Chapter 7

11.6K 336 4
                                    

GWYN

     "DRAY!" tawag ko sa pangalan ng kapatid ko. "Dray, iniwan ko yung pera mo sa ibabaw ng ref ah? Kuhanin mona lang."

"Oo, Ate!"

"Ingat ka sa pagpasok mo," sabi ko dito. "Ba-bye."

Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa paradahan ng mga tricycle. Agad akong sumakay at nagpahatid sa munisipyo.

"Salamat!" Agad akong nagbayad at pumasok sa loob ng munisipyo.

"Good morning," nakangiting bati ko sa kanila.

Inilapag ko yung bag ko sa table ko, bago dumiretso sa loob ng office ni Treyton. Nadatnan kong medyo magulo doon, kaya nagsimula na akong ayusin iyon.

Pinagsama sama ko ang mga papeles na related sa isa't isa. Pinunasan ko din yung table niya.

Biglang bumukas yung pinto, buong akala ko ay si Treyton, pero si Lucky ang iniluwal non.

"Are you dissapointed?" tanong nito. "Akala mo ba, ako si Treyton?"

"M-ma'am Lucky." Bahagya akong yumuko.

"Sinadya kong mauna kay Treyton dahil gusto kitang makausap." Lumapit ito sa'kin. "Ikaw ba yung kabit ni Treyton?"

"P-po?" Kinakabahang tanong ko dito. "Hindi po."

"Baka kilala mo?" Tinaasan ako nito ng isang kilay. "Nahuli ko siyang may ka-text na babae, sigurado akong kabit niya yun."

"Hindi ko po alam, Ma'am. Wala po akong alam."

"Siguraduhin mo lang, dahil kung hindi, pupulutin kayo ng Pamilya mo sa kung saan." Banta nito.

Tumango lang ako at pasimpleng napayukom ng kamao.

Bumukas ulit yung pinto, this time, si Treyton na ang iniluwal non. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa'min ni Lucky.

"What's happening here?" tanong nito.

"I'm just asking your secretary if she knows who's your mistress," diretsang sabi dito ni Lucky. "Or kung siya ba yung kabit mo."

"Stop this fvcking nonsense of yours, Lucky!" galit na bulyaw nito sa asawa. "Leave!"

This is the first time na nakita kong galit si Treyton.

"Ano!? Ikaw na itong may kasalanan, tapos ikaw pa ang galit!?" galit ding sambit dito ni Lucky. "Sinasabi ko sa'yo, Treyton. Kapag nalaman ko kung sino ang malanding babaeng yun, tatapusin ko siya!"

Padabog itong lumabas ng opisina.

"Treyton.."

Napahinga ito ng malalin bago ako lapitan at yakapin. "I'm sorry, baby. Mag iingat na ako sa susunod."

"Baka mapano ang pamilya ko," halos pabulong kong sambit. "Natatakot ako para sa kanila.."

"Walang mangyayari sa kanila." Humiwalay ito sa yakap at sinapo ang magkabilang pisngi ko. "Trust me, baby. Trust me."

Tumango lang ako.

Hinalikan ako nito sa noo bago maupo sa swivel chair niya.

"Kumain kana?" tanong nito.

"Nag tinapay ako," tugon ko. "Ikaw? Gusto mo bang magpabili ng kape?"

Umiling ito. "May meeting ako with my family at lunch. About politics lang din. Sasama ka."

Tumango lang ako.

Mahirap kalaban ang Pamilya ni Treyton. Mayor ang Kuya niya, Governor ang Tatay niya at Senador ang Mama niya. Pamilya sila ng pulitika, kaya ganoon na lamang sila kaingat sa Pamilya nila.

The Congressman Bastard [COMPLETED]Where stories live. Discover now