"Oh. Vini." sambit ko sa kanyang pangalan.

"You dont have classes tomorrow right?" tanong nya sa akin.

"Uh.. Oo." tumatango-tangong sagot ko sa kanya.

"That's good then." masayang untag nya. "I dont have classes tomorrow too. Let's do our assignment tomorrow."

"Oo nga pala! Yung assignment." gulat kong sabi dahil nawala na sa utak ko yung long assignemnt na by partners ng dahil doon sa masquerade party.

He huskily chuckled at pakiramdam ko'y sulit na ang pandinig ko ng marinig ko ang tunog ng kanyang tawa.

"So, san tayo gagawa?" bigla nyang tanong. "My place or your place?"

Nanlaki naman ang aking mga mata sa tanong nya sa akin.

Kung sa kanila kami gagawa, nakakahiya naman dahil ka-babae kong tao tapos pupunta ako sa bahay ng lalaki kahit na sabihing gagawa lang ng assignment, nakakahiya pa rin at ang pangit tignan. Kung sa amin naman, nakakahiya rin ang itsura ng bahay namin. Pero okay na rin dahil kahit maliit naman ang bahay namin, malinis naman doon at walang amoy.

"Hey, uhm, you look so flustered." biglang pagsasalita ulit ni Vini. "If you want, dito nalang tayo sa school--"

"Ha? Hindi! Hindi!" agad kong pagputol sa kanya. "S-Sa bahay nalang namin." dagdag ko.

"Are you sure?" paninigurado nya sa akin na kung tignan nya ako'y parang binabasa nya pa ang expression ko.

Ngumiti naman ako't tumango. "Oo naman!" untag ko. "So, uhm.. Kita nalang tayo samin bukas." sabi ko nalang sa kanya't tumalikod upang magsimula na muling maglakad ng hawakan nya ang aking papulsuhan upang mapigilan.

Unti-unti naman akong lumingon sa kanya at nakita kong nakangiti pa rin sya sa akin.

"Pano tayo magkikita bukas if I dont where your house is?" natatawang tanong ni Vini sa akin.

Parang gusto kong sapukin ang sarili ko nang dahil sa katangahan ko. Sa sobrang pagkailang ko sa kanya't gusto ko ng makaalis ay hindi ko pa nasabi sa kanya kung saan ang bahay namin.

"Ah. Oo nga pala." pinilit ko ang sarili kong matawa sa katangahan ko. "I-tetext ko nalang sayo kung saan ang bahay namin. Baka kasi hindi mo matandaan."

"Okay then." sabi ni Vini at muli akong tumalikod. "Uh.. Bella." tawag nya ulit sa akin.

Muli akong humarap sa kanya. "Hmm? Bakit?" naiilang na tanong ko sa kanya.

"I dont have your number. Do you know mine?" sabi nya sa akin at muli naman akong natawa sa katangahan ko't hiyang-hiya na ako sa kanya.

"I-didikta ko nalang number ko sayo." sabi ko nalang sa kanya.

"Oh. Okay." aniya't kinuha ang cellphone nya sa kanyang bulsa't may pinindot saka nag-angat ng tingin sa akin. "Your digits please." marahang sabi nya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nanginginig pa ang aking boses habang dinidikta ko sa kanya ang number ko.

"Sige. Text mo nalang ako." nakangiting sabi ko kay Vini saka mabilis na nagpaalam upang makauwi na.

Napabalikwas naman ako sa aking kama't napabangon ng tumunog ang aking cellphone at nabasa ang mensahe sa akin ni Vini.

From: Vini Sarmiento

I'm on my way.

Halos maihagis ko na ang cellphone ng bumangon ako sa aking kama at kumuha ng damit sa aking aparador. Nagmadali akong pumunta sa banyo namin at naligo.

Beautiful DanceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant