Chapter 2

77 9 0
                                    

Agad na sinugod si Nimbus nang isang libong mga bilang ng mga Human Demons. Mayroong kaniya-kaniyang taktika ang mga ito na halatang iba't iba ang klase ng kanilang fighting styles at fighting skills.

Maya-maya pa ay nagsagawa ang mga ito ng iba't ibang mga skills ng iba't ibang Human Demon Techniques.

Human Demon Crawling Snakes

Human Demon Flying Eagles

Human Demon catching dragons

Human Demon Tiger Strikes

Demon Catching Crows

Great Demon Assassination Skill

Demon Dark Fire Lair

Demon Black Air Blast

At marami pang naglipanang mga skills na para sa sa isang finishing blows.v

Matagumpay na sanang masasagawa ng mga human demons ang kanilang pangkalahatang mga skills ng Human Demon Technique ngunit mabilis silang napigilan ng bilang may sang dambuhalang Martial Beasts ang biglang lumitaw sa kanilang harapan yun nga lang ay naunahan sila nito sa pag-activate ng skill.

«Primal Golden Ape Technique: Destructive Jump Blast  Skill!»

Isang malakas na pwersa ng pagyanig ng lupa ang biglang nagpatalsik sa maraming mga Human Demons. Nagkaroon ng makapal na porma ng usok na gawa sa lupa. Masyado kasing biglaan ito at halos lubos na napinsala ang isang libong mga Human Demons na siyang kawal ni Human Demon Chief Frant. Naging kalunos-lunos ang kalagayan nila sa mapaminsang atake ng isang dambuhalang Martial Beast na nahahanay sa lahi ng mga Ape ngunit ngayon lang siya nakakita nito. Ang Martial Beast na ito ay animo'y isang majestic at napakalakas na Martial Beast ito.

Nakita niya rin kung paano sumuka ang mga ito ng sariwang mga dugo ang kaniyang mga alagad na siyang ikinakulo ng kaniyang dugo. Halos mamula siya sa sobrang galit.

"Mga inutil! Paano kayo natalo ng inutil na yan!" galit na galit ni Chief Frant habang mabilis na lumitaw sa kaniyang katawan ang kakaibang papel na sobrang haba habang mabilis na pumulupot ito sa buo niyang katawan habang unti-unting makikita rito angpaglitaw ng kakaibang simbolo.

Nahintatakutan naman ang mga Sect Masters rito maliban kay Sect Master Black Crow. Hindi sila makapaniwalang sobrang makapangyarihan pala ng nilalang na nasa harapan nila. May tyansa silang manalo rito noon ngunit ngayon ay wala na dahil Human Demon Slave Contract pala ang napirmahan nila. Napatahimik na lamang sila sa isang tabi habang nagngingitngit sa galit.

"Tuso talaga ang Human Demon na ito at nagawa pa kaming lokohin na isang Blood Contract iyon eh isang slave contract ang nilagdaan namin. Kung alam ko lang ay sana hindi nalang kami nagpirma nito!" galit na sambit ni Sect Master White Crow. Ang kaniyang kagandahang taglay ay mayroong malungkot na ekspresyon. Lungkot para sa kaniyang lahing pinamumunuan na hindi man lamang niya nalaman ang magiging bunga nito.

"Bakit ang tanga-tanga ko, namin. Masyado kaming nagpauto sa manlolokong ito at sa marumi nitong taktika!" sambit naman ni Sect Master Black Wolf. Kahit malakas sila ay hindi naman sila tanga upang labanan ang Human Demon Chief na si Frant. Wala silang mapapala dahil nakapirma sila sa Slave Contract na nangangahulugan na maaari silang kontrolin nito anumang oras at wakasan ang buhay nila anumang oras.

"Kahit na ako na isang Sect Master ng Vampiric Bat Powerhouse ay naloko nang mapanlinlang na Human Demon Chief at akala ko ay isang blood contract ito yun pala ay isang slave contract iyon. Maghintay ka lang at kung makakawala ako sa sumpa ng slave contract mo dahil ako ang uubos sa lahi mo dito sa loob ng kontinenteng ito o kung saang lupalop man kayo nagtatago." sambit ni Sect Master Vampiric Bat.

Defying The Gate Of Rules: Chaotic Central Region [Volume 4]Where stories live. Discover now