Chapter 1

162 9 1
                                    


Maraming nawasak na mga establishments at mga gusali ang iba't ibang lahi ng mga Hybrids. Masyadong mabilis ang pangyayari kung kaya't waalng nagawa ang mga ito nang biglang lusubin sila ng napakalaking halimaw na sobrang dambuhala at mapangwasak na walang iba kundi ang Primal Golden Apes. Halos naging mistulang Ground Ruins ang mga lugar na sakop ng mga Hybrids.

Ang mga hybrid Cultivators lalo na ang mga pami-pamilya ay nagsilikas na hindi alam ang gagawin. Hindi rin maiiwasan na maraming nangamatay at nangapinsala dahil sa hagupit ng Primal Golden Apes sa iba't ibang lugar. Idagdag mo pa ang mga misteryosong nakabalabal na itim na mga nilalang na animo'y isang God of Death. Mabilis nitong pinaslang ang mga masasamang nilalang kagaya ng mga kriminal na Hybrids at ang mga mapanlinlang na mga Human Demons. Hindi rin nakaligtas ang mga Commander nito dahil brutal silang pinatay ng mga Undead Cultivators sa mabilisang paraan. Hindi ang mga ito nagpakita ng awa sa mga kriminal dahil alam nilang hindi na ang mga ito magbabago. Kung hahayaan silang gumala ay siguradong madami pa silang papaslangin at kikitilan ng inosenteng buhay. Isa itong utos mula sa nagbigay ng buhay sa kanila upang mabuhay muli kaya ano pa ang maaari nilang gawin kundi sundin ito. Kailangan rin ng oras ng batang si Van Grego at ang mga Beast Horde na tinawag nito ay madali lamang pinaslang ng mga Hybrids sa pinagsama na lakas ng mga ito ngunit nakapinsala rin ito ng malaki lalo pa at marami rin ang mga sundalo ng mga Hybrid Sect pero ang maliliit na grupo ng mga angkan ng Hybrids ay mabilis na nabura sa mapa na parang bula. Sa dami ba naman ng bilang ng mga martial beast sa isang malawakang beast horde ay siguradong hindi maipagkakailang sobrang mapaminsala nito. Ang pinakamasakit ay walang naging survivors ang mga ito.

Ngunit kaibahan naman ang nangyayari sa Vampiric Bat Powerhouse na itinuturing na pinakamalakas na pwersa ng mga Hybrid Sect. Hindi na ito pangkaraniwang Sect at medyo mataas ang antas ng Powerhouse kaysa sa Sect. Maituturing nga na nasa above Average ito kumpara sa mga Sect halimbawa na rito ay ang Soaring Light Sect na mabibilang sa Human Sect.

Mistulang nakakapangingilabot ang eksenang masasaksihan ngayon sa labas ng teritoryo ng Vampiric Bat Powerhouse. Maraming mga patay na mga Martial Beasts ang nakakalat sa mga paligid. Masyadong kakaiba kasi ang naging inaasahan ni Van Grego na resulta ng kaniyang pagtawag ng mga Martial Beast dahil agaran naman itong napuksa ng Vampiric Bat Powerhouse dahil maraming mga eksperto ng lahi ng Vampiric bat ang nagtulong-tulong upang mabilis itong mapuksa ngunit may mangilan-ngilan ay napaslang sa mga ito dahil sa matinding sagupaan nila sa mga Martial Beasts.  Nagmistulang ground burial ito ng napakaraming Beasts.

Magsasaya nga sana sila ngunit hindi nila alam na may nauna na palang mga hindi inaasahang bisitang mabilis silang pinaslang. Akala nila ay wala na silang kalaban pero nagtatago lang pala ang mga ito.

Bilang lider ng Undead Cultivators na si Nimbus, hindi siya nagpapadalos-dalos ng desisyon dahil inaasahan siya ng kanilang Master na magiging matagumpay ito. Sa katunayan ay unang misyon nila ito at isang training session kung makakaya nilang labanan ang mga nilalang na naririto sa rehiyong ito, tsaka nalaman niya sa kapwa niya Undead cultivators na mayroong mga Human Demon sa kontinenteng ito. Sigurado siyang nagmula ang mga sa North Demonic Region. Isa itong ancient Hybrids na gustong sumakop noong unang panahon sa buong rehiyon lalo na sa Central Region ngunit dahil sa pamamaraang ginawa ng mga lahing tao na namumuno o nagdodomina ng Central Region ay napigilan nila ang pag-infiltrate ng mga Human Demon kaya lubos na nanghina ang ancient race na hybrid na ito dahil sa pagkamatay ng kanilang pinuno at mga tagapagmana ng lusubin rin nito ang North Demonic Region na teritoryo na nito noon pa ng Human Demon. Kung titingnan mong maigi ay parang normal lamang sila na tao ngunit kapag nagutom ang mga ito ay nangangain sila ng mga tao bilang suplay na rin sa kanilang gutom at cultivation kumpara sa mga Hybrid ng Western Region ay parang tao lamang sila ngunit hindi sila pumapatay para sa kanilang cultivation ngunit ang iba'y lumalabag rito at tinatahak ang Demonic Cultivation Path. Kaya nga maaari silang paslangin.

Defying The Gate Of Rules: Chaotic Central Region [Volume 4]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن