Chapter 10

12.2K 332 5
                                    


GWYN

    "PAPALAOT ka ng ganiyan?" nakasimangot kong tanong kay Treyton. "Sa tingin ko, hindi tilapia ang dadakmain mamaya, kundi 'yang mga pandesal mo."

Naka beach short lang kasi ito. Bumabalandra tuloy ang maganda niyang katawan at yung putok na putok niyang mga pandesal.

"Baby, kapag nagdamit ako, hindi papantay ang kulay ko." Malambing itong yumapos sa beywang ko. "Baby, promise. Kapag nakadaong na ulit tayo, magdadamit na ako."

Tumango ako. "Oo na."

"I love you." Hinalikan ako nito sa labi, bago pagsiklupin ang kamay namin. "Tara na, baby."

Lumabas kami ng bahay at dumiretso sa bangka, na ipinahanda niya kay Mang Pedring.

Nakasuot ako ng t-shirt niya at shorts. Ayokong mag-bikini, hindi ko keri. Hindi naman pangit ang katawan ko, sadyang hindi ko lang talaga kayang mag-bikini sa harap ng maraming tao..pero sa harap ni Treyton, kaya.

Inalalayan ako itong makasampa sa bangka. Halos mapanganga ako nang itulak niya yung bangka patungo sa tubig. Ang sarap mo, Treyton.

Nang medyo malalim na ay sumampa na siya. Pinaandar niya yung motor nung bangka at nagsimula na kaming pumalaot.

"Ang swerte ko naman, nabihag ko ang isang hot na Congressman.." sabi ko habang nakatitig kay Treyton.

"Ang swerte ko, nakabihag ako ng isang maganda at mabait na babae," nakangiting sabi nito.

Napailing na lang ako habang nakangiti.

Hininto ni Treyton ang bangka sa gitna ng dagat. Kinuha nito ang lambat ay inihagis sa dagat.

"Ang sarap mo, Treyton.." wala sa sariling sabi ko. Napalingon ito sa'kin.

"What did you say?" Naupo ito sa harap ko. "Masarap ako?"

Tumango ako, habang inililibot ang aking mata sa katawan niya. Grabe, ang hot!

"Are you horny, baby?" nakangising tanong nito. "Just tell me."

Napasimangot ako. "Hindi porket sinabihan kitang masarap, horny na ako."

"Sungit." Kinurot nito ang pisngi ko. "Sobrang under ko siguro, kapag naging asawa kita.."

"Paano mo ako magiging asawa? May asawa ka diba?" Nawala ang masigla nitong mukha dahil sa tanong ko. "I mean, hindi mo ako matatawag na asawa, dahil may asawa ka. Kabit, pwede pa."

"Stop," seryosong sabi nito. "You're not a mistress."

"Treyton." Hinawakan ko ang kamay niya. "Ganoon talaga ang tawag sa'kin, ayos lang yun."

"It's not okay.." Umiling ito. "Basta, ikaw ang asawa ko. You're not my mistress."

Tumango na lang ako.

"Papakasalan kita.." Pinagsiklop nito ang mga kamay namin. "Pangako, ihaharap kita sa altar kahit na anong mangyari."

Napangiti lang ako, bago panggigilan ang ilong niya.

"Mahal kita palagi, Gwyn, huwag ka sanang magsawa sa'kin." Hinawakan nito ang pisngi ko. "Sana hindi mo ako sukuan."

"Kahit masakit na, kahit nakakapagod na, hinding hindi kita susukuan."

Napangiti naman ito, bago ako patakan ng halik sa labi.

"Sarap mong angkinin," gigil na sabi nito. "Kaso baka tumaob yung bangka, grabe pa naman ako bumayo."

"Lupet mo nga eh. Congressman kana,  mangigisda kapa, at hindi lang yun, isa ka ring taong magaling mangabayo, kahit hindi kabayo ang sinasakyan."

"I'm gifted, baby." Tumayo ito. "Check ko lang yung lambat natin, baka may huli na tayo."

Lumapit ito sa lambat at hinila ito. Bumungad sa'min ang maraming isda. Tumayo naman ako at tinulungan siyang hilahin yung lambat.

Inilagay namin yung mga isda sa malaking batya.

"Ang dami nating huli!" masayang sabi ko. "Siguradong matutuwa yung mga tao sa isla."

"Yes, baby."

Dahil sapat na ang mga nahuli naming isda, napagdesisyunan na naming bumalik sa isla.

"Sandali!" Humarang ako sa daraanan ni Treyton. "Mag t-shirt ka muna, mahirap na, baka abs nila ang dakmain mo."

Natawa ito, bago kuhanin yung t-shirt na nakasampay sa gilid at suotin.

"Possessive naman ng Misis ko," natatawang sabi nito. "Don't worry, iyo na naman itong katawan ko."

Pabirong inirapan ko lang siya, na ikinatawa niya. Bumaba kami ni Treyton ng bangka. Sinalubong naman kami ng mangilan-ngilang tao.

"May mga isda po sa bangka," kausap niya sa isang matandang babae. "Hati hati po kayo, kagaya ng dati."

"Salamat po, Congressman!"

Ngumiti lang si Treyton, bago ako lapitan at akbayan.

Naglakad kami paalis doon, pero natigilan kami nang may isang morenang babae na humarang sa daraanan namin.

"Treyton." Ngumiti ito. "Para sa'yo."

Inabutan niya si Treyton ng ga prutas at seafood na nakalagay sa bilao. Kinuha naman iyon ni Treyton.

"Salamat," nakangiting sabi ni Treyton. "Una na kami."

Tumango lang itong babae. Muli akong inakbayan ni Treyton, naglakad kami pabalik sa bahay.

"Type ka nung babae," bulong ko dito. "Gusto ka niya."

"Mahal naman kita," tugon lang nito.

Nang makapasok sa bahay ay agad niyang hinain yung binigay nung babae.

"Mukhang masarap." Kumuha ako ng isang tahong at kinain ito. "Uy, ang sarap nung tahong. Ang fresh ng pagkakaluto."

"Mas masarap pa rin yung tahong mo," nakangising sabi nito.

Sinamaan ko naman siya at mahinang hinampas. Natawa naman ito, bago panggigilan ang pisngi ko.

"Bakit? Totoo namang nagluluto ka ng tahong ah? Green minded ka ah."

"Para kang sira!" Inirapan ko siya. "Kain na nga tayo."

Umupo naman kami at nagsimulang kumain. Kumuha ako ng hipon at akmang titikman ito pero biglang bumaliktad yung sikmura ko.

Tumayo ako ay nagtatatakbo sa lababo at doon sumuka.

"Ayos ka lang?" Naramdaman ko ang paghaplos ni Treyton sa likuran ko.

"Ang baho nung hipon." Nagmumog ako at hinarap siya.

"Ha?" Nangunot noo ito. "Baby, hindi naman, mabango nga at masarap."

"Ayoko ng kumain," masungit na sabi ko sa kaniya. "Sa kuwarto muna ako."

Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang sa kuwarto namin. Inis na inis akong naupo sa kama.

Gutom pa ako, pero ang baho nung hipon! Gusto ko ding kumain ng hipon ang kaso ay nakakasuk–Ang weird ko.

"Para kang buntis, Gwyn." Natawa ako ng malakas bago umiling.

Natigilan ako nang may ma-realize ako. Napahawak ako sa tiyan ko at napakagat labi.

Posible kaya?

The Congressman Bastard [COMPLETED]Where stories live. Discover now