Chapter 16

11.7K 330 13
                                    


GWYN

    SIGURO isa akong malas na tao. Siguro karma 'to lahat ng mga ginawa ko. Siguro wala talaga akong karapatang sumaya.

Pagod na pagod na ako. Hindi kona alam kung lalaban pa ako o tuluyan na lamang susuko sa buhay ko.

"Dray..." Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kuwarto niya. "Nasaan ka? Dray, nandito na si Ate."

Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko, kasabay nang pagbagsak ng aking mga luha.

"Dray, wag namang ganito.."

Dinampot ko ang cellphone niyang nasa gilid ko. Binuksan ko ito at agad bumungad sa'kin ang isang video. Nanginginig na pinindot ko iyon.

"Tama na, Troy!"

Napaluha na lamang ako nang makita ang kapatid kong bugbog sarado at halos magmakaawa na.

"Gago 'tong shota mo, Kriz. Ni-rape si Lea sa C.R."

"HINDI KO GINAWA YUN!" sigaw ni Dray. "WALA AKONG GINAWA!"

"NAGSISINUNGALING KA PA EH!"

Akmang susuntukin pa siya ng lalaki pero tinulak iyon ni Dray. Doon na naputol ang video.

May sumunod pang video na agad kong pinindot. Nasa rooftop si Dray at nagbabalak tumalon.

"DRAY, BUMABA KA DIYAN!"

"BAKIT!? ITO ANG GUSTO NIYO DIBA!?" Mas lumakas ang hagulgol ko nang umiyak ang kapatid ko. "Simula nang pumasok ako sa eskwelahang ito ay puro pasa at sugat ang ibinibigay niyo sa'kin! Tangina! Ang gusto ko lang naman ay mag aral!" Ngumiti ito. "Tiniis ko lahat yun, dahil nagpapakahirap ang Ate ko mapag aral ang ako!... Ate, sorry po ah? Pagod na yung bunso mo. Lalo pa nga yun sa kinakalat nilang issue. Sorry na, Ate ko.."

Nabitawan ko ang cellphone niya dahil ang kasunod non ay ang pagtalon niya.

"DRAY!" umiiyak kong sigaw. "BAKIT MO GINAWA YUN!? DAPAT HININTAY MONA LANG AKO!"

Napasabunot na lamang ako sa aking buhok habang patuloy sa paghagulgol.

"Dray, bumalik ka. Hindi kaya ni Ate, kailangan ka ni Ate."

Pero kahit anong iyak at pagsigaw ko ay alam kong hindi na siya babalik. Hindi babalik ang kapatid ko. Wala na ang bunso ko.

Mas lalong lumakas ang iyak ko nang nag-flash back sa aking isipan ang kakulitan niya.

"Ate, kaunti na lang graduate na itong bunso mo."

"Anong plano mo?"

"Mag aasawa HAHAHAHA."

"Kailangan kita ngayon, Dray, pero wala kana. Paano na si Ate mo? Paano na ako?"

"Gwyn.."

Lumuluhang nginitian ko ang taong nakatayo sa pintuan. "T-Treyton.."

Lumapit ito sa'kin at ikinulong ako sa bisig niya, na lalong ikinalakas ng aking iyak.

"Si Dray, mabait yun... S-siya lagi..yung nagpapagaan ng l-loob ko," pumiyok ang aking boses dahil sa pag iyak. "S-sana pala lagi ko siyang kinakausap, d-dapat lagi ko siyang kinukumusta. Treyton, h-hindi ko alam na gaanoon. . . yung ginawa sa kaniya. W-wala akong alam."

"Gwyn, cry all your pain. Dito lang ako, hindi kita iiwan.." naramdaman ko ang paghaplos nito sa buhok ko. "Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang loob mo. I'm sorry, kung wala akong magawa."

"W-wag mo lang akong iwan, yun lang, Treyton. Kapag nawala kapa, baka hindi kona rin kayanin eh."

"I won't leave, Gwyn."

Sobrang sakit tanggapin. Pakiramdam ko ay mauubusan na rin ako ng hininga, pero alam ko naman wala na akong magagawa.

"Condolence po." Nag angat ako ng tingin sa nagsalita. "I'm sorry for your lost."

Isang magandang babae na kaedad ni Dray. Mamasa masa ang mga mata nito na sa tingin ko'y anumang oras ay iiyak na.

"Ka-eskwela kaba ni Dray?" tanong ko rito.

"G-girlfriend po." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. "S-sorry po, wala po akong nagawa. G-gusto ko pong magsumbong sa inyo, pero ayaw ni Dray. Sorry po."

Nginitian ko siya. "K-kilala mo ba sila?"

Tumango ito. "K-kasama ko po sila."

Inilibot ko ang paningin ko at huminto ito sa mga estudyanteng kahawig ng uniporme ni Dray.

"Sino diyan? Sino sa kanila ang pumatay kay Dray?" Tumayo ako.

"L-lahat po sila," sagot nito. "Lahat po sila ay binully si Dray."

"Gwyn." Nilingon ko si Treyton. Seryosong seryoso ang mukha nito. "W-wag."

"Kakausapin ko lang sila." Nginitian ko siya. "Itatanong ko lang kung bakit nila ginawa yun kay Dray ko."

Tumayo ako at pumwesto sa harapan nung mga estudyanteng naging dahilan ng pagkawala ni Dray.

"Kayo pala yun?" Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. Napayuko sila. "Alam niyo? Mabait na tao si Dray, makulit yun at magaslaw. Itatanong ko lang kung anong nagawa niya sa inyo? B-bakit niyo siya pinagtulakang...k-kitilin ang buhay niya?" walang sumagot. "W-walang dahilan? Trip niyo lang?.... Kilala ko ang iba sa inyo, anak ng taga-pulitiko ang iba sa inyo. B-bakit niyo nagawa yun? Dahil ba mahirap si Dray? Dahil ba hindi siya bagay sa paaralan niyo? Dahil ba scholar lang si Dray? Bakit niyo ginawa yun? Kailangan ko ng sagot!"

"Sorry po.."

Umalis ang mga ito sa upuan nila at sabay sabay na lumuhod.

"K-kung maibabalik lang nang pagluhod niyo ang buhay niya, b-baka sakaling mapatawad ko kayo." Huminga ako nang malalim. "G-gusto kong managot kayo. B-bigyan niyo sana ng hustisya ang pagkamatay ni Dray. Gusto ko ng hustisya."

Tinalikuran ko sila at naglakad palapit sa kabaong ni Dray. Sa unang pagkakataon ay sisilipin ko ang bangkay niya.

Pakiramdam ko ay babagsak ang binti ko habang nakatingin sa kaniya. Para lang itong natutulog, pero alam kong hindi na siya magigising.

"Dray, bibigyan ka ng hustisya ni Ate." Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Lalaban si Ate para sa'yo. Mahal na mahal kita, Dray. Sobrang mahal ka ni Ate.."

The Congressman Bastard [COMPLETED]Where stories live. Discover now