Chapter 11

11K 360 22
                                    


GWYN

     NAKAGAT labi ako habang hinihintay yung resulta ng PT. Ilang minuto lang ay lumabas na ang resulta. Hindi ko alam kung anong emosyon ang mararamdaman ko, halo halo na ang lahat ng emosyon ko.  Masaya ako, naiiyak, kinakabahan, malungkot. Basta.

"May baby kami," humihikbing napahawak ako sa tiyan ko. "Magkakaanak na kami ni Treyton."

"Baby?" Napalingon ako sa pinto ng banyo nang may kumatok. "Are you okay? Ang tagal mo."

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumikhim. "P-palabas na."

Tinago ko yung PT sa bra ko. Hindi ko muna sasabihin kay Treyton, mamaya kona sasabihin after ng romantic dinner date namin.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas. Bumungad sa'kin ang topless na si Treyton.

"Umiyak kaba?" kunot noong tanong nito. "May problema ba?"

"Anong umiyak? Tungek, naghikab lang ako," palusot ko. "Diba, maliligo ka? Maligo kana."

Ngumisi ito at hinapit ako sa beywang. "Sabay tayo.."

"Manahimik ka, nagsabay na tayo kagabi." Pabiro ko siyang kinurot sa tagiliran. "Sige na, magluluto lang ako ng tanghalian natin."

"I love you, baby."

Hinampas nito ang pang upo ko, bago pumasok sa loob ng banyo. Napailing naman ako bago magtungo sa kuwarto. Kinuha ko yung PT na nasa bra ko at inilagay sa loob ng bag ko.

Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Ginisang tahong ang niluto ko, dahil ito pa lang sa ngayon ang gusto ng pang amoy at sikmura ko.

Sa gitna nang paghahalo ay may mga brasong pumulupot sa beywang ko.

"Ang ganda naman ng baby ko," malambing na sabi ni Treyton.

"Wag mo akong landiin, Treyton." Tinakpan ko yung kawali at hinarap siya. "Ano na pa lang balita sa inaayos mong dinner date natin?"

Ngumisi ito. "It will be simple, but memorable. Sisiguraduhin ko na hindi mo makakalimutan ang dinner date na iyon."

"Naging excited tuloy ako," nakangiting sabi ko dito. "Sige na, upo kana, ipaghahain na kita."

"Ako na," sabi nito. "Baka sumakit pa 'yang sugat mo–"

Inilingan ko siya at iginaya paupo. "Ako naman ang magsisilbi sa'yo."

Ngumiti lang ito.

Nagsimula na akong magsandok ng kanin at ulam. Inilapag ko ito sa lamesa. Nilagyan ko din ng pagkain si Treyton sa plato niya, bago maupo.

"Masarap?" Tanong ko dito.

Tumango naman ito at nag–thumbs up. Napangiti naman ako at nagsimula na ring kumain.

"Treyton, parang masarap ang buko." Napalingon ito sa'kin. "Gusto ko ng buko salad."

"Bilhan kita?" Tanong nito.

"Wag na, kapag nakabalik na lang tayo," sagot ko. "Kain kapa, wag kang magpagutom."

Tumango lang ito.

Nang matapos kami ay ako na ang nagpresintang maghugas ng plato at maglinis.

"Baby, aalis lang ako saglit." Yumakap ito sa beywang ko. "Baka gabihin na ako, sunduin kita dito."

Tumango ako. "Mukhang engrande ang pa-dinner date mo sa'kin ah?"

"I will make it special and memorable." Humalik ito sa pisngi ko. "Got to go now, baby. I love you."

The Congressman Bastard [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon