Chapter 20

43 6 0
                                    

"Totoo ba ito Van Grego?! Na-napakarami ni-nito para sa l-lahat ng Soaring Light Sect?!" Sambit ni Sect Master Soaring Light. Hindi siya makapaniwala na ang sampong Mystical Interspatial Sack ay pagmamay-ari niya pero higit pa doon ay ang mga laman nito.

"Opo Master, tsaka kung mayroong sobra ay alamin ireserba niyo nalang po para sa susunod na mga disipulo. Kung mayroon na ang bawat isa sa kanila na mga Martial Spirits ay lalakas ang pwersa ng Soaring Light Sect nang sa ganon ay maprotektahan niyo ang teritoryo ng mga Human Sect sa kontinenteng ito maging ang mga maliliit na mga bayan rito. Tsaka para na rin mapanatag ang loob namin na hindi kayo mapapahamak kapag nagtungo na ko papunta sa Central Region." Sambit ni Van Grego habang may lungkot sa boses nito pero bigla na lamang siyang ngumiti. Hindi niya aakalaing parang kelan lang ay isa lamang siyang paslit na nagmula rito sa kontinenteng ito tapos ay ngayon na nagbibinata na siya ay saka siya nangangailangan ng umalis rito upang magpalakas pang muli at mabuhay sa mas komplikadong lugar at napakalawak na lugar. Sa mga nabasa niya ay alam niyang ang maunlad na pamumuhay ng Central Region ay hindi nangangahulugan na buhay prinsipe ka na roon dahil kung gaano ang ikinaunlad nito ay mas grabe naman ang kompetisyong nangyayari roon.

"Hindi ko aakalaing may ginintuang puso ka Van Grego. Hindi ka nagdadalawang isip na tulungan kami pero kami o maging ako ay wala akong nagawang malaking tulong sa'yo." Sambit ni Sect Master Soaring Light habang makikita ang labis niyang saya ngunit may halong pagkahiya.

"Ano ka ba Sect Master, hindi niyo ba alam na dahil sa Soaring Light Sect ay nakakaiwas ako sa maraming gulo maging sa pagbili ng mga produkto ay palagi akong napa-prioritize lalo pa at nasa labas ako ng Sect. Hindi ito pagsisinungaling sapagkat  alam niyo naman siguro ang maliit na bayang aking pinamamalagian sa bandang may mga kabundukan maging ang ibang maliit na bayan na nasa pangangalaga ng mga lahi ng tao." Sambit ni Van Grego habang nakangiti. Totoo ang kaniyang sinasabi sapagkat kilalang-kilala si Sect Master Soaring Light maging ang Soaring Light Sect sa buong teritoryo ng mga tao. Napapadali nga ang kaniyang transaksyon sa pagbili ng kakailanganin niyang bagay o produkto sa kaniyang pagcucultivate sa pamamagitan lamang ng kaniyang Soaring Light Sect Badge.

"Ahaha... Hindi ko aakalaing doon ka namalagi sa mahigit tatlong taon. Kung hindi lang siguro malayo ang bayan na yun ay malamang ay naghanap kami roon sa iyo. Hindi ko gusto na halukayin ang personal mong layunin sa buhay pero naniniwala akong makakamit mo din ang mga bagay na gusto mong makamit. Sana lang ay wag kang magbago Van Grego." Sambit ni Sect Master Soaring Light. Sa nakikita niyang achievements at potensyal ni Van Grego ay malamang sa malamang ay hindi ito mananatili sa kontinenteng ito. Nalungkot siya at gumuho ang pangarap niyang si Van Grego ang magiging susunod na magiging pinuno ng Soaring Light Sect na hahalili sa kaniya. Nararamdaman niyang hindi lamang simpleng nilalang si Van Grego pero alam niyang kahit lumakas man ito ay lilingon pa rin ito sa kaniyang pinanggalingan at sa mga taong tumulong sa kaniya.

"Sayang man isipin ngunit ang binatang ito ay itinakdang lisanin ang lugar na ito. Hindi ko alam kung saan ang hangganan ng potensyal nito. Ramdam ko din ang kakaibang pagbabago sa katawan nito. Parang kay lalim ng balong pilit kong inaalam ang kailaliman nito." Sambit ni Sect Master Soaring Light habang sinusuri ang kabuuang anyo ni Van Grego maging ang lakas nito ngunit bigo siya. Tingin niya kasi ay mayroon malaking nagbago na hindi niya alam. Lahat naman ng nilalang ay mga itinatagong sikreto kaya tinigilan niya na lamang ang pagsusuri na kaniyang ginagawa.

...

Ilang oras din ang kanilang pag-uusap at mabilis ring nag-ayos ng mga kagamitang maaaring kakailanganin dahil hindi biro ang dadaanang lugar ni Van Grego upang makapunta sa Central Region. Napakalayo ng lugar na ito sa napakalaking kontinenteng ng Central Region kaya nga nag-utos si Sect Master Soaring Light ng mga bagay na maaaring dalhin ni Van Grego lalo na ang mga malalakas na armas.

Defying The Gate Of Rules: Chaotic Central Region [Volume 4]Where stories live. Discover now