Chapter 23

46 7 0
                                    

"Hindi ko aakalaing isa kang taksil sa lahi ng mga tao. Hindi ko lubos maisip na nagaw mong pagtaksilan ang lahing iyong pinagmulan!" Galit na sambit ni Van Grego habang makikita ang labis na inis aniya sa nakakubling nilalang na tao rin.

"Hahaha... Baki iisipin ko pa iyon. Hindi mo alam ang masalimuot na pinagdaan kong hirap para marating ko ang aking kasalukuyang lakas at katayuan kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan!" Sambit nig misteryosong nilalang habang may pait at pagkasuklam itong mahihimigan sa kaniyang tono ng pananalita.

"Kahit na... Kung hindi ako nagkakamali ay marami ka ng krimeng ginawa lalo na sa mga kalahi mong inosente at walang awa mong pinatay. Ganon ba ang gusto mong sabihin. Bakit ang nagpahirap at tumapak sa pagkatao mo ang parusahan mo at kitlan ng buhay?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang seryosong ekspresyon nito sa kaniyang pagmumukha.

Mistulang nagulat naman ang nilalang na nakakubli sa paligid habang makikita ang labis nitong pagtiim ng bagang nito.

"Madaling isipin pero mahirap gawin. Sa oras na maging malakas ako ay sisiguraduhin kong pagbabayarin ko sila ng malaki pero sa ngayon ay ikaw muna ang aking papaslangin hehehe!!!!" Sambit ng nilalang na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan nito.

Nagulat na lamang si Van Grego nang mabilis na lumitaw sa kaniyang harapan ang nakarobang itim na hindi pa kilala ang katauhan nito. Marahas nitong gustong hawakan sa leeg si Van Grego ngunit naging mabilis ang reflexes ng binata kung kaya't hindi siya nahablot nito.

"Masama ito!" Naaalarmang sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan dahil nakaramdam siya ng ibayong panganib mula rito. Hindi niya aakalaing bihasa na itong gumamit ng Martial Soul nito ngunit ang nakakabahala ay ang skill na nakuha nito sa Martial Spirit.

Mabilis na lumundag paatras si Van Grego bago pa siya mahawakan ng misteryosong nilalang. Ramdam nito ang kakaibang enerhiya mula sa kamay nito na animo'y napakaitim na enerhiyang nakapaloob rito.

"Napakapangahas naman ng iyong taktika sa pag-atake sa akin nilalang! Hindi ko aakalaing mayroon kang madumi estratehiya upang agaran mo akong mapaslang!" Naiinis na sambit ng binatang si Van Grego habang naka-fighting stance na siya sa kasalukuyan. Nagpapasalamat siya dahil mabilis ang reflexes niya kung hindi ay siguradong hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa oras na madampian lamang ng misteryoso nitong kapangyarihan.

"Hahaha... Kahit ano'ng sabihin mo binata ay alam mong nasa bingit ka na ng kamatayan. Sisiguraduhin kong ang estratehiya kong ito ang papatay sa'yo Hahahahaha!!!!" Malademonyong sambit ng misteryosong nilalang habang mabilis itong sumugod kay Van Grego.

Biglang lumabas ang nakakatakot na anyo ng isang itim na ibon sa likod nito kung saan ay nagulantang ang binatang si Van Grego. Hindi niya aakalaing makakakita siya ng ganitong klaseng Martial Spirit na noo'y sa libro niya lamang ito nakita.

"Black Raven Martial Soul?! Paanong?!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang kaniyang labis na pagtataka. Hindi niya aakalaing mayroong ganitong klaseng Martial Soul sa kontinenteng ito.

"Hahaha... Inutil na bata. Dahil mamamatay ka naman ay may sasabihin ako sayong isang sikreto.Para sabihin ko sayo ay hindi ako taga-dito. Ang Black Raven Tribe ay siguradong masasakop ang kontinenteng ito. Sa tulong na rin ng aking pinagtatrabahuang organisasyon ay siguradong magiging amin na ang buong Arnigon Continent hahahahah..." Sambit nito habang humahalakhak.

Mabilis nitong tinawid ang distansya ni Van Grego at doon ay mabilis niyang pinaulanan ng Kunai Knife ang binata.

"Whoosh! Whoosh! Whoosh!"

Tunog ng hindi mabilang na nagliliparang mga kunai knife. Kitang-kita kong paano hinahati ng nagtatalimang dulong parte nito ang hangin kung saan ay mabilis na tinawid ang distansyang  kinaroroonan ni Van Grego.

Patuloy lamang sa pagbato ng kunai knife ang misteryosong nilalang habang animo'y hindi ito nauubusan ng nasabing maliit na sandata.

Todo iwas naman si Van Grego. Hindi niya hinahayaang matamaan siya nito o makorner man lang.

"Bwiset! Pumalpak ang aking kalkulasyon kanina. Kung nagalusan ko lang siya kanina ay mabilis ko sana siyang mapipinsala ngayon. Sa larangan ng bilis at liksi ay halos kapantay lang kami ngunit sa larangan ng depensa ay siguradong matatalo ko siya!" Sambit ng misteryosong nilalang habang pilit nitong inaabot ang distansya ni Van Grego na iniiwasan ang kaniyang atake sa pamamagitan lamang ng pambihirang movement Technique na ngayon niyang lamang nakita.

"Peste kang bata ka!" Itong sa'yo!" Sambit ng misteryosong nilalang habang nanggagalaiti itong sinabi ang kaniyang gustong sabihin rito.

Biglang magkaroon ng kakaibang liwanag ang Black Raven Martial Soul ng misteryosong nilalang habang ang mga Kunai Knife na ibinabato nito ay napalitan ito ng itim na balahibo ng Black Raven.

"Isang Martial Soul Skill na kayang manifest ng bagay?! Hindi maaaari ito!!!!" Sambit ni Van Grego habang mabilis siyang lumihiz ng kaniyang direksyon. Alam na alam niya ang lakas ng isang skill kapag may kakayahan ang isang nilalang na i-conjure o i-transform ito. Dodoble ang attack power nito at mayroong special effects kagaya na lamang ng latigong gawa sa iba't-ibang klase ng apoy na natutunan at na-acquire ni Van Grego kung saan pinagsama-sama niya ito upang maging pansamantalang sandata niya sa labanan. Alam niya kung gaano kalakas ang kaniyang Fire Whip at ang paralyzing effects nito na siyang mabisa niyang sandata sa kaniyang mga labanan.

"Nagulat ka ba bata?! Tingnan natin kung masasalag mo pa ito hahahaha!" Sambit ng misteryosong nilalang nakarobang itim at mabilis nitong itinaas ang kaniyang kamay at lumakas ang itim na enerhiyang inilalabas ng sariling kamay nito.

"Hindi maaari ito, mataas ang kaniyang controlling ability kumpara sa akin!" Nahintatakutang sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili. Naalarma siya sa kakayahang meron ang nakarobang itim. Nakita na lamang ni Van Grego na sumusunod sa kaniyang likuran ang nagbibilisan at nagtatalimang balahibo ng Black Raven. Alam niyang isang manifestation ito at hinahabol siya nito.

Mas binilisan ni Van Grego ang kaniyang pagtakbo sa pamamagitan ng pag-activate niya sa limitasyon ng kaniyang Fiery Hawk Movement Technique kung saan ay biglang nagkaroon ng nag-uumapaw na bilis si Van Grego.

Paanong?! Hmmmp! Tingin mo ay makakatakas ka sa bagsik ng aking atake?! Hahaha inutil!!!!!" Sambit ng misteryosong nilalang habang mas lumakas pa ang enerhiyang inilalabas ng kaniyang kanang kamay. Animo'y mayroong itim na blackhole ang kamay nito na mayroong itim na enerhiyang papaikot rito.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang tumigil si Van Grego. Nakita nito kung gaano mas bumilis ang mga balahibo ng Black Raven na siyang nasa katauhan ng mga nakakamatay na Kunai Knife. Hindi niya aakalaing darating ang panahon na mayroong nilalang na lahing tao na makakalaban niya sa aspeto ng manifestation ngunit kaibahan lamang ay mas malakas ng hindi hamak ang kaniyang kalaban kung saan ay masasabi niyang wala siyang takas rito.

Defying The Gate Of Rules: Chaotic Central Region [Volume 4]Where stories live. Discover now