Chapter 12

49 6 0
                                    

Mabilis na umiwas si Van Grego mula sa matinding panganib dulot nang tangkain siyang kagatin ng buo ng nasabing halimaw.

Mula sa matatalas nitong ngipin ng mabagsik na Spike Worm.

Ang Spike Worm ay isang uri ng Martial Beasts na mabibilang sa mga delikadong at mapamuksang mga uod. Isa silang carnivorous beasts at isa rin silang mud eaters. Hindi aakalain ni Van Grego na masasagupa niya ang ganitong klaseng uod. Matatawag na isang Four Armed Worm Eater ito sapagkat hindi sila gumagapang bagkus ay tumatakbo dahil mayroon silang apat na paa maging ang kanilang dila ay mahahaba at mayroong mga tinik-tinik sa paligid nito. Balot rin ang katawan ng halimaw na ito silver metals kung saan ay nagsisilbing proteksyon o panangga ito mula sa kanilang kaaway. Sa katagalan kasi ay nagpoproduce ang sariling katawan nito ng mettallic silk kagaya ng tanso, pilak o ginto. Iyon lamang ang alam niya patungkol sa halimaw na ito.

Halata rin na gutom na gutom at takam na takam ang halimaw sa kaniya na animo'y isa siyang pirasong karne na pinaglalaruan muna ng nasabing halimaw bago kainin dahil naglalaway pa ito kani-kanina pa. Hindi niya papayagang mangyari ito sapagkat hindi gusto ng binatang si Van Grego na dito siya mamamatay. Lalaban at lalaban siya para sa kaniyang sariling buhay.

"Grrrrrr!!!!!!!"

Isang malakas na tunog ng Spike Worm ang biglang umalingawngaw sa ikalawang palapag na ito. Nagpadyak-padyak pa ito ng mga paa nito na mayroong mga matatalim na mga kuko.

Maya-maya pa ay sumugod ito kay Van Grego  habang mabilis itong tumakbo at tumalon sa parte ni Van Grego habang nakabukas ang mga nagtatalimang mga kuko papunta sa kinaroroonan ni Van Grego direkta sa bahagi  ng puso nito.

Hindi hinayaan ni Van Grego na matamaan siya ng halimaw sa pamamagitan ng pagugulong at mabilis na nagback-flip upang dumistansya.

Sobrang napakaagresibo at napakaliksi ng halimaw na Spike Worm na ito sapagkat hindi mabigat ang katawan ng mga ito sapagkat wala silang mga buto na siyang madali lamang sa kanila ang gumalaw dahil likas na flexible ang katawan nito. Kapag lumakas at lumaki ito ng tuluyan ay siguradong mababalot ang katawan nito ng silver plates na siyang nagsisilbing armor or panangga nila laban sa kanilang mga kalaban maging sa kanilang mabibiktima.

Dahil na rin sa napakanipis ng Heaven and Earth Qi dito ay walang dudang nagpapahina ito sa development ng halimaw. Kung siguro ay mayaman ang lugar ng ito sa enerhiya ay malamang ay nasa diamond plate na ang balat nito ngunit siguro ay may layunin ang ganitong paggawa ng Giant Pagoda na ito. Pero hindi maipagkakailang kayang dumikit ng halimaw sa pader gamit ang sticky substance na nasa katawan nito kagaya ng mga uod na siyang ikinakabahala niya.

Agad na inilabas ni Van Grego ang kanyang kakaibang latigo na gawa sa kaniyang Alchemy Sacred Fire. Hindi maipagkakailang sobrang iba na ito kumpara sa dati dahil makikita na sa mata ang pagiging marahas ng kulay Silvery white na apoy na halos maging kulay abo na. Liban rito ay marami na siyang kayang gawin sa kanyang Alchemy Sacred Fire.

Ang kaniyang Alchemy Sacred Fire ay nahahanay sa Isang libong listahan ng malalakas na Alchemy Sacred Fire na natural-borned alchemy ng mundong ito. Ngunit sa kasalukuyan ay wala siyang nahahanap na pwedeng i-compliment sa kaniyang apoy dahil ang kulay ng apoy na kailangan niya ay dapat na kakulay ng apoy nito  o halos magkapareho lamang ang fire origin ng mga ito. Nalaman niyang ang kaniyang apoy na taglay ay Luminous Silver Burning Sun na siyang pinaka-rare sa lahat ng Alchemy Sacred Fire. Pinaniniwalaang makikita lamang ang apoy na ito sa isang napakainit na lugar kung saan nagkaroon ng mutations ang apoy. Ang taong mayroong taglay ng ganitong klaseng apoy ay hindi kailanman magiging napakalakas na alchemist dahil napakaimposibleng makahanap ng ganitong klaseng apoy na hindi sila sumasabak sa anumang klaseng panganib pero walang nakatala kung saan ito matatagpuan. Ang taong may Luminous Silver Burning Sun kagaya niya ay si Martial God Agustus na nakatala sa libro ng kasaysayan pagmamay-ari ngayon ni Van Grego ngunit ang nakakalungkot na balita ay hindi na matatagpuan kung saan man ito ngayon, kung buhay pa ba ito o patay na. Kung nakahanap ito ng angkop na apoy upang palakasin ang Alchemy Sacred Fire nito ay malamang sa malamang ay pinaniniwalaang kayang-kaya na nitong gawing abo ang sinumang matamaan ng apoy nito maging ang kagubatan ay masusunog sa sobrang init ng apoy na ito.

Kumpara sa ordinaryong Alchemy Fire ay lubhang mahirap makahanap ng apoy na katulad ng sa kanya. Magkagayun man ay nahasa niya ito sa nakakatakot na degree kung saan ay kaya niya itong i-weild sa iba't-ibang sandata kaya hanggang ngayon ay wala siyang mahanap na angkop na sandatang kayang suplementuhan ang kanyang combat skills maging ang kanyang panlasa sa paggamit ng iba't-ibang sandata.

Lubos niya ring pinagkakaabalahan ang kaniyang forging techniques. Dahil sa accumulations niya sa memorya ni Master Vulcarian ay naging madali na rin sa kanya ang mga pagsasanay na ginawa niya rito ngunit ang kaniyang talento at uri ng paggawa ay nasa Beginner Stage pa lamang, maituturing lamang siyang low-class forger. Kaya nga isang respetadong propesyon ang forging kasi hindi lamang sila basta-basta lamang gumagawa o nagpo-forge ng mga uri ng gma metal kundi ay mas pinalalakas pa nito ang kaniyang pisikal na katawan, pagsasaayos ng daloy ng enerhiya sa kanilang Qi channels at acupoints maging ang pagpapakalma ng kaniyang isipan laban sa mga anumang disturabances, mga illusions at iba pa. Pinaniniwalaang sila ang tunay na mga mandirigma ng kasaysayan. Ang mga forger kahit ang mga ordinaryong forger ay mayroong mga solidong Cultivation base kumpara sa iba. Ang kanilang mga gawa mismo ay nagmimistulang ekstrang kamay para sa kanila. Dito ay mailalabas nila ang kanilang totoo o isang daang porsyento ng combat skills. Mistulang isa silang wargod at invincible sa mga uri ng labanan o digmaan. Kaya sino ang pwedeng mag-insulto sa kanila? Kahit nga si Van Grego ay malaki anv respeto sa propesyon sa larangan ng forging.

...

Napangisi na lamang si Van Grego nang muli na naman siyang sinugod ng gutom na gutom na Spike Worm kung saan ay sinubukan naman siya nitong talunan ng mataas.

"Ang lakas ng loob mo halimaw na kainin ako. Tikman mo to!"

< Sacred Fire Skill: Fire Blazing Whip!>

Agad na pinaghahampas ni Van Grego ng kaniyang latigo ang halimaw ngunit napakaliksi ng Spike Worm kung saan ay animo'y alam na nito kung paano iwasan ang mga atake niya.

Whoop! Whoop! Whoop!

Tunog ng latigo habang tumatama sa lapag. Kahit na ano'ng gawin niya ay masyado itong flexible.

"Hindi ko alam na napakatalino na ng halimaw na ito. Sa palagay ko ay nasa Martial Chief Realm ngunit dahil na sa mapamuksang bilis at pagiging flexible nito maging ang isang daang porsyentong pamilyaridad nito sa pangalawang palapag ay nasa advantages ito kaya kailangan kong tibagin ang mga lamang ng halimaw na Spike Worm sa akin!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang inaatake niya pa rin ang halimaw. Sa larangan ng flexibility ay talagang kilala ang Spike Worm rito maging ang silver plates na nasa katawan nito ay lubhang makakatulong sa kabuuang lakas at depensa ng halimaw na ito. Ngunit dahil mas malakas siya o mas mataas ang Cultivation Level niya rito ay kayang-kaya niyang sabayan ang galaw nito.

Agad na pinalitan ni Van Grego ang kaniyang sariling sandatang latigo sa isang pakurbang bagay na walang iba kundi isang bow o pana.

Agad na nag-materialize ang kanyang sandatang pana. Gawa ito sa purong Alchemy Sacred Fire. Isa itong creation skill na natutunan niya sa larangan ng apoy maging ang pinagsamang kaalaman  niya sa konsepto ng apoy.

"Tikman mo to halimaw... Holy Bomb Arrows!"

Nagliwanag ang medyo kalakihang pana at lumabas ang limang mga nagbabagang puting apoy na palaso. Ang enerhiyang gawa rito ay concentrated kung saan ay naglalabas ito ng kakaiba at nakakapasong init ng apoy ng Luminous Silver Burning Sun.

Woosh! Woosh! Woosh! ...!

Tunog nang nagliliparang pana ang biglang maririnig sa kinaroroonan sa paligid nang biglang pakawalan ni Van Grego ang mga matutulis na palaso papunta sa direksyon mismo ng Spike Worm.

Ngunit mabilis naman itong naiwasan ng halimaw na Spike Worm kung saan ay mabilis itong napaatras. Hindi man ito nakakakita o wala man itong mata maging ng pandinig pero ang ng pandama nito ay hindi mapapantayan ang galing nito. Hindi kasi nito nakikita ang enerhiya ngunit ang lakas nitong madama ang enerhiyang nasa paligid nito ang ikinakabahala ni Van Grego.

Hindi kasi niya ito mautakan sa larangan ng pandama at flexibility. Kung magpapatuloy ito ay malamang sa malamang ay nasa alanganin siyang sitwasyon. Makakapagpapatuloy pa siya sa susunod na palapag o hanggang dito na lamang siya?!

Defying The Gate Of Rules: Chaotic Central Region [Volume 4]Where stories live. Discover now