Chapter 13

11.4K 347 12
                                    


GWYN

   "ATE, may problema kaba?" tanong ni Dray na ikinatigil ko sa pagsubo ng pagkain. "Mugto ang mga mata mo, lagi din kitang naririnig na umiiyak."

"Okay ang ako," sabi ko dito. "Ikaw? Kumusta naman ang pag aaral mo? Kumusta ka?"

Ngumiti ito ng malaki. "Lagi akong maayos.... Teka, nililigaw mo yung usapan eh."

"Okay nga lang ako, Dray."

"Kapag hindi ka okay nandito lang ako ah?" sabi nito. "Nandito lang kami nila Nanay."

Tumango lang ako at ngumiti.

Hindi ko pa nasasabi sa kanilang buntis ako, hindi pa kasi ako ready. Siguradong marami silang itatanong sa'kin. Itatanong nila kung sinong Tatay nito, bakit hindi ako nagsasabing may boyfriend ako. Mas mainam munang paghandaan ko.

"Ako ng maghuhugas," presinta ni Dray. "Sige na, Ate, magpahinga kana."

"Salamat, Dray."

Nakangiting umalis ako sa kusina. Akmang papasok na ako sa kuwarto ko, pero natigilan ako ng may kumatok.

Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Napaatras ako nang bumungad sa'kin ang Ina ni Treyton.

"S-senador Amadeo.... Bakit po kayo nandito?" Halos pabulong kong tanong.

Ngumiti ito. "Dadalhin kita kay Treyton, he wants to talk to you."

Imbis na matuwa ay kinabahan lamang ako.

"Iha.." Hinawakan nito ang kamay ko. "Una pa lang, alam kona ang relasyon niyo ni Treyton. He's sick right now, gusto ko sanang alagaan mo siya."

"Sandali lang po, magpapaalam lang ako." Iniwan ko siya at nagtungo sa kusina. "Dray, aalis lang ako saglit ah?"

"Ingat ka!"

Muli kong binalikan ang Ina ni Treyton. Agad nitong hinawakan ang kamay ko nang makalapit ako sa kaniya. Hinila ako nito palabas ng bahay at dinala sa isang Van.

"Kumusta po si Trey–"

"–Hey, mistress." Natigilan ako nang makita si Lucky sa front seat. "Mabuti naman ang lagay ng asawa ko. May mga kaunting bugbog lang siya na kagagawan mo."

Nanginginig na napalingon ako sa Ina ni Treyton. Walang emosyon na itong nakatingin sa'kin.

"A-ano pong ibig sabihin nito?" Utal kong tanong.

"Hindi deserve ng angkan ko ang isang bastardo." Tumingin ito sa tiyan ko. "Ipapalaglag mo 'yang Anak niyo ni Treyton."

Umiling ako. "Hindi po, bababa na po ako...Kuya pakihinto po ng sasakyan."

"Wala kang kakampi dito." Tumulo ang luha ko nang hiklatin ng Ina ni Treyton ang buhok ko. "Malandi ka! Sinisira mo ang magandang reputasyon ng pamilya namin!"

Wala akong nagawa hanggang sa huminto kami sa isang bahay. Kinaladkad ako ng Ina ni Treyton papasok sa loob.

"WAG! MAAWA PO KAYO, WAG ANG ANAK KO!" Sigaw na pagmamakaawa ko sa kanila.

May nadatnan akong isang Doctor at dalawang Nurse sa loob nang makapasok kami. Lalong nadagdagan ang takot ko.

"Ito, gawin niyo ang lahat para mamatat ang Anak niya!" Pabato ako nitong binitawan. "Alisin niyo ang bata sa tiyan niya."

Akmang hahawakan ako ng Nurse, kaya mabilis ko siyang sinipa at niyakap ang sarili ko.

"Wag, pakiusap, gagawin ko ang lahat ng gusto niyo, wag niyo lang patayin ang Anak ko." Umiiyak kong sambit.

"Sana naisip mo 'yan, bago ka kumabit sa asawa ko!" Inangat ni Lucky ang mukha ko at malakas akong sinampal. "Malandi ka! Kabit!"

"Dalhin niyo na yan, alisin niyo ang bata sa tiyan niya." Utos ng Ina ni Treyton.

Hinawakan ako ng dalawang Nurse na lalaki sa magkabilang kamay. Sinubukan kong magpumiglas pero masyado silang malakas.

"MOM! WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING!?"

Napahinto ang lahat at napalingon sa sumigaw.

"Treyton!" Itinulak ko yung dalawang Nurse na nakahawak sa'kin at takot siyang nilapitan. "Gusto nilang patayin ang Anak natin, ayoko, ayoko, Treyton."

Kita ko ang pag igting ng panga nito. Bakas na bakas sa mukha nitong may pasa at sugat ang galit.

"A-anong nangyari sa'yo?" Umiiyak kong hinaplos ang mukha niya. "Anong ginawa nila sa'yo?"

"I'm fine, baby." Ngumiti ito sa'kin at ikinulong ako sa bisig niya. "Hindi ka nila masasaktan, okay? Hindi nila masasaktan ang Anak natin."

"Guard, get that woman!" Mahigpit akong napayakap kay Treyton nang magsalita ang Ina niya.

"Subukan niyong hawakan miski dulo ng buhok niya, sisiguraduhin kong bangkay kayong uuwi sa pamilya niyo." Malamig na sabi ni Treyton.

"Ano? Mas papanigan mo ang kabit mo kaysa sa'kin na asawa mo!?" Nakayakap na lumingon ako kay Lucky. "She ruined our marriage!"

"No! She's not!" madiing sabi dito ni Treyton. "Hindi ko rin ginustong maging asawa ka! Hindi ko ginustong maikasal sa iyo!"

"Treyton!–"

"–That's the truth, Mom!" putol ni Treyton sa sasabihin ng Ina. "G-gusto kong pumili ng mapapangasawa ko, but you ruined that dreams of me! Ayoko din sa pulitika, I want to be a pilot, pero hindi natuloy dahil ipinasok mo ako sa pulitika! Mom, all I want is a normal life, pero hindi ko natupad dahil selfish ka!"

"Ngayon, balak mo ulit sirain ang pangarap ko. Balak mong patayin ang Anak namin ni Gwyn!" dagdag pa nito.

"Dahil kasiraan ang batang 'yan sa pamilya natin! Kasiraan ang kabit mo sa reputasyon natin!" galit na saad nito.

"Ikaw ang sumisira ng reputasyon natin!" bulyaw ni Treyton sa Ina. "You want to kill my child because of that fvcking vocabulary of yours!..... Duwag ka, Mom, duwag ka. Takot ka sa Ama ni Lucky, hindi mo kayang mabuhay ng walang tulong ng iba."

"Tama na, Treyton..." labulong kong sabi dito. "I-iuwi mona ako."

"Yes, baby, uuwi na tayo." Binuhat ako nito. "Mom, okay lang na sirain niyo ang buhay ko, wag niyo lang galawin ang mag ina ko."

Pagkatapos niyang sambitin ang mga bagay na iyon, ay lumabas na siya. Dumiretso siya sa isang kotse at maingat akong isinakay sa passenger seat.

Umikot siya patungong driver seat at sinimulan nang paandarin ang kotse.

"Are you okay, baby?" tanong nito.

"Natatakot ako.." Muling tumulo ang mga luha ko. "Natatakot ako para sa buhay ng Pamilya ko, natatakot ako para sa buhay ng Anak natin."

"Nandito lang ako, Gwyn. Pangako, hindi ka nila masasaktan." Inihinto nito ang sasakyan sa gilid at inabot ang mukha ko. "Wag mo akong iiwan ah?"

Tumango lang ako.

Pinunasan nito ang luha ko at hinalikan ako sa labi.

"Mahal kita, Treyton."

"Mas mahal kita, Gwyn."

Tumango lang ako at yumakap sa kaniya.

The Congressman Bastard [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon