Chapter 9

11.6K 333 8
                                    


GWYN

    NAALIMPUNGATAN ako nang may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko. Nang magmulat ako ng mga mata, bumungad sa'kin ang gwapong mukha ni Treyton.

"Kumusta ang tulog mo?" malambing na tanong nito.

"Ayos lang.." Napangiwi ako nang aksidente kong maiunat ang kamay ko, kung saan ako may tama. "Masakit pa rin yung sugat ko."

"I'm sorry, again." Lumungkot ang mukha nito. "Don't worry, nakakulong na ngayon yung mga gun man."

"Umamin naba sila?" tanong ko dito.

Umiling ito. "Bukas pa sila tatanungin. Sa ngayon kasi ay patuloy pa ring nag iimbestiga ang mga pulis."

Napatango ako. "Hindi kaba hahanapin sa inyo?"

"No, sinabi din ni Mom at Dad na magpahinga muna ako. Pahupain muna daw namin ang nangyari." Hinaplos nito ang pisngi ko. "Sakto sa vacation natin."

"Kumain kana ba?" tanong ko dito. "Nagluto daw si Mang Pedring ng ginataang tilapia. Kakain dapat ako kanina, kaso nakatulog ako."

"Dumugo nga yung sugat mo dahil naipit, kaya nilipat kita dito sa kuwarto." Napatingin ako sa balikat kong bago na. "Pinalitan ko ang benda mo."

"Thank you."

"My pleasure, baby."

Bumaba ako ng kama at hinila siya patayo. "Kain tayo, gutom na ako. Kailangan ko ding uminom ng gamot."

"Sakto, nainit kona yung ulam." Umakbay ito sa'kin. "Finally. Masosolo ko din ang maganda kong minamahal."

Tawa lang ang isinagot ko dito.

Dumiretso kami sa kusina. Pinaupo ako ni Treyton, samantalang siya ay naghain para sa aming dalawa. Ito ang gusto ko kay Treyton tuwing magkasama kami. He always treated me like a Queen.

"Let's pray." Kinuha nito ang kamay ko at pumikit. Napangiti na lang ako at pumikit din. "Dear God, thank you for the food and the blessings. Lord, thank you, because you saved my Gwyn. In jesus name, Amen."

Dumilat ito at sinimulan ng hainan ako ng pagkain sa aking plato.

"Thank you," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Lagi mo akong bine-baby, baka masanay na ako niyan."

"It's okay, baby. Sasanayin kita dahil habang buhay tayong ganito," sagot nito.

Habang buhay nga ba?

Tumango na lang ako at nagsimulang kumain. Kahit kailan talaga, sobrang the best ng ginataang tilapia ni Mang Pedring.

"Baby, what do you want to do after eating?" tanong ni Treyton.

Nagkibit balikat ako. Gusto ko sanang manood ng sunset kaso gabi na.

"What if..you know.." Ngumisi ito kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Watching movie, baby, relax."

"Palusot pa eh," bulong ko na ikinatawa niya.

"But if you want to do that. I'm always ready," sabi nito.

"Kapag hindi ka tumigil diyan, Treyton. Masusuntok kita."

Tumawa lang ito at napailing iling.

"Congressman." Sabay kaming napalingon sa nagsalita. "Pasensiya na po sa istorbo sa inyo. Ito po pala yung prutas na pinabili niyo."

"Thank you, Mang Pedring." Tumayo si Treyton at kinuha sa matanda yung mga plastic bag. "Kumain kana po ba? Join us."

Umiling si Mang Pedring. "Katatapos ko lanh hong kumain."

Napatango si Treyton. Kinuha nito anh wallet niya na nakapatong sa gilid at dumukot ng pera doon.

"Ito po ang sahod niyo ngayon. Thank you for the service."

"Salamat ho, Congressman." Tumango ito sa'kin. "Mauna na ho ako. Enjoy po sa bakasyon niyo."

Lumabas ito ng bahay. Kumuha naman ng isang mansanas si Treyton, kumuha siya ng kutsilyo bago maupo at simulang hiwain yun at ilagay sa plato ko.

"Balak kong mamalaot bukas," sabi nito. "You want to come?"

Tuwing bakasyon din namin ni Treyton dito. Lagi siyang namamalaot, tapos ipamimigay namin yung mga huli namin sa mga taong nakatira dito.

"Sige." Tumango ako. "Namiss kona din mamalaot."

"Yung sisid ko? Hindi mo namiss?" nakangising tanong nito.

Kumuha ako ng isang hiniwang mansanas at isinalpak sa bibig niya.

"Yan ang dapat mong gawin, ang manahimik."

"Init ng ulo." Parang batang ngumuso ito.

Nang matapos kaming kumain ay siya na ang nagpresintang magligpit at maghugas. Nakaupo lamang ako doon habang ngumangata ng mansanas at pinagmamasdan siya.

"Cute ng butt mo," sabi ko dito.

"You like this?" Napatawa ako ng malakas nang mag-twerk ito.

Kaso imbis na puwet niya ang gumalaw, likod niya ang umaangat. Parang matandang uugod ugod.

Humarap ito sa'kin at sumayaw sayaw habang puro bula ang kaniyang kamay.

"Happy ang baby ko oh." Lumapit ito sa'kin at ngumuso. "I love you always, my baby."

Pinatakan ko siya ng halik. "Mahal din kita, Treyton."

"Pinakikilig mo naman ako ih!" Pabebeng bumalik ito sa lababo. "Ebene eng teme me se'ken."

Sa lahat ng Congressman, siya lang ang ganito. Ang cute na nakakagigil.

Nang matapos siya sa kusina ay inaya niya ako sa labas. Nilatag niya yung dinala niyang picnic blanket sa buhangin at doon kami nahiga.

"Baby, kung magkakaanak ka sa'kin, magiging masaya kaba?" biglang tanong nito.

"Oo naman," sagot ko. "Kahit hindi sang ayon sa atin ang lahat, kahit pa patago tayong nagmamahalan."

"Gusto ko ng magka-baby," sabi nito.

"Maghintay lang tayo." Nakangiting tiningala ko siya. "Malay mo, may laman na itong tummy ko."

"Anong ibig mong sabihin?" Medyo gulat na tanong nito.

"Ini-stop kona yung pag-pi-pills ko," tugon ko dito. "Gusto ko rin kasing magka-baby."

"Totoo!?" Mahina akong napatili nang bigla na lang siyang dumagan sa'kin. "Thank you, baby! I love you."

Hinalik halikan ako nito sa mukha na ikinatawa ko.

"Treyton, nakikiliti ako." Natatawang sabi ko.

Tumigil naman ito. Lumipat ang ulo nito sa tiyan ko. Hinaplos haplos niya ito at hinahalik-halikan.

"Hi, baby..." kausap niya dito. "I'm your handsome daddy."

"Excited ka ah?"

"Ofcourse." Tiningala ako nito. "Ako na yata ang magiging pinakamasayang lalaki sa buong mundo kapag nagkaanak tayo."

"Paano kung malaman nila?" Tanong ko na ikinatahimik niya. "Paano kung mapahamak siya?"

Umiling ito. "Trust me, baby. Hinding hindi ka mapapahamak–ang anak natin."

Wala sa sariling tumulo ang luha ko habang nakatitig sa mukha niyang puno ng sensiridad.

Hulog na hulog na ako, kay Treyton. At hindi ko alam kung makakaahon pa ako...

The Congressman Bastard [COMPLETED]Where stories live. Discover now