Chapter 25

41 6 0
                                    

Sa isang masukal na kagubatan ay may isang lalaking nakasuot ng ginituang roba na may kakaibang disenyo at linyang nakaguhit rito. Mayroon ding nakasabit na kakaibang badge sa kaniyang kaliwang dibdib. May maamo itong pagmumukha at mahabang buhok na kulay dilaw. Kapansin-pansin ang matikas nitong pagtayo at mararamdaman mo ang noble aura nito. Kapwa nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito na siyang mas lalong nagpalabas ng kagwapuhan nito. Hindi maikakatwang malalim ang tanaw nito sa malayo na siyang masasabi mong may malalim itong iniisip.

Ilang metro lamang sa kaniya ay ang sampong katao na may kulay lupa na roba. Nakatayo lamang ang mga ito habang nag-uusap-usap sng mga ito sa mahinang tono ng boses.

"Hindi ko aakalain na tayo ang inatasang hulihin ang bastardong anak ng isang opisyales ng Black Raven Tribe na iyon."

"Oo nga eh, alam naman natin na napakatuso at mapanlinlang ang bastardong anak na iyon. Kung maaari lamang natin sanang ipangalap ang pangalan nito sa kontinente upang maalarma sila ngunit hindi iyon maaari."

"Sinabi mo pa. Alam mo naman siguro kung ano ang magiging resulta kapag lumabas at sumabog ang balitang ito sa kontinenteng ito hindi ba?! Magpapanic ang mga tao at mga hybrid na magreresulta ng pagkakaroon ng malaking gulo. Hindi natin alam kung ano naman ang gagawin niyon."

"Sang-ayon ako sa inyong sinabi. Alam mo naman siguro kung gaano ito kahirap para boss natin. Alam mo bang marami pa iyong naiwang suliranin sa ating teritoryo kaya hindi kataka-taka na problema ito."

"Kaya nga eh ngunit wala itong maaaring pagpipilian lalo pa't personal na binigay ang utos na ito sa kaniya. Ewan ko ba at mukhang minamalas tayo lalo pa't ilang buwan tayong nanghahagilap ng impormasyon sa bawat kontinenteng ating pinuntahan ngunit bigo tayo."

"Mabuti na lamang at mahusay ang ating boss. Nahanap nito ang kinaroonan nito dito sa kontinenteng ito pero hindi ako naniniwala na naririto ang bastardong iyon hmmp!"

"May punto ka naman sa iyong sinabi. Ilang taon na ring nawawala ang bastardong iyon at ngayong nakaraang buwan lamang binigay sa kaniya ang gawain na ito. Sigurado kasing gagawa naman ito ng kalokohan at katarantaduhan."

"Likas talaga na mapaglaro at tuso ang binatang iyon. Kasalanan rin siguro ng mga magulang niyon kung bakit naging miserable ang buhay ang anak nito. Nakakaawa talaga ang Boss natin."

"Hayst, kailangan nating gawin ang trabaho natin. Sobrang bait ng boss natin maging sa pamilya natin kaya dapat lang na gampanan rin atin ang ating sagutin."

Sasagot pa sana ang isa sa kanila nang makarinig sila ng isang napakalakas na pagsabog sa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan nila. Nakakapagtaka ngunit nakakaalarma.

Nagulat na lamang sila nang nasa harapan nila mismo ang kanilang boss.

Nanginig naman sa takot at napaluhod sila nang maramdaman nila ang biglang paglakas ng enerhiyang inilalabas ng binatang lalaking nasa harapan nila na walang iba kung hindi ang Boss nila.

"Boss, a-anong na-nangyayari?!" Sambit ng buto't balat na may edad na lalaki habang nahihirapan itong huminga.

Ang iba ay halos maglupasay na sa sahig dulot ng nakakatakot na awrang inilalabas ng kanilang boss. Wala rin silang karapatang sambitin ng dorekta ang pangalan nito ayon na rin sa batas at kulturang sinusunod ng mga ito.

Agad namang pinawala ng binatang lalaki ang kaniyang mabigat na aura na siyang nagpahirap sa mga tauhan niyang huminga.

"Paumanhin ngunit nakaramdam ako ng ibayong panganib sa lugar na iyon. Nakumpirma ko na may dalawang enerhiyang nagsalpukan at nalaman kong siya ang isang iyon!" Seryosong sambit ng binatang ito habNg mabilis nitong nilampasan ang kaniyang tauhan habang mabilis itong pumunta sa direksyon ng pinangyarihan.

"Naku naman oh, parang di tayo nasanay sa ugali ng batang iyon. Pero naiintindihan ko rin kong bakit ganon na lamang ang reaksyon ng ating boss."

"Sa wakas ay natagpuan rin natin ang lugar ng bastardong iyon. Halatang gusto ng umuwi ng ating boss sa ating lugar kung saan siya talaga nabibilang."

"Nakakabilib talaga ang boss natin. Tsaka hindi lang ikaw ang nakakaunawa sa kanya maging kami ay nauunawaan rin namin ang pinagdadaanan nito at grabe ang mga presyur na nakaatang sa balikat nito."

"Huwag na kayong magchismisan diyan at sundan na natin ang ating boss. Kahit kailan talaga ang kukupad niyo porket mabait ang boss natin ay sinasamantala na natin ang panahong ito. O siya, bahala kayo diyan." Sambit ng may edad na lalaki habang mabilis itong pumunta sa direksyong tinahak ng kanilang boss.

Wala ring nagawa ang iba at mabilis na sumunod ang mga ito. Medyo natamaan sola sa sinabi ng kasamahan nila. Mas inuuna pa nila ang makipagkwentuhan at magchismisan kaysa tukungan ang kanilang boss kaya pakiramdam nila ay parang pabigat sila rito. Sa katunayan ay likas na mabait at maawain ang kanilang boss kaya nga hindi nila magawang magalit rito o kahit sinuman sa binatang napakabait at napakabusilak na puso.

...

Mabilis na nakarating ang binatang nakagintong roba sa kaniyang patutunguhan kung saan ay nakita niya ng malinaw ang lugar kung saan ay msy kakaibang nangyayari rito.

"Hindi ko aakalaing andito pa sa Canyon na ito piniling magpakita ng suwail na anak na iyon tsk...!" Pagpapalatak nito sa kaniyang isipan lamang habang pinili nitong maglakad papunta sa malapitang bahagi ng Canyon. Kailangan niya pa kasing libutin bago siya makarating sa mismong bukana ng Canyon na ito.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng humahalakhak mula sa isang hindi pamilyar na boses na animo'y nawawalan ng bait. Wala itong tigil sa paghalakhak na siyang nakaramdam ng kuryusidad ang binatang nakagintong roba. Medyo masukal kasi ang parteng ito at idagdag pang medyo  may kalakihan din ang Canyon na ito na nalimutan nito ang pangalan dahil hindi naman siya ignorante sa ganitong lugar dahil marami na siyang napuntahang katulad nito.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay narating na nito ang eksaktong lugar na kinaroroonan mismo ng lalaking humahalakhak at ang nakarobang lalaking kilalang-kilala niya kahit na balot na balot ang katawan at pagmumukha nito ng tela.

"Ipapalasap ko sa'yo ang agarang kamatayan kaya mamatay ka na!!!!" Sambit ng nakarobang itim habang ang kanang kamay nito ay makikita ang itim na enerhiyang inilalabas nito na sobrang nakakakilabot.

Agad namang lumitaw ang lalaking nakagintong roba habang mabilis nitong hinawakan ang kamay ng nakarobang itim at mabilis na ibinalibag ang kamay nito patalikod sabay ng paglagay nito ng isang kulay berdeng tali.

"Kai?! Anong ginagawa mo dito?! Kalagan mo ko!!!!!" Nanggagalaiting sambit ng nakaitim na roba habang tiningnan niya ito ng masakit. Hindi niya kasi lubos maisip na nahuli siya ng ganon-ganon lamang ng lalaking nasa likuran niya mismo.

"PAAAHHHHHHHH!!!!"

Itinulak sa gilid ng nakagintong roba na naggnangalang Kai ang nakarobang itim habang mabilis niya itong inismiran.

Defying The Gate Of Rules: Chaotic Central Region [Volume 4]Where stories live. Discover now