Chapter 1

17K 431 1
                                    

GWYN POV

"NAY, alis na po ako!" Medyo may kalakasang boses na paalam ko sa Nanay kong nasa kusina. "Yung gamot niyo po ni Tatay ah?...Dray, ipaalala mo lagi yung gamot nila Nanay, nagluto na din ako nang pang-tanghalian niyo."

Kailangan ko ng pumasok sa opisina
ni Congressman. Bukod sa miss kona siya, kailangan ko din bumale ngayon. Paubos na kasi yung gamot nila Nanay at kailangan ko ng bumili. Plus baon pa ni Dray at pambayad sa gaganaping grand ball nila sa school. Naubos na kasi yung sahod ko dahil sa mga bilihing ang mamahal.

Graduating na this year sa senior high si Dray, kaya kailangan ko pang mag-doble kayod dahil mas magastos ang college. Hindi ako nakatapos, kaya gusto kong mapagtapos si Dray kahit na maghirap pa ako. May tatlo pa akong kapatid na mas matanda sa'kin, kaso mga umangat lang nang kaunti, ayun pinabayaan na kami.

"Ate, yung pambayad sa ball ah?" paalala ni Dray. "Gusto kong makasali doon."

"Oo naman." Tinapik ko siya sa balikat. "Lahat gagawan nang paraan ng Ate mo, basta ang kondisyon ko lang ay mag aral ka ng mabuti."

Tumango ito. "Promise, Ate. Maraming award ulit itong kapatid mo."

Natatawang ginulo ko ang buhok niya. "Sige na, Alis na ako. Yung gamot nila Nanay ah?"

"Ingat!"

Lumabas na ako nang bahay at dumiretso sa paradahan ng mga tricycle. Sumakay ako at nagpahatid sa munsipyo.

"Blooming ka ah?" pansin sa'kin ni Jake habang kumukuha ako nang pambayad. "Pinopormahan kana ba diyan sa munisipyo?"

"Ano naman?" Inirapan ko siya. "Ikaw kasi mawawala kana sa kalendaryo, wala ka pa ring nililigawan.'

Natawa ito. "Ikaw yung gusto ko eh, kaya kasalanan mo."

May gusto sa'kin si Jake, kaso dineretsa ko siya na hanggang magkaibigan lamang kami. At masaya akong nirespeto niya ang desisyon kong iyon.

Inilingan ko lang siya. "Ito na, pasundo na lang ulit mamaya ah?"

"Yes, boss." Inabot nito ang pisngi ko at kinurot na ikinangiwi ko.

"Miss Alfonso!"

Sabay kaming lumingon ni Jake sa pinanggagalingan nang boses.

Si Treyton-Congressman Treyton. Salubong na salubong ang dalawang makakapal nitong kilay at parang anumang oras ay susunggaban niya si Jake.

"Congressman!" Bati dito ni Jake nang makalapit ito sa'min.

Sinungitan lang ito ni Treyton at binalingan ang tingin sa'kin. "Hindi ba at sabi ko ay dapat ikaw lagi ang nauuna sa aking opisina?"

Kung kami lang dalawa ay baka nasupladahan kona siya. Kaso nandito yung mga bodyguards niya at si Jake kaya dapat ay behave ako.

"Sorry po." Bahagya akong yumuko. "Papasok na po ako."

Bago pa siya makapagsalita ay agad kona siyang tinalikuran at dire diretsong pumasok sa loob. Nagtungo ako sa opisina ni Treyton at sinimulang iayos ang mga papeles na siguradong pipirmahan niya ngayong araw.

Deserved niya ang maraming gawain na yan dahil nakakainis siya!

Bumukas ang pinto at iniluwal non si Treyton. Inirapan ko siya bago ayusin yung name plate niya.

"Baby? Are you mad?" Malambing na tanong nito. "Hindi ba at ako dapat ang magalit? You let that man to pinched your lovely cheek."

"Hay, nako! Ayoko ng magpaliwanag sa'yo." Nag cross arm ako at hinarap siya. "Halos isang daang beses ko nang sinabi sa'yo na magkaibigan lang kami ni Jake. Lagi mona lang akong pinagagalitan!"

Biglang umamo ang mukha nito. "I'm sorry, baby. I love you po."

"Hindi mo ako madadaan diyan, Treyton Amadeo." Inirapan ko ulit siya. "Anong trip mong coffee ngayon? Oorder na'ko, CONGRESSMAN TREYTON."

Pinagdiinan ko talaga ang 'Congressman Treyton', para dama niya yung inis ko.

Sa halip na sumagot ay hinapit nito ang beywang ko at ikinulong ako sa kaniyang bisig.

"Baby, don't be mad at me, please?" Parang batang ngumuso ito. "Promise, I won't do that again."

"Oo na, matitiis ba kita?" Napangiti ito. Ang rupok ko kapag nagbe-baby talk siya. "Ano ngang gusto mong coffee?"

Sa halip na sagutin ay sinakop nito ang aking labi. Isinukbit ko naman ang braso ko sa leeg niya at tinugunan ang mapusok niyang halik.

"Tama na." Lumayo ako dito nang maramdaman ko ang paghimas nito sa aking hita. "Malakas ang ungol ko, ayaw mo naman atang maiskandalo tayo diba?"

"Mamaya ka sa'kin." Kinagat nito ang ibabang labi niya. "You will moan your Congressman's name, later."

Natawa lang ako bago siya lapitan. Pinunasan ko ang lipstick ko, na kumapit at kumalat sa labi niya.

"Messy kisser," pang aasar ko dito na ikinatawa ko lang.

"What are you two doing?" Mabilis kaming napalayo sa isa't isa nang marinig namin ang boses ni Lucky-ang asawa ni Treyton. "Treyton? Why are you laughing with your secretary huh? Bakit ang lapit lapit niyo din sa isa't isa? Is she one of your whore?"

"Lucky, enough!" Saway dito ni Treyton. "Inaayos niya lang ang necktie ko. Natawa lang kami dahil sa kinuwento niyang nangyari kahapon sa isa sa mga staff ko."

Mukhang hindi naniwala si Lucky. Tumingin ito sa'kin at nilapitan ako. "Is that true? Magsabi ka ng totoo, dahil kung hindi ako baka kung saan ka pulutin."

"Opo, Ma'am." Bahagya kong naiyukom ang kamao ko. "N-napansin ko po kasi yung gulo gulo niyang necktie."

"Okay." Binalingan nito nang tingin si Treyton. "Hon, kain daw tayo ng breakfast now sa labas. Kumpleto ang lahat doon at may mahalagang pag uusapan daw tayong importante."

Tumango si Treyton. "Okay, let's go. Marami pa akong tatapusin."

"Una kana," sabi dito ni Lucky. "May ibibilin lang ako kay Gwyn."

"No. Hinawakan ito sa kamay ni Treyton. "Let's go, Lucky."

Bago pa makaangal si Lucky ay hinila na siya palabas ni Treyton. Napahinga naman ako nang malalim bago mapasandal sa lamesa ni Treyton.

Ilang minuto lang ay bumukas ulit ang pinto at iniluwal non si Treyton.

"I'll buy you chocolate cupcake." Inabot nito ang blazer niya. "I love you, Gwyn. I love you."

Hinalikan ako nito sa labi at noo. "Next week, iyong iyo ako. I promise that. "

"Mag iingat ka."

Ngumiti lang ito bago tuluyang lumabas nang office niya. Napangiti na lang ako at napahawak sa labi ko.

Mahal na mahal ko si Treyton, kahit malit itong relasyon namin ay ipaglalaban ko

The Congressman Bastard [COMPLETED]Where stories live. Discover now