Chapter 30

92 10 1
                                    

"Paumanhin sa aking sinabi. Oo nga, may punto ka Leah... Ewan ko nga rin kung ano ang gagawin ng kaniyang ama rito lalo pa't mismong siya ay nasa hanay ng awtoridad ." Sambit naman ni Carl habang makikita ang labis nitong pagsang-ayon. Medyo sumobra siya sa kaniyang sinabi.

"Sigurado naman tayo napakabuti ng kaniyang ama kaya hindi malayong protektahan nito ang kaisa-isa nitong anak kahit na ipinanganak na suwail at tuso ang anak nito. Alam natin kung ano ang mga sakripisyo nito para lang  ipahanap at mahanap ang anak nito." Nalulungkot na saad ni Paulo. Isa siyang Defense Type na kawal na eksperto sa Defense Formation. Kumbaga ito ang nagsisilbing core ng isang defense formation at ang mas nakakamangha rito ay kaya nitong pataasin ang depensa ng sinuman na kasama sa isang formation.

"Kung ako ang ama nito ay malamang pinabayaan ko na kung ganito kasuwail ang magiging anak ko. Sa aking opinyon lamang at malaki na ang anak, why not bothered about this runaway thing between the father and son pero ang nakakabahala lang ay ang ginagawa nitong puro kalokokohan na nagreresulta ng gulo. Buti nalang talaga di pa ko nag-aasawa hahahaha!!!" Sambit naman ni Jake habang natatawa na lamang sa huli. Pakiramdam niya ang malas malas ng ama nito sa anak nitong sobrang suwail. Isa itong Weapon Type ngunit nasa klasipikasyon siya na long-range dahil  eksperto ito sa paggamit ng pana at pagtira ng mga palaso papunta sa kalaban nito o sa mga targets.

"Sang-ayon rin ako sa iyo eh... Kung ganito ba katuso at kasuwail ang magiging anak ko ay malaking problema ito. Sa ugali pa lamang nito ay kung akala mo ay parang taong gubat na puro basag-ulo at pisikal na kaguluhan ang ipinaiiral. Kasing tuso ng matsing at kasing suwail na ugali ng masasamang halimaw." Sambit ni Ronald dahil ganyan na ganyan ang pagkakatanda nito sa batang uhugin pa noon pero mahilig sa away.

"Kahit ano'ng sabihin niyo ay naniniwala pa rin ako na kahit gaano pa kasuwail ang anak mo ay anak mo pa rin yan. Sino ba ang papayag na maging ganito ang anak mo. Talagang nakakahanga ang ama nito dahil kaya nitong ipag-palit ang lahat ng materyal na bagay, maibalik lamang ang naglayas nitong anak." Sambit ni Paulo. Naniniwala pa rin siyang mananaig ang pagmamahal ng ama dahil isa rin siyang magulang. Yun nga lang ay maswerte sapagkat makulit lang anak nito at hindi suwail ngunit kahit nasa lugar siya ng ama ni Jinron ay alam niyang ganito rin ang gagawin niya.

"Ang drama mo na Paulo ah, sigurado akong namimiss mo rin ang anak mo at ang asawa mo. May pa-drama drama ka pang nalalaman diyan hahaha!" Sambit ni Jon habang hindi nito mapigilang tumawa. Matalik niyang kaibigan sa kanilang sampo si Paulo kaya alam na alam nito pag nami-miss na nito ang pamilya nito.

"Nagsabi naman ang walang naiwan doon sa lugar natin. If I know, gustong-gusto mo ng umuwi... Style mo bulok hehehe...!" Pang-aalaska naman ni Ria kay Jon. Napatawa pa ito ng malakas.

"Nagsalita ang walang jowa hahaha... Lakangjowa hahahaha...!" Sambit ni Jon pabalik kay Ria.

"Ahhh... Wala palang jowa ha, itong sa'yo!!!!!" Sambit ni Ria habang mabilis nitong nilagyan ng array system ang kaniyang kamay. Hindi man ito gaano kalakas na makakapatay ng isang nilalang ay sobrang tigas naman ito ng metal. Hindi lamang iyon dahil gabakal din ang bigat nito kapag dumampi ito sa katawan ng isang nilalang. Hindi maipagkakailang isa rin itong amasonang taga-depensa.

Marahas na binuksan ni Jon ang pintuan kung saan sila nakasilip na sampo at nagkaroon ito ng malakas na tunog kung saan ay nakita nilang nakatingin na pala sa kanilang gawi ang kanilang boss na si Kai.

Parang tinakasan naman silang sampo ng kanilang dugo. Agad na nawala ang Aray System na nasa kamay ni Ria at unti-unting namula ang pisngi dahil sa hiya. Si Jon naman ay parang kasing putla ng papel dahil siya lang naman ang promotor sa pagbuking sa kaniyang kasama. Nahiya siya sa kaniyang inasal.

"Parang nakakita kayo ng multo ah... Palagay ko ay kanina pa kayo gising noh?!" Tanong ni Kai sa sampong kawal na alalay niya sa paglalakbay na ito.

Hindi naman nakakibo agad ang sampong kawal ngunit naunang nakabawi sa tanong ay si Julio kung kaya't nag-isip muna ito ng palusot bago siya magsalita.

"Uhm, actually ngayon lang po kami Boss Kai. Alam mo naman kami pag tapos na ang trabaho namin ay malalim kami matulog pero nagising naman kami sa malakas na tunog na kumalampag sa sahig ng barko hehe." Sambit ni  Julio habang animo'y nahihiya at nao-awkward sa sitwasyong ito.

"Ah, ganon ba... Mukhang naistorbo ko ang inyong pagtulog. Nakakahiya naman iyon sapagkat ngayon lang kayo nakatulog ng mahimbing ay ibayong pagkadisturbo ang aking nagawa." Sambit ni  Kai habang nagkakamot ng kaniyang batok. Nakakahiya lang kasi masyado.

"Ano ka ba naman Boss Kai okay lang po yun tsaka alam mo naman na hindi rin ligtas ang paglalakbay sa karagatan. Wag po kayong mabahala dahil nakapagpahinga rin po kami ng matagal. Kami na pong magbabantay sa binatang iyan, diba guys?" Sambit ni Carl habang tiningnan ng matalim ang siyam niyang kasamahan. Parang sinasabi ng mata nito na dapat sumang-ayon kayo kung hindi?! Alam niyo na ang mangyayari. Lalo na sina Ria at Jon.

"Oo nga hehe... Mukhang napagod ka boss ah." Sambit naman ni Jon habang may pagalaw pagalaw pa ng pares ng kamay nito at tiningnan si Ria ng masakit.

Parang gustong maiyak ni Ria sa inaasal ni Jon. Sino ba naman ang gugustuhing magbantay eh alam naman nilang di pa sila nagpapahinga. Kung di ba naman nagchismisan at naging ususera't ususero sila edi sana nakapag-beauty sleep pa siya. Natutulog pa rin sila noh kahit pwede namang  hindi.

"Ah oo naman boss... Parang ikaw nalang palaging gising sa atin at bihirang magpahinga hehe... Malapit na naman tayo sa Central Region kaya okay lang talaga." Sambit ni Ria habang nakangiti pero pasimple nitong pinaningkitan ng mata si Jon na siyang ikinaputla naman ni Jon.

"Patay na naman ako nito, bakit ba ang malas ko naman ngayon huhu..." Sambit na lamang ni Jon habang nito pinapahalata na may paglalagyan siya mamaya.

"Okay lang ako... Total malapit na rin naman tayo ay hindi nalang ako magpapahinga bagkus ay nagcu-cultivate na lang muna ako pansamantala." Sambit ni Kai habang mabilis nitong nilisan ang lugar na kinatatayuan nito. Siguradong andun na ito sa kaniyang kwarto na nagcu-cultivate.

"POOOKKKKKK!"

Isang hindi inaasahang malakas na batok ang ibinigay ni Ria kay Jon na siya namang halos mangudngod ito sa sahig ng barko.

"Aray ko naman!!!!" Daing ni Jon sa pambabatok na natanggap niya mula sa isang amasonang kawal na si Ria. Parang hindi batok ng isang babae ito dahil parang suntok ito ng sampong malalakas na kalalakihan.

"Yan kasi eh, tanga ka kasi... Nakit mo binuksan yung pinto ha?! Tanga ka o tanga ka hmmm!!!" Nanggigigil na sambit ni Ria habang hindi naman makatingin ng direkta sa kaniya o sa kanila si Jon.

"Tanga-tangahan school of acting goes to tanananan... To tangang Jon!" Pagmamaldita naman ni Leah rito. Kung di ba naman tanga si Jon, muntik na silang mapahamak.

"Hoy, anong gagawin niyo?! Huwag kayong lalapit wahhhhhhh!!!!!" Sambit ni Jon habang animo'y natatakot habang tinitingnan ang siyam na taong nasa loob pa mismo ng pintuan na animo'y naimamahe niya na kumikislap ang mga nagpupulahang pares na mata ng mga ito at napapalibutan ng napakaitim na awra.

At ito nga ang gabi kung saan ay masasabing ito ang pinakamalas na araw ni Jon sa kamay ng siyam nitong kapwa-kawal ng White Raven Tribe.

Defying The Gate Of Rules: Chaotic Central Region [Volume 4]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن