Prologue

21.4K 479 9
                                    


    "GWYN!" Dinig kong galit na sigaw ni Congressman Treyton mula sa intercom.

Napahinga na ako nang malalim bago tumayo. Kumatok muna ako sa pinto bago tuluyang pumasok sa office nito.

Secretary niya ako. At masasabi kong mahirap pala magtrabaho dito sa angkan ng mga pulitika dahil kailangan ay laging perfect. Pero anong magagawa ko? Kailangan na kailangan namin ng pera para may pangkain.

"Sir." Ngumiti ako dito. "Ano pong need niyo?"

"Nandiyan na ba si Lucky?" Tukoy nito sa kaniyang asawa.

Umiling ako. "Wala pa po Sir."

"Good." Ngumisi ito at tumayo, bago lumapit sa'kin. "I miss you so much, baby."

Hindi ko lang pala siya basta boss. Dahil itong lalaking pinagsisilbihan ko ay boyfriend ko-kabit niya ako. Kasal siya sa Anak ng Mayor.

Patago ang relasyon namin dahil alam kong kapag may nakabuko nito ay katapusan na ng buhay ko, pati pamilya ko damay.

"Anong I miss you?" Inirapan ko siya. "Kagabi lang tayo magkasama, Treyton."

"Basta miss kita." Parang batang ngumuso ito.

Hinapit nito ang aking beywang at siniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg. At doon ay hinalik-halikan niya ako.

"Treyton, baka matanggal yung foundation na nilagay ko." Bahagya akong lumayo dito. "Kakalagay mo lang ng chickinini diyan kagabi! At alam mo bang inis na inis ako dahil doon?"

Natawa ito. "Baby, kasalan mo din yun. Masyado kang kaakit akit. At yung ung0l mo ay masyado akong tine-tempt."

Tine-tempt lang nalalaman. Halata namang deadz na deadz lang talaga siya sa'kin.

"At kasalanan ko pa? Ang sabihin mo, masyado ka lang malib0g Treyton Amadeo."

"Baby, enough with that bold words." Pinanggigilan nito ang pang upo ko. "Bahala ka, baka dito kita maangkin."

Inirapan ko lang siya.

Mabilis kaming napalayo sa isa't isa nang may marinig kaming yabag mula sa labas. Umayos ako nang tayo at kasabay non ay ang pagbukas nang pinto.

"Honey!" Iniluwal non ang asawa ni Treyton. Binalingan ako nito ng tingin. "What are you doing here?"

"Nagkamali na naman siya sa isang file kaya pinagalitan ko." Si Treyton ang sumagot dito gamit ang malamig na boses. "Start na ba ng meeting?"

"Yes, Hon."

Napaiwas ako nang tingin ng halikan ni Lucky si Treyton sa labi.

"Let's go," aya dito ni Treyton. "Gwyn."

"S-sir?" Nilingon ko ito.

Kita ko ang pagsusumamo sa mga mata nito kaya bahagya ko siyang nginitian.

"Pakiayos nang mabuti yung file." Malamig man ang boses niya pero nahihimigan ko ang lambing doon. "Pass it to me later, okay?"

"Yes, sir." Tumango ako.

"Tara na, Hon." Hinawakan na siya ni Lucky sa kamay at hinila palabas.

Pero bago sila tuluyang makalabas ay sinabi niya sa'kin ang katagang 'later' nang walang boses.

Napangiti na lang ako ng mapait. Sana ganiyan din kami. Yung pwedeng maging malambing sa isa't isa habang naglalakad sa harapan ng maraming tao.

Sana puwede kong ipagsigawan kung gaano ko siya kamahal. Ngunit alam kong malabo dahil sobrang layo ng agwat namin at iniingatan niya ang pangalan ng Pamilya nila.

Lalong malabo dahil may asawa na siya at kabit lang ako. Kaya ang puno ng pagmamahalan naming buhay ay mananatiling patago na lamang habang buhay.

The Congressman Bastard [COMPLETED]Where stories live. Discover now