Chapter 20

13.8K 350 29
                                    


GWYN

    ANO bang nangyayari sa buhay ko? Do I deserve this pain? Maybe this is my karma for ruining someone's life. Hindi kona alam kung saan pa ako kakapit, pagod na pagod na ako. Wala na si Dray, at ngayon naman ay pati si Treyton.

Sana pala ay hindi kona pinag isipang lumayo. Dapat, hindi ko muna siya pinuntahan. Hindi sana mangyayari sa kaniya ang bagay na ito, kung nag-stay ako sa tabi niya.

"Gwyn..." nilingon ko ang nagsalita. "Umuwi ka muna para magpahinga. Kailangan mo ng lakas."

Inilingan ko ang ama ni Treyton. "G-gusto ko sa tabi lang ni Treyton, hihintayin ko siyang magising..."

"Gwyn..."

Dumako ang tingin ko sa glass wall ng ICU. Nakaratay sa loob non si Treyton habang nakikipaglaban sa kaniyang buhay. Machine ang tanging bumubuhay sa kaniya. Malala ang mga tama ng baril sa kaniyang katawan, sa puso at ulo siya tinamaan. Inabisuhan na rin kami ng doktor na maghanda sa mangyayari.

"Treyton, may baby tayo.." napahawak ako sa aking tiyan. "Wag kang sumuko, please. . . Maawa ka naman sa'kin.... Kinuha na nga si Dray, pati ikaw mawawala pa. Paano na ako nito? Hindi ko kakayanin, Treyton. . ."

"Gwyn," biglang sumulpot sa aking harapan ang kapatid ni Treyton, na si Trevon. "Umuwi ka muna. . . Hindi matutuwa si Treyton kapag pinabayaan ka namin."

"H-hindi ko kayang iwan si Treyton, b-baka kasi kapag bumalik ako, w-wala na siya.." sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. "B-baka sumunod siya, kay Dray. P-paano naman kami ni baby? Paano na ako?"

"Gwyn.."

"U-unti unti nang nawawala sa'kin ang mga mahal ko, pakiramdam ko anumang oras ay mababaliw na ako. H-hindi kona kaya, Kuya Trevon. Pagod na pagod na ako sa mga karmang natatanggap ko.." niyakap ako nito. "B-bakit sila? Wala naman silang kasalanan eh, d-dapat ako na lang. A-ako naman yung may kasalanan ng lahat, ako naman ang gumawa ng gulo."

"Gwyn, don't blame yourself. May mga bagay talaga na nangyayari sa ating buhay na hindi natin inaasahan," sambit nito. "Wag kang mag alala, malalampasan mo rin ang lahat." Humiwalay ito sa yakap at ngumiti sa'kin. "You know what? I'm so proud of you. You're so strong, ang tatag mong babae."

"Salamat, pero hindi pa rin ako uuwi." Natawa ito. "Kahit dito na lang ako matulog sa upuan na ito, gusto kong manatili sa tabi ni Treyton."

Napahinga ito nang malalim. "I guess I have no choice but to be with you. Magpapadala na lang ako ng kumot at unan."

"Umuwi kana lang, naghihintay sa'yo ang asa–"

"I can call her," tugon nito at naupo sa tabi ko. "Dad, mauna kana. You need to rest. Kami na muna ni Gwyn ang bahala."

Tumango lang ito at umalis kasunod ang mga bantay niya. Nanatili naman kaming nakaupo ni Kuya Trevon doon habang pinagmamasdan si Treyton.

"My wife is calling." Napalingon ako, kay Kuya Trevon. Nakangiti ito habang nakatingin sa screen ng cellphone niya. "Hello there my beautiful and sexy wife."

"Bolero," bahagya akong umusog at sinilip yung screen. Ka-video call ni Kuya Trevon ang isang magandang babae. "Kumusta ang kapatid mo?"

"He's okay," tugon nito. Bahagya akong nagulat nang iharap sa'kin ni Kuya Trevon ang cellphone niya. "Ito ang baby ni Treyton. She's Gwyn."

"Hi," nakangiting bati nito. "Ang ganda mo, hindi na ako magtataka kung bakit nabighani si Treyton sa'yo."

"Maganda ka rin po," nakangiting sambit ko.

"I'm sorry for what happened. Manalig ka lang, Gwyn, hindi basta basta si Treyton. Hindi susuko yan, matatag yan." Tumango ako. "Sayang, hindi ako makapunta diyan ngayon, gusto sana kitang i-hug. Si Trevon kasi eh, 7 months pa lang ang pangalawa namin, humabol kaagad ng pangatlo. Don't worry, pupunta ako diyan bukas. Magdadala akong food."

"Thank you po,"

Inalis na sa'kin ni Kuya Trevon ang cellphone. Pinagmasdan ko lang itong masayang kausapin ang kaniyang asawa. Kitang kita ko talaga kung gaano kamahal ni Kuya Trevon ang asawa niya.

Magising ka lang, Treyton, at ipaparamdam ko sa'yo ang lahat ng aking pagmamahal.

Sa mga nagdaang araw, mas lalong lumala ang lagay ni Treyton. Naging tahanan kona ang Hospital, isang beses lamang akong umuuwi para kumuha ng gamit. Sobrang haggard ko, pero inaalagaan ko naman ng mabuti ang kalusugan ko. Wala akong pakielam sa looks ko, ang gusto ko lang ay mabantayan si Treyton.

Si Kuya Trevon ang lagi kong kasama sa pagbabantay. Sa mga araw na nagdaan, hindi nagpakita ang ina ni Treyton sa Hospital, ganun din si Lucky.

Alam kong wala ng pag asa pa para s buhay ni Treyton, pero pinapalakas ko pa rin ang loob ko. Nagtitiwala pa rin ako na lalaban siya. Alam kong lalaban siya, dahil nangako siyang hindi niya ako iiwan.

"Anong nangyayari?" tarantang tanong ko, kay Kuya Trevon nang biglang magkagulo ang mga doctor at nurse. "Anong nangyayari!?"

"Nag-flat line si Treyton," sagot nito.

Lumapit ako sa glass wall at tiningnan ang mga doctor na sinu-survive si Treyton. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko, habang nakatingin sa kaawa awang kalagayan ni Treyton.

"Mahal kita, Treyton.." umiiyak kong bulong. "Treyton, hindi mona ba talaga kaya? I-iiwan mo rin ba ako?"

Nanghihinang napaupo ako. Agad naman akong inalalayan ni Kuya Trevon.

"Mayor, gising po si Congressman." Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ng doctor. "He wants to talk to her wife."

Hindi na ako nagsayang ng oras at agad tumayo. Tumakbo ako papasok sa ICU at agad nilapitan si Treyton. Hinang hina ang katawan nito at parang hirap siyang huminga.

"B-bumalik ka," hinawakan ko siya sa kamay. "Treyton, mahal na mahal kita."

"G-gwyn," hirap itong ngumiti. "I-I can't fight.....a-anymore......s-sorry."

Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti sa kaniya. "H-hindi mona kaya? A-ayos lang, Treyton. . . M-masakit, p-pero kakayanin ko.... P-pagod kana eh, h-hirap kana. T-treyton, ayaw kitang bitawan, pero kailangan eh."

"S-sorry..."

"Aalagaan ko si baby, m-magiging matatag ako. T-tapos, i-ibabalik ko yung dating sigla sa buhay ko. T-Treyton, k-kailangan ako ni baby natin kaya kailangan kong maging matatag. K-kailangan ako ng baby natin." kahit na anong pigil ko sa aking luha, patuloy pa rin ito sa pag agos. "H-hintayin mo ako ah? K-kapag puwede na, pupuntahan kita. Sasamahan kita."

"I-I love you..."

Unti unti akong nanghina nang tuluyang pumikit ang mga  mata niya at bumagsak ang kamay niya, kasabay non ay ang pag-flat line ng machine sa gilid niya.

"Time of death, 3:12 pm."

He died on august 13 2017 at ex
actly 3:12 pm.

The Congressman Bastard [COMPLETED]Where stories live. Discover now