Chapter 14

11.1K 293 1
                                    


GWYN

   TULOG na sila Tatay nang makapasok ako sa bahay namin. Walang ingay ma dumiretso ako sa kuwarto ko at humiga sa kama.

Muling tumulo ang mga luha ko nang maalala ko ang mga nangyari. Binaluktot ko ang tuhod ko at humawak sa tiyan ko.

"Baby, hindi papayag si Mama na mapahamak ka..." Kausap ko sa Anak kong nasa sinapupunan ko. "K-kapit ka lang, ah? Nandito lang kami ni Daddy mo."

Sa kaiiyak ko ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Nang magising ako ay masakit ang mga mata ko, kumakalam din ang aking sikmura.

Bumangon  ako at agad lumabas ng kuwarto ko. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko doon sila Nanay at Tatay.

"Si Dray po?" Naupo ako at nagsimulang magpalaman ng pandesal.

"Pumasok na," sagot ni Tatay. "Nagmamadali nga, mukhang may exam."

Napatango lamang ako at nagsimulang kumain.

"Galing pala rito yung isang bodyguard ni Congressman Amadeo, pumasok ka daw ngayon." Natigilan ako sa pagsubo nang magsalita si Tatay. "Marami raw gawain sa munisipyo kaya kailangan ka roon."

Tumango ako at tumayo. "Sige po, papasok na po ako."

Dire diretso akong nagtungo sa banyo at naligo. Mabilisan akong nagbihis, hindi na ako gaanong nag ayos, sobrang simple lang ng datingan ko.

"Tay, alis na po ako." Nagsuklay ako ng buhok. "Si Nanay po ah?"

"Hindi mo ba muna tatapusin ang almusal mo?"

"Hindi na po."

Lumabas ako ng bahay at pumara ng tricycle. Tulala lamang ako buong biyahe, kinakabahan ako na ewan.

Nang makarating sa munisipyo ay agad akong nagbayad at pumasok sa loob. Napakunot ako ng noo nang makitang may ibang taong nakaupo sa table ko.

"Bakit ka po nakaupo diyan?" Tanong ko sa babaeng medyo may edad sa'kin.

"Sa tingin mo?" Umirap ito. "Ako ang new secretary ng Congressman."

Natigilan naman ako dahil sa sinabi nito.

Biglang bumukas ang pinto. Iniluwal non si Lucky na malaki ang ngisi sa'kin.

"Nandito kana pala," nakangiting sabi nito. "Halika sa loob, mag uusap tayo kasama ng ASAWA ko, tungkol sa bagong trabaho mo."

Nauna itong pumasok sa loob. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at sumunod sa kaniya.

Nang makapasok ako sa loob. Nadatnan ko si Treyton na nakaupo at minamasahe ni Lucky sa likuran.

"You're here!" Ngumiti sa'kin si Lucky. "Hubby, why don't you tell her about her new work."

Tiningnan ako ng diretso ni Treyton. Nangungusap ang mga mata nito na para bang nakikiusap sa'kin. Kita ko rin ang pagyukom ng mga kamao niya.

"Ayaw mong magsalita." Hinalikan ni Lucky sa pisngi si Treyton, bago ako unti unting lapitan. "Well, ako na lang ang magsasabi dito sa KABIT mo!" Akala ko ay didiretso ito palapit sa'kin, pero lumihis siya at kinuha ang isang mop. Ibinalibag sa'kin ito ni Lucky, mabuti na lamang ay naiwasan ko. "You're the new janitress of us! Binagay ko sa pagkatao mo ang bago mong trabaho."

"Lucky." Tumayo si Treyton. "Stop this fvcking nonsense!"

"Bakit? Hindi ba dapat ay magpasalamat ka? Hindi ko inilayo sa'yo ang kabit mo!" Humalakhak ito na tila isang loka loka. "Be thankful, Treyton. Makakasama mo pa rin siya at matitikman."

Dinampot ni Treyton ang mug niya. Bago niya pa ito maibato kay Lucky ay agad kona siyang pinigilan.

"Tama na.." Tinitigan ko siya sa mata. "L-lalo lang tayong masasaktan."

"I can fight them, Gwyn." Nanghihinang napasandal ito sa table niya. "I-I can, b-but I'm afraid that I might lose you if I do that. H-hindi ko kaya, Gwyn, pero mas hindi kona kaya ang ginagawa nila."

"Ayos lang sa'kin." Nginitian ko siya. "Kaya ko naman ang trabaho, magiging ayos lang ako, magiging ayos lang kami ni baby." Binalingan ko si Lucky. "T-thank you sa trabaho, pagbubutihan ko."

"SIMULAN MONA!" galit na sigaw nito.

Tumango ako at nanginginig na dinampot yung mop. Muli kong nginitian si Treyton, bago ako lumabas ng opisina niya.

Nakita ko ang isang baldeng may tubig, inilagay ko doon ang mop at kinawkaw. Piniga ko ito at sinimulang punasan ang floor.

Ramdam ko ang bulungan at titig sa paligid ko. Hindi kona lamang iyon pinansin at nagpatuloy na lang sa aking trabaho.

Hindi lang naman dahil kay Treyton kung bakit ako nandito, para din sa Pamilya ko. Kailangan ko ng income, kailangan ko pa rin ng trabaho, lalo na para kay Dray. Graduating na yun, kaya dapat magtiyaga ako kahit masakit na.

Halos alas dos na nang matapos ako sa mg gawain ko. Pagod akong naupo sa lapag ng cleaning room. Minasahe ko ang mga binti ko at hinawakan ang tiyan ko.

"Gutom kana baby?" Kausap ko dito. "Walang baon si Mommy, babawi na lang a–"

"–Baby." Napaangat ako ng tingin sa nagsalita.

"Treyton..."

Umupo rin ito sa lapag. "I bought foods, for you and for our baby. Kain kana."

"Baka may makakita sa'yo," sabi ko dito. "Bumalik kana sa office mo."

Umiling ito.

Natulala na lamang ako nang sunod sunod na tumulo ang mga luha niya.

"I'm sorry." Inabot nito ang kamay ko at dinala sa labi niya. "I'm sorry, baby."

"Treyton." Inagaw ko ang kamay ko sa kaniya at pinunasan ang mga luha niya. "Bakit ka nag-so-sorry? May kasalanan kaba?"

"Nahihirapan ka ng dahil sa'kin," sambit nito. "They asked me to leave you, but I declined it. Hindi ko kaya, Gwyn." Umiling ito. "Gusto nilang palayain kita, kapalit non ay magiging tahimik ka. Should I accept it?"

Umiling ako. "Hindi ba at magkasama tayong haharapin ito? Treyton, hindi ko rin kayang mawalay sa'yo. Kailangan kita, kailangan ka namin ng Anak mo."

"Pero–"

"Walang pero pero." Kinuha ko yung tupperware na may pagkain at binuksan ito. "Ikain natin 'yan."

"I love you, baby."

Nginitian ko siya. "Mahal din kita, Treyton."

Inabot nito ang pisngi ko at inangkin ang labi ko. Napapikit na lamang ako at tinugunan ang halik niya.

Hindi ko hahayaang mag isa lang siya sa lahat ng ito. Kailangan niya ako, kailangan niya kami ni baby.

The Congressman Bastard [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon