Chapter 24

46 7 0
                                    

Mabilis na rumaragasa ang Fire energies sa katawan ni Van Grego ang lumabas sa katawan niya sa isang kisap-mata na animo'y nag-uumapaw ang nagbabagang apoy sa kaniyang katawan. Mabilis na gumawa si Van Grego ng isang pabilog na bagay kung saan ay nagkaroon ito ng porma at disenyo na lubos na nakakamangha pagmasdan.

"Hahahaha... Nakakamanghang tunay ang iyong ginawa Van Grego. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng kagaya kong may kakayahan sa pagmanifest ng bagay-bagay pero makakaya mo kayang pigilan ang aking atake?! Isang kang mang-mang at basurang nilalang!!!!" Sambit ng misteryosong nilalang sa mapang-uyam na tono ng pananalita nito. Mahihimigan ang pangmamaliit at pagkasuklam nito sa binatang si Van Grego. Halatang hindi nito ikinokonsidera si Van Grego na kalebel o kakompetensya niya. Ang tingin niya sa binatang ito ay isang insektong kayang-kaya niyang pisain anumang oras niya gawin.

Sa isang sandali ay mabilis na tumama ang Black Raven Feather sa Fire Shield na ginawa ni Van Grego kung saan ay bigla na lamang namuo ang pagkabitak-bitak ng Fire Shield ni Van Grego.

"BOOGSHHHH!!!!"

Napatilapon si Van Grego sa hindi kalayuan. Hindi kasi nito inaasahang malakas ang namuong impact ng biglaang pagsabog ng kaniyang Fire Shield maging ng Black Raven Feather na conjuration ng misteryosong nilalang.

"Magaling, magaling, magaling...Hindi ko aakalaing nakayanan mong pigilan ang aking paunang atake. Ang isang katulad mong isang basurang Peak Martial Emperor Realm ay lumalaban pa sa katulad kong isang 5-Star Martial Ancestor Realm hahaha... Kapag basura talaga ay dapat ng paslangin sa mundong ito!" Sambit ng misteryosong nilalang na nakaitim na roba na kung saan ay bigla nitong naisip na gumawa ng panibagong mga atake.

Bigla na lamang lumitaw sa kamay nito ang  limang Kunai Knife at mabilis nitong pinatamasa direksyong kinaroroonan ni Van Grego na kasalukuyan pang inaayos ang kaniyang sarili sa kaniyang pagtilapon.

Bigla na lamang naging balahibong muli ng Black Raven ang mga kunai knife ngunit sa puntong ito ay mas nakakakilabot ang enerhiyang inilalabas ng nasabing bagay. Parang hindi lamang kasi ito simpleng pagmanifest o pagconjure dahil ang enerhiyang inilalabas nito ay sobrang nakakatakot at ang outline ng mga balahibo ay sobrang reyalistiko.

"Hindi ko aakalaing balak talaga akong tapusin ng Martial Ancestor Realm Expert na ito. Kahit ano'ng gawin ko ay tiyak na hahabulin niya ako kahit saan ako magpunta. Ano ang aking gagawin upang hindi ako mapaslang nito?!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili. Nagtatalo ang kaniyang isipan sa mga bagay-bagay na kaniyang naiisip upang solusyunan ang kaniyang problema. Halata niya rin at lubos siyang namamangha sa taglay na abilidad ng Martial Soul ng kaniyang kalaban na isang Black Raven. Isa pa ay mayroon na itong Martial Spirit kung saan ay nasa porma ito ng bead na kulay pula.

"Paano ko ito lalabanan kung alam kong sa oras pa lamang na ito ay alam kong talo na ako. Mataas na ang kaniyang lebel ng Cultivation at mayroon na rin siyang Soul Bead. Isa pa lamang na Skill sa kaniyang Martial Soul Technique ang nagagamit nito." Nababahalang sambit ni Van Grego habang tila nag-iisip siya ng paraan.

Kitang-kita niya kasi ang isang linyang kulay pula n mabilis na umiikot rito tanda na tuluyan na nitong na-absorb ang Martial Spirit. Hindi lamang nito napapalakas ang kaniyang Martial Soul sa lahat ng aspeto maging ang cultivator na ito ay mapapalakas nito sa ibang aspeto. Kumpara sa kaniya, ay wala pa nga siyang Martial Spirit at mas lalong wala pa siyang lamang sa kaniyang kalaban na isang boundary ang agwat niya rito.

Nakita ni Van Grego na animo'y sumasayaw sa hangin ang mga Kunai Knife na animo'y may sarili itong ritmo. Napakalakas ng awrang inilalabas nito maging ang talim nito ay hindi basta-basta.

Hinanda ni Van Grego ang kaniyang sarili at muling gumawa ng mga Fire Shield. Kinontrol at Pinabulusok kasi ng misteryosong nilalang ang isang Kunai Knife sa kaniyang direksyon kung saan ay naalarma si Van Grego dahil dito.

"Tiknan natin kung hanggang saan ka basurang nilalang!!!!" Nanggagalaiting sambit ng misteryosong nilalang habang nakatingin ng masakit kay Van Grego.

"PENG!"

Napaatras si Van Grego ng mabilis nang sumabog ang kaniyang Fire Shield ng tamaan ito ng unang kunai knife. Mabuti na lamang at naibalanse niyang mabuti ang kaniyang sarili kung hindi ay baka tumilapon naman siya sa malayo. Ngunit nagtamo ng sugat si Van sa kanyang bibig dahil dumaplis sa kaniya ang enerhiyang mula sa balahibo ng Black Raven.

"Matibay ka talaga ha, pwes tikman mo itong pangalawa kong atake hahahaa!!!!!" Paasik na sambit ng misteryosong nilalang habang mabilis nitong pinabulusok ang pangalawang kunai knife.

"PENNNGGGG!!!"

Isang malakas na pagbulusok ng Balahibo ng Black Raven ang ipinatama mismo ng misteryosong nilalang papunta mismo sa Fire Shield ng binatang si Van Grego.

"PAAHHH!" ikinabuwal ni Van Grego ang nasabing atake ng bigla namang nahagip siya ng impact nito. Nasugatan ang tuhod nito at makikita ang masaganang agos nito sa robang suot ni Van Grego lalo pa't kulay asul ito. Ang kaninang malinis na kulay asul roba ay nagmukhang pinaghalong brown, itim at kulay pulang na disenyo ngunit nasa pinakapangit na paraan. May sunog rin ito ng konti lalo na sa laylayan nito.

"Kung ako sa'yo bata ay sumuko ka na lamang! Magpakalayo-layo ka o tumago ka na lamang. Hindi bagay sa'yo ang mapalapit sa mga tao at hindi ka nababagay sa Central Region kasi mahina ka at napakawalang kwenta mo!" Malademonyong sambit ng misteryosong nilalang habang mahahalata na nakangisi ito.

Pinagpag naman ni Van Grego ang kaniyang suot na roba na sobrang dumi na. Mabilis siyang tumayo habang ininda ang mga sugat na kanyang natamo sa ngayon. Pilit niyang hindi ipakita na nasasaktan siya sa sinabi nito. Bumalik ang alaala na ibinaon niya sa limot. Kung noon ay nasasaktan siya sa mga taong nanankit ng damdamin niya o ang pagsalitaan siya ng masama ngunit ngayon ay parang tikom ang bibig niya.

Bigla na lamang humalakhak ng malakas si Van Grego habang may muntik patak ng luha ang kaniyang mata.

"Hahahahahahahaha... Hahahahaha... Hahahahahaha...!!!"

Malakas at mahabang tawa lamang ang biglang umalingawngaw mula sa bibig ng binatang si Van Grego habang halos mamamatay ito sa kakatawa.

"Inutil!!!!! Ano'ng tinatawa-tawa mo diyan?! May nakakatawa ba sa aking sinabi huh?!" Nanggagalaiting wika ng misteryosong nilalang habang mabilis nitong kinontrol ang tatlong kunai knife na nasa anyo ngayon ng Balahibo ng Black Raven. Mabilis nitong pinaikot-ikot sa ere habang mabilis nitong pinatama sa direksyon ng binatang si Van Grego na ngayon ay tawang-tawa pa rin na animo'y hindi ito titigil sa kakatawa.

Ilang segundo lamang ang lumipas at ilang dangkal na lamang ang agwat nito sa kinaroroonan ni Van Grego at maya-maya pa ay tumama ito.

BOOOOGGGGSHHHHHHH!!!

Sumabog ng malakas ang lugar na kinaroroonan ng binatang si Van Grego na siyang umalingawngaw sa kapaligiran. Malakas na tumalsik ang mga lupa sa napakarahas na paraan kung saan ay nabalutan ito ng napaka-kapal na usok.

Nang mawala ang usok ay tumambad sa paningin ng misteryosong nilalang ang napakalalim na hukay dulot ng kaniyang atake ngunit ang labis na kaniyang ikinagulat ay ang nakatayo pa ring binatang si Van Grego habang nakataas ang kaliwang kamay sa ere habang mayroong tangkas-tangkas ng hindi mabilang na Fire Shield. Sira-sira ang mga damit nito at napakaraming sugat ang tinamo nito sa katawan ngunit nakangiti pa rin ito at malakas na humahalakhak.

"Hahahahaha... Hahahahaha... Hahahahaha... Hahahaha...!!!!"

Umalingawngaw ng malakas ang boses ni Van Grego na walang tigil pa rin sa paghahalakhak ngunit kapansin-pansin na mayroong kakaibang nangyayari sa katawan ng binatang si Van Grego na soyang nakaramdam ng pangamba ang misteryosong nilalang.

"Huh?! Paanong nangyari ito?! Anong klaseng enerhiya ang nakapalibot sa binatang ito?!" Sambit nito habang gulong-gulo ang isip. Hindi niya mawari kung bakit ganito ang nangyayari sa binata. Nag-aagaw na ang liwanag at gabi at habang kinakain ng kadiliman ng mundo ang liwanag ng araw ay siya namang paglakas ng ibayong panganib na kaniyang nararamdaman.

Defying The Gate Of Rules: Chaotic Central Region [Volume 4]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora