Chapter 10

59 6 0
                                    

"Oo na kasalanan ko na... Masaya ka na?!" Sarkastikong sambit ni Lily Ciro habang makikitaan ng pait sa tono ng boses nito. Halatang hindi niya gustong sabihin ito pero yun naman talaga gustong ipamukha sa kaniya ng manyak at hambog na si Biyu Narxuz. Kaya ayaw na ayaw niya itong kasama palagi dahil pakiramdam niya kasi ay pinagtutulungan siya ng dalawang kolokoy na to lalo na ng kapatid niya. Sa tingin niya ay may sa demonyo ang kaniyang kapatid na nag-anyong tao lang at amo nito ang balasubas na Biyu Narxuz na to.

"Hmmp! May araw rin kayo sakin dalawang demonyo kayo hmmp!" Tanging nasambit lamang ni Lily Ciro sa kaniyang isipan habang kinikimkim niya lang ang sobrang inis at galit sa mga ito. Tiningnan niya ng masakit ang dambuhalang Titan Frost Boa.

Napatahimik na lamang si Biyu Narxuz sa isang tabi at mabilis nitong inilabas ang kaniyang malaking espadang kulay itim na nakasabit sa kaniyang likuran.

"Hahaha... Akala ko eh gagawin mo lang display yang espada mong yan eh... Ang tanong, kaya mo bang mapaslang yang Titan Frost Boa na yan?!" Sambit ni Lily Ciro habang naniningkit ang pares na mata nito na tiningnan si Biyu Narxuz.

"Minamaliit mo ba ko Binibining Lily?! Hindi mo nga mapapatumba ang halimaw na Titan Frost Boa ay ako naman ata ang pagtitripan mo ngayon?!" Sambit ni Biyu Narxuz sa kalmadong boses. Halatang gusto niyang galitin o inisin ang dalaga.

Hindi nga siya nagkamali at mabilis na yumukot at bumusangot ang mukha ni Lily Ciro.

"Ikaw... Hmmp! Sa tono ng pagsasalita mo ay parang confident ka ata na mapapaslang mo ang dambuhalang halimaw na to noh hahahaha nakakatawa ka!" Sambit ni Lily Ciro habang makikita ang pagkasarkastiko sa boses nito. Hindi siya naniniwalang makakaya ito ng hambog at manyak na si Biyu Narxuz. Kumukulo talaga dugo niya rito dahil kahit anong pang-iinsulto at pang-iinis ang gawin niya rito ay parang wala lang sa binatang si Biyu Narxuz ang mga masasakit na salita nito bagkus ay siya pa ang mas lalong naiinis rito. Naniniwala siyang maiinis niya rin ito at magtatagumpay siya balang-araw.

...

Sa kabilang parte ng masukal na kagubatang sakop ng Twin Black Mountains ay piniling dito pumunta ng binatang si Van Grego. Sa edad niyang ito ay nasanay na siya at komportable siya sa masusukal na gubat at karaniwang makikita niya sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Marami na siyang napaslang na mga mababangis na Martial Beasts sa parteng ito na maaabot sa isang daan ang bang ng mga ito ngunit alam niyang kukulangin pa rin ito. Gusto niya sanang makahanap ng malalakas na mga Demonic Beasts na karaniwang nag-iisa lamang ang mga ito at bihira lang mahanap. Marami siyang napaslang na Demonic Beasts kaso lamang ay nasa Martial Lord Realm pababa pero hindi naman kasi basehan ang rank nito pero sa kalidad ng bloodline ng Martial Spirits. Yun nga ang problema dahil wala siyang mahanap na malalakas na Martial Beasts na mayroong malakas na bloodline ng uri ng mga Demonic Beasts. Kung ganito lamang ay paano ang mga kinatawan ng mga Human Sect maging ang tagaprotekta o protektor nito?! Kung sakaling lusubin sila ng malalakas na mga pwersa ng kalaban ay siguradong hindi tatagal ang kontinenteng ito lalo pa't nalaman niyang open boarder pala ang kontinenteng ito at may mga puwersa mula sa labas ng isla na malaking banta para sa mga nilalang na naririto halimbawa na lamang ay ang mga piratang naninirahan sa karagatan. Para manirahan sa ibabaw ng  karagatan na walang lupang tinatapakan kundi purong tubig ay masasabing isang nakakatakot at nakakamangha na pangyayaring hindi lubos na maisip ng ilan. Kung sinuman ang makakapanirahan rito ay hindi basta-bastang nilalang lamang at masaaabi niyang hindi pangkaraniwang mga grupo ng tao ito ngunit wala itong sinusunod na batas ng iba kundi ang pansarili lamang nilang layunin ito.

Nalaman niya rin noon lamang na mayroong mga Water Tribe rito pero ang kilos ng mga ito ay patago at hindi nakikihalubilo sa sinuman liban na lamang sa mga piling mga nilalang at  lalong-lalo na ang malalakas na mga nilalang na kasundo ng mga ito. Liban rito ay wala ng sinuman ang nanghihimasok sa mga ito dahil kung mangyari man ito ay siguradong papaslangin ka ng mga ito ng walang alinlangan. Halos masasama ang mga ito alinsunod na rin sa kanilang masamang kapaligiran at maguling sistema ng pamumuhay rito, magulo at mapanganib.

Defying The Gate Of Rules: Chaotic Central Region [Volume 4]Where stories live. Discover now