Chapter 17

12.2K 367 34
                                    


GWYN

    "GWYN, uwi na tayo." Nilingon ko si Treyton.

Ngayon ko lang napagtanto na kaming dalawa na lang ang nandito sa sementeryo. Nauna na pa lang umuwi sila Nanay at Tatay.

"T-Treyton, pwede mo ba akong tulungang makamit ang hustisya?" tanong ko rito. "G-gusto ko ng hustisya para kay Dray."

Tumango ito at niyakap ako. "Bibigyan natin ng hustisya ang kapatid mo. Gagawin ko ang lahat."

Sapat na ang narinig ko. Sapat na yun para gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam.

Humiwalay ako sa yakap niya at muling tiningnan ang puntod ni Dray.

"Babalik si Ate," kausap ko rito. "Mahal ka ni Ate mo, Dray."

Lumisan kami ni Treyton sa lugar na yun. Pagkatapos ng mga naganap ay balik na naman ako sa dati. Yung parang walang nangyari, kahit mabigat pa rin sa dibdib.

Pero akala ko doon na nagtatapos ang lahat. Akala ko ay yun muna ang huling pagsubok sa aking buhay. Akala ko ay gagaan ulit ang pakiramdam ko, pero muli na naman akong sinubok nang pagkakataon.

"Hindi na siya nahiya.."

"Balita ko, yung ama nung Anak niya ay si Congressman."

"Kaya pala grabe yung pagiging close nila."

Ramdam ko ang bawat tingin sa'kin ng mga katrabaho ko na ipinagsawalang bahala kona lang.

Kumalat ang picture namin ni Treyton. Magkayakap kami sa sementeryo at mayroon din yung magkalapat ang mga labi namin.

Iniligpit ko ang mga ginamit ko sa paglilinis at naupo. Napahimas na lamang ako sa sintido ko at napahawak sa tatlong buwang gulang kong tiyan.

"Ito na naman, may problema na naman si Mama. Ano? Kaya mo pa, Anak? Wag ka sanang bumitiw, baka tuluyan na akong bumigay."

Biglang sumulpot si Treyton. Hingal na hingal ito at bakas ang pag aalala sa guwapong mukha niya.

"Are you okay?" Lumapit ito sa'kin. "Wala bang nanakit sa'yo?"

"Okay lang ako." Nginitian ko siya. "Ikaw? Siguro nasermunan kana naman ng Nanay mo."

"Sorry, Gwyn." dumaan ang lungkot sa mga mata nito. "Promise, I will fix everything. Ilalayo kita sa issue na 'to."

"Bakit? Ginusto ko naman ito. At saka wala naman akong karapatang magalit dahil ginusto kong maging kabit mo." Natawa ako. "Okay lang ako, Treyton. Sarili mo muna ang intindihan mo. Buhay mo muna."

"You're my life, Gwyn." Hinawakan nito ang kamay ko. "Pangako, aayusin ko lahat. Para sa'tin at para sa Anak natin."

Nginitian ko lamang siya at tinanguan.

Sa mga lumipas na araw ay mas lalong umingay ang issue tungkol sa'min ni Treyton. Alam kong stress na ito, base na rin sa kaniyang mukha.

Kaya napagdesisyunan ko ang bagay na yun. Alam kong masakit pero kailangan kong gawin. Husto na ang paghihirap ni Treyton.

Nakangiting pumasok ako nang munisipyo. Ramdam ko ang mga mapanuring tingin sa'kin ng mga tao na ipinagsawalang bahala kona lamang.

Dumiretso ako sa opisina ni Treyton. Natagpuan ko itong nakaupo sa kaniyang swivel chair. Nandito rin ang buong pamilya niya, kasama si Lucky at ang ama nitong Vice president at Ina nitong Mayor.

"May lakas ng loob kapa talagang magpunta rito!?" Sinamaan ako ng tingin ng Ina ni Lucky na sinuklian ko lang ng isang ngiti.

Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako sa lamesa ni Treyton. Kinuha ko ang resignation letter sa aking bag at inilapag sa lamesa niya.

"Gwyn.." kita ko ang pamumula ng mga mata niya. "Please, don't do this.."

"Congressman, mag-re-resign na po ako." Nginitian ko siya. "Congressman Treyton Amadeo, pinapalaya na kita."

"Gwyn!" Tumayo ito at agad akong nilapitan. Bumagsak ang mga luha ko nang hagkan ako nito. "You promised me! Please, don't leave me. Ayoko, Gwyn."

Huminga ako nang malalim at humiwalay sa yakap niya. Pinunasan ko ang mga luha ko at humakbang ng dalawa paatras sa kaniya.

"Treyton, hindi mo deserve ang ganito, hindi mo ako deserve. Masakit. Pero kailangan kong gawin ito, dahil pareho lang tayong mahihirapan. Hindi na lang din ito tungkol sa'ting dalawa, alalahanin mong may batang naiipit sa'ting dalawa." sabi ko. "Treyton, kailangan mo akong bitawan dahil yun ang nararapat. Treyton, hindi man ngayon, pero sigurado akong magtatagpo rin ang pagkakataon para sa ating dalawa."

Umiling ito at lumuhod sa harapan ko. "Gwyn.."

"TREYTON! TUMAYO KA NGA DIYAN!" sigaw sa kaniya ni senator Amadeo–Ang ina niya. "TALAGANG HANDA KANG LUHURAN ANG MALANDING YAN!? BAKIT!? SINO BA YAN!? KABIT LANG YAN!"

"SHUT UP, MOM!" sigaw nito na ikinagulat nila. "She's not my mistress! She's not! Wag mo siyang pagsalitaan ng ganiyan dahil mas malinis pa siya kaysa sa'yo! Siya ang umaruga sa'kin ng tama na dapat ay ikaw ang gumawa!" lumuluhang tiningala ako nito. "Please, Gwyn, wag mo naman akong iwan."

Umupo ako at sinapo ang magkabilang pisngi niya. "Kailangan, Treyton. Itigil na natin ang pagkakasalang ito."

"Gwyn.."

"Mahal na mahal kita, Treyton Amadeo." Hinalikan ko siya sa huling pagkakataon.

Tumayo ako at mabibigat ang hakbang na naglakad palayo sa kaniya. Parang dinurog ang puso ko nang marinig ko ang malakas niyang iyak at ang pagmamakaawa niya.

"GWYN! PLEASE, DON'T LEAVE ME!"

Nang makalabas ako ng opisina niya ay pinunasan ko ang mga luha ko. Ngumiti ako at naglakad palabas ng munisipyo.

Sisimulan ko ang bago buhay ko, malayo sa lahat, malayo sa lugar na puro hinanakit ang binigay sa akin. Magsisimula ako nang panibagong buhay kasama ang Anak ko. Kasama ang Anak namin ni Treyton.

The Congressman Bastard [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon