Sinigurado kong mapapanagot ko ang mga may sala sa kapatid niya, kaya nilakad ko iyon kahit pa hinaharang ni Mom.

"Nag iisip ka bang mabuti!? Nasa kampo ng VP ang ama ng batang iyon!" Mom glared at me. "Kapag nagsampa ka ng reklamo sa bata, siguradong titiwalag sa kampo natin ang ama nung bata, mababawasan tayo ng pwersa!"

"Then what do you want me to do? Hayaang maging masaya sa buhay ang batang iyon kahit na may sinira siyang buhay!?" inis kong tanong. "Mom, buhay ang nawala, hindi pwedeng wala akong gawin."

"Kapag tinuloy mo 'yan, mapapahamak ang Anak mo. 'Wag mo akong susubukan."

Dahil sa bantang iyon, hindi kona alam ang gagawin ko. Nangako ako, kay Gwyn, pero ayaw ko siyang mapahamak.

Hindi kona alam ang gagawin ko, pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa bawat araw na lumilipas.

At mas lalo yata akong mababaliw nang dumating ang araw na kinatatakutan ko. Gwyn, decided to leaved me. She left, with our child. She left me, alone. She gave up.

"Tumigil kana, Treyton!" inis na sabi ni Mom. "Mahiya ka naman–"

"IKAW DAPAT ANG MAHIYA!" galit kong sigaw na ikinagulat niya. "N-naging mabuti naman akong Anak, diba? Lahat nang utos mo, sinunod ko, kahit hindi ito maganda. Pumasok ako sa pulitika, ayon sa gusto mo. Tinigil ko ang totoong pangarap ko, para sa'yo. Mom, si Gwyn lang ang hiniling ko sa'yo, pero hindi mo ako pinagbigyan. Mom, takot na takot kang masira ng pangalang iniingatan mo, pero sana naman naisip mo ako–kami." wala akong pakielam kahit pa nakikita nila akong lumuha. "Naalala mo noong bata ako? Pinangako mo sa'min ni Kuya na susuportahan mo kami sa lahat, but you changed. You changed when you entered to politics. You forgot that you have a family. You broke your promises. Nawalan ako bigla ng nanay."

"Treyton, ginagawa ko naman ito para sa inyo." matigas na sambit nito. "Pwede ba? Tigilan mo ako sa kadramahan mo–"

"TANGINA!" galit na tumayo si Dad at binalibag ang tasang nasa harapan niya.

"TROY!" gulat na sambit ni Mom.

"SUMOSOBRA KANA, THEA!" galit na sigaw ni Daddy, kay Mommy. "Sinuportahan na kita sa mga gusto mo, para hindi na madamay ang mga anak mo! Nilayuan ko lahat, kahit pa pamilya ko para lang sa'yo dahil ganoon kita kamahal! Pumayag akong sirain mo ang mga pangarap ko pero pati mga anak mo ay dinamay mo! Inintindi kita kahit gusto na kitang kuwestyunin! Thea, sirang sira na ang pamilya natin dahil sa'yo! Gusto mo palaging ikaw ang sinusunod namin! Gumawa tayo ng pamilya, para may masasandigan tayo kapag hirap na tayo, gumawa tayo ng mga anak para suportahan sila sa mga gusto nila. Pero sinira mo ang lahat! Sarili mo lang ang iniisip mo!"

"So? Kasalanan ko pang gusto ko–"

"OO! KASALANAN MO!" galit na sigaw ni Dad. "Nangako ka sa altar na hindi mo ipapadanas sa pamilya mo ang ipinaranas sa'yo ng pamilya mo, pero anong ginagawa mo ngayon!? Inuulit mo ang nangyayari! Gumagaya kana sa mga magulang mong laging kang minamanipula! Tangina, kung ganito na lang maghiwalay na tayo! Pakawalan mona ang mga bata at hayaan silang gawin ang gusto nila!

"You can't leave me, Tr–"

"Kaya ko! Mahal na mahal kita, Thea, pero punong puno na ako." Huminga nang malalim si Dad. "Lucky, nagmamakaawa ako, pakawalan mona ang anak ko. Hindi kona kayang makita silang ganiyan. Hindi nila deserve ang mga iyan. Handa akong ibigay lahat ng yaman ko, sa'yo."

"Dad.."

Ngumiti ito sa'kin. "Treyton, gawin mo ang makakasaya sa iyo. Patawarin mo ako at ngayon ko lang nagawa ang bagay na ito. Sige na, habulin mo si Gwyn."

Tumayo ako at niyakap siya. Naramdaman ko ang pagtapik nito sa aking likuran.

"Thank you, Dad. I love you."

Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. Tumakbo ako palabas ng office at hinabol si Gwyn.

"GWYN!" sigaw ko nang makalabas. "GWYN! NANDITO AKO! WAG MO AKONG IWAN!"

Inilibot ko ang paningin ko, pero wala na siya. Nagsimula na akong mataranta at napahawak na lamang sa ulo ko.

"Gwyn? Nandito ako, please wag kang umalis."

Mas lalo akong nataranta nang makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril.

"TREYTON!" Napalingon ako sa sumigaw. "TREYTON!"

"Dad–" akmang hahakbang ako, pero bigla na lamang bumagsak ang mga tuhod ko. "G-gwyn."

"TREYTON!"

Hindi kona alam ang sumunod na nangyari dahil parang kinapos ako ng hininga, hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.

Gwyn...

The Congressman Bastard [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon